OPM – Pinoy Music – MP3

June 3rd, 2006

Sa lahat ng mga Pilipinong nangibang bansa, at nagpapakahirap magtrabaho, para sa inyo po ito. Kung medyo matagal gayong napalayo na sa Pilipinas, baka hindi na po ninyo kilala ang mga makabagong mangaawit na napakagaling at maipagmamalaki sa ibang bansa.

Pwede po kayo makinig dito sa websayt na ito ng madaming kanta sa loob ng isang oras. Piliin lang po ninyo and gusto ninyong mga kanta. Adjusted na po ito maging mabilis mag-download at hindi patigil-tigil. Pagod ka na ba kabayan? Sana mapawi ang pagod mo, sa pagpapakinig ng mga musikang atin. Mga OPM hits ngayon.

Kung maari po, nais ko lang malaman kung alin ang pinakapaborito mong kanta na napakinggan mo muli dito sa websayt na ito at ano ang kasalukuyang ginagawa mo noong pinapakinggan mo ang kanta na iyon. At paki pamalita din mga iba’t ibang Pinoy na kilala mo. Sa mga may blog, paki link na po at inaanyayahan ko lahat ng Filipino na makinig at mapasaya kahit sandali lang para mapawi ang pagod at pangungulila na malayo sa sariling bansa at pamilya.

Sa Comments po sa ibaba, paki copy and paste, ang mga tanong na ito at sagutan:

  1. Anong kanta ang pinakapaborito mong napakinggan muli dito sa pahina na ito?
  2. May kanta ka bang gustong pakinggan ngunit wala dito sa listahan?
  3. Ano ang ginagawa mo nung oras na pinapakinggan mo ito?
  4. Nasaang bansa po kayo?
  5. Kung nasa ibang bansa po kayo, tingin po ninyo pwede bang ipagmalaki ang musika natin sa pinaka malapit sayo na kaibigan na hindi Pilipino?
  6. Uso sa America at sa mga ibang bansa na bumili na lang ng mga kanta online gaya ng paggamit ng iTunes. Sa tingin po ninyo, maganda din ba magbenta ng OPM hits online at madaming bibili? O ‘di kaya’y maabuso lamang ito ng ating mamamayan at pag nabili na ng isang tao, ipapakopya na nya sa iba?

At pag ikay tapos na, imbitahin po ninyo mga kaibigan ninyong gustong mapasaya na makapakinig ng mga tugtog na sariling atin. Gamitin lang po and “Email sa Kaibigan.” Kung kayo po ay nagsasawa na mga unang kanta, pwede po kayo mag scroll down para masilip ang mga iba pang pamagat na maaring patugtugin. At magclick lamang sa kanta na gusto po ninyo.

Suportahan natin ang sariling atin. Bumili lang po ng mga original na CD, VCD at DVD. Supportahan ang industria ng musika at telebisyon ng Pilipinas at huwag bibili ng pirated music and videos. Isulong nating ang sariling atin! Isulong ang musikang Pinoy! Isulong! ~Seoph Martinez

132 Responses to “OPM – Pinoy Music – MP3”

  1. Anna Says:

    Wala bang parang iTunes na pwede bumili ng songs na OPM? Galing talga site mo. Natuwa ako.

  2. Art Says:

    # Anong kanta ang pinakapaborito mong napakinggan muli dito sa pahina na ito?

    Lahat ng kanta ng Mojofly, ni Kitchie Nadal at Barbie’s Cradle/Barbie Almalbis.

    # May kanta ka bang gustong pakinggan ngunit wala dito sa listahan?

    Meron cguro pero hindi ko maisip ngayon. Ah meron! Si Andrew E. kwela din yun.

    # Ano ang ginagawa mo nung oras na pinapakinggan mo ito?

    Matutulog na dapat. Kita ko lang email mo. Sinubukan ko nga.

    # Nasaang bansa po kayo?

    US

    # Kung nasa ibang bansa po kayo, tingin po ninyo pwede bang ipagmalaki ang musika natin sa pinaka malapit sayo na kaibigan na hindi Pilipino?

    Syempre, English songs natin hindi mo mapagkakamalan na Pinoy.

    # Uso sa America at sa mga ibang bansa na bumili na lang ng mga kanta online gaya ng paggamit ng iTunes. Sa tingin po ninyo, maganda din ba magbenta ng OPM hits online at madaming bibili? O ‘di kaya’y maabuso lamang ito ng ating mamamayan at pag nabili na ng isang tao, ipapakopya na nya sa iba?

    Eh kahit bumili ka ng CD, pwede din naman kopyahin. Kung bumili ka online, pwede din kopyahin. Eh di dapat mag benta na online dba?

  3. Prettyjenn Says:

    Galing naman ng Gish. Gusto ko mga songs nila. hoooray!!!

  4. Jekiro Says:

    Anong kanta ang pinakapaborito mong napakinggan muli dito sa pahina na ito?
    Nothing specific, basta classic pinoy hits!

    May kanta ka bang gustong pakinggan ngunit wala dito sa listahan?
    As long as Bamboo and Urbandub is there, okay na!

    Ano ang ginagawa mo nung oras na pinapakinggan mo ito?
    Working

    Nasaang bansa po kayo?
    Pinas

    Kung nasa ibang bansa po kayo, tingin po ninyo pwede bang ipagmalaki ang musika natin sa pinaka malapit sayo na kaibigan na hindi Pilipino?
    N/A

    Uso sa America at sa mga ibang bansa na bumili na lang ng mga kanta online gaya ng paggamit ng iTunes. Sa tingin po ninyo, maganda din ba magbenta ng OPM hits online at madaming bibili? O ‘di kaya’y maabuso lamang ito ng ating mamamayan at pag nabili na ng isang tao, ipapakopya na nya sa iba?
    Siguro we need more time for publicity before we do that…

    COMMENT: Siguro po mas maganda kung lahat ng kanta na andito ay orihinal na gawa, para mas masarap ipagmalaki sa ibang bansa. Whatcha think? Remakes glorify great songs, but wouldn’t it be nicer to introduce pinoy music as something that has made itself unique and hopefully, better than its influences?

  5. joe Says:

    nice site ha..
    at kamusta naman kasama ang gish ha..
    they rock you know!!hehe..pero di ako bolera!ok ang gish!!ok mga kanta nila!!!

  6. joe Says:

    # nong kanta ang pinakapaborito mong napakinggan muli dito sa pahina na ito?mariposa at alang alang sayo
    # May kanta ka bang gustong pakinggan ngunit wala dito sa listahan?tulad ng dati by the dawn
    # Ano ang ginagawa mo nung oras na pinapakinggan mo ito?nakatanga
    # Nasaang bansa po kayo?nsa states
    # Kung nasa ibang bansa po kayo, tingin po ninyo pwede bang ipagmalaki ang musika natin sa pinaka malapit sayo na kaibigan na hindi Pilipino?oo naman!no doubt about it!filipinos have a lot of creativity and talent kung i-compare sa iba..nax!
    # Uso sa America at sa mga ibang bansa na bumili na lang ng mga kanta online gaya ng paggamit ng iTunes. Sa tingin po ninyo, maganda din ba magbenta ng OPM hits online at madaming bibili? O ‘di kaya’y maabuso lamang ito ng ating mamamayan at pag nabili na ng isang tao, ipapakopya na nya sa iba?depende na sa takbo ng utak ng tao

  7. sherwyn Says:

    Anong kanta ang pinakapaborito mong napakinggan muli dito sa pahina na ito?

    gish

    May kanta ka bang gustong pakinggan ngunit wala dito sa listahan?

    may urbandub b dito? lupit nila eh

    Ano ang ginagawa mo nung oras na pinapakinggan mo ito?

    wala

    Nasaang bansa po kayo?

    pilipinas

    Kung nasa ibang bansa po kayo, tingin po ninyo pwede bang ipagmalaki ang musika natin sa pinaka malapit sayo na kaibigan na hindi Pilipino?

    Uso sa America at sa mga ibang bansa na bumili na lang ng mga kanta online gaya ng paggamit ng iTunes. Sa tingin po ninyo, maganda din ba magbenta ng OPM hits online at madaming bibili?

    never mauuso dito sa pinas magbenta ng kanta

    O ‘di kaya’y maabuso lamang ito ng ating mamamayan at pag nabili na ng isang tao, ipapakopya na nya sa iba?

    exactly

  8. Cynch Says:

    Anong kanta ang pinakapaborito mong napakinggan muli dito sa pahina na ito? Bulong – Hiling – Paramita

    May kanta ka bang gustong pakinggan ngunit wala dito sa listahan? Hilinh – Paramita

    Ano ang ginagawa mo nung oras na pinapakinggan mo ito? Nagtratrabaho
    Nasaang bansa po kayo? Pilipinas
    Kung nasa ibang bansa po kayo, tingin po ninyo pwede bang ipagmalaki ang musika natin sa pinaka malapit sayo na kaibigan na hindi Pilipino? hindi na dapat tinatanong yan…pinagmamalaki ko sila kahit nasa sariling bansa

    Uso sa America at sa mga ibang bansa na bumili na lang ng mga kanta online gaya ng paggamit ng iTunes. Sa tingin po ninyo, maganda din ba magbenta ng OPM hits online at madaming bibili? O ‘di kaya’y maabuso lamang ito ng ating mamamayan at pag nabili na ng isang tao, ipapakopya na nya sa iba? Tingin ko kasi aabuso lang yun iba

  9. ferdie Says:

    alam mo ba ung CHAT ROOM na kanta?

  10. antoine Says:

    astig ung site na yo natuwa ako nang husto dahil miss ko na talaga ung mga filipino songs kaya i2 pag walang magawa visit ako ng mga sites of the philippines…

    ty sa inyo

  11. Krusnik Says:

    ang galing… astig to.. mga di q mahanap na kanta sa net d2 makikita.. hehehe

  12. jeffrey Says:

    ung shota ng bayan ang pnaka mganda s lhat ng songs n nanjan isulong ang opm music

  13. FiLthy.SouL Says:

    Hi.. Astig mga songs! panaii alternative din! pa Lagaii nman ng A PROMiSE ng chic0sci.. Like Your site.. way too cooL.. Keep iT uP..;)

  14. june tero Says:

    astig ang ginawa mong website pre!…sana meron ding songs ng Banmboo esp from their first album.

  15. louie ng riyadh Says:

    okies to chong!!! kala kung ano lang …kwela pa pala …. isulong nga ang mga pahinang nakapaloob dito!!! para sa pinoy !!! first time in the west! tagalog na pinoy!!! Mabuhay ang Pinoy!!!! keep in up and new SEoph ..este ….manatili ka sa itaas at bago Seoph …yan tagalog na rin ….. Syokran Sadik!!! clap-clap-clap-clap..!!!!

  16. Krusnik Says:

    amfufu panay lalaki lang ba nagpopost d2? wala bang girls???? MAGAGANDA MGA OLD SCHOOL ATLERNATIVE ROCK 2LAD NG RIVERMAYA YANO RIZALUNDERGROUND AT THE TEETH… SANA NGA MAGKAROON NG SONGS FROM ALBUM NI BAMBOO… C BAMBOO PO AY DATING RIVERMAYA!!!!

  17. Seoph Says:

    Tignin ko babae si Cynch, Antoine and Prettyjenn.

    Madaming Rivermaya sa Playlist. Meron mga hits ng Rizal Underground and Teeth. Meron din few songs ni Bamboo, pero since magamind request kay Bamboo, dayo ako sa Oddyssey, bili ako ng old and new albums nya and idagdag ko. :D

  18. chito Says:

    Galing…. isulong ang OPM’s….
    Songs ng Slapchock… at alternative Pinoy bands

  19. meg Says:

    nice site i really like it…
    keep on… ang galing talaga!!!

  20. meg Says:

    try nyo to its very cool!!!!
    we should be proud being pilipino!!!
    soportahan ntin ang opm!!!

  21. meg Says:

    ang galing talaga ng web mo!
    ang lufeths!
    hindi ko mapigil ang sarili ko na laging i-open ang web mo!

  22. meg Says:

    ang saya saya ko!!!!!!
    pwedeng pwede ko pakinggan mga opm favorite songs ko!!
    Guys out there try nyo to!!!
    ang galing tlaga nito!!

  23. rian Says:

    May kanta ka bang gustong pakinggan ngunit wala dito sa listahan?
    oo,yung i never knew love ni lovi poe….

  24. leah xamine Says:

    join the club at imago naman po pls? thanx!!

  25. Seoph Says:

    Noted, papabili ako sa Odyssey para ma lagay ko dito. Salamat at nasiyahan kayo.

  26. Robert Says:

    magaling! sobrang galing! ang sarap makinig dahil mabilis download. mga kantang OPM na tunay na maipagmamalaki. Paborito ko syempre kapanahunan ko, The Dawn, Alamid, Grin Dept.,Eraserheads, Parokya ni Edgar,Yano,Sugar Hiccup,The Teeth, mga early 90′s band and i’m happy some of their songs are here… Hinahanap ko rin syempre ung “Local Boy” ni Jack Sikat nakalimutan ko na ung banda nya, “Someday” ng Sugar Hiccup, “Stop the Lalala” ng Tribal Fish, “Tambayan” ng Grin Dept., “Minsan” “Sembreak” “Wishing Well” ng Eraserheads. “Lullaby” at “However Which Way” ng Introvoys (yun lang ang gusto ko sa kanila). Pero maski wala ang mga ito ang babagsik ng choices lalo na ung mga various artists na kino-cover ung songs ng eraserheads, i like most “Hard to Believe” rendition ng Cueshe, 1st time to hear pero swak na swak sa pandinig. Isulong Pinoy!

  27. grazy Says:

    galing namam neto! yehey!

  28. jojo_pinoy Says:

    magaganda ang mga songs..more pa..shamrock, moonstruck88..siakol, etc..hey narda din sali mo din ha..miss ko si april eh..hehe salamat tol!! teka may alam ba kau kugn san nakakabili ng mga pinoy songs mp3 online?? meron ba nun?

  29. Sonnie Says:

    nice site… Meron na pong ngbebenta online ng MP3. http://www.mp3pilipinas.com

  30. Roy Says:

    Pare ang galing ng site mo! Sana pwede i-download ang songs. Pero ok talaga. miss ko na kasi ang pinas!!!!….

  31. Barnette Says:

    hey yah… help lang po.. may list ka ng opm songs na duet na from year 2000 up to present? thanks.

  32. Sally Says:

    wow, astig naman ng site na to! At dirediretso tlaga ang sounds ah..at andito pa mga paves ko! Wow talaga..share ko rin to s iba tol! Am sure, they’ll appreciate it. Gudluk din s SEO contest, kasali ka nga ba? Uy favor nmn oh, pwede makilagay sige by siakol? PLEEEAAZZZE!!

  33. lee Says:

    yeah! isulong ang opm!! Asteg mga Pinoy Artist!
    nakakatuwa itong site na toh! kahit ako’y dial-up! rinig ko parin ng buo ang mga kanta.. ahahaha kailangan talaga tagalog! hahaha Godbless!

  34. phoebe Says:

    magandang araw/gabi sanyong lahat! maraming salamat po sa’yo Seoph. galing po ng site nyo. you’re right, nde ko na kilala new artist… ang gagaling nila. na miss ko talaga sobra OPM.thanks to my friend online who gave me the link ng site nyo.
    more power!mabuhay ang pilipino!

  35. Mark7 Says:

    asn galeeng!!!
    siakol, teeth, wolfgang!
    or ung mga opm bands na nag start sa club dred!!
    galeeeeeng!!!

  36. Joven Says:

    ***Thank you sa pagcreate ng website na to! Napapakinggan ko ulit mga Pinoy songs lalo na yung mga lumang kanta ng Pinoy bands!

    Anong kanta ang pinakapaborito mong napakinggan muli dito sa pahina na ito?

    Envolope Ideas by the Dawn

    May kanta ka bang gustong pakinggan ngunit wala dito sa listahan?

    Songs by Ogie Alcasid

    Ano ang ginagawa mo nung oras na pinapakinggan mo ito?

    Working sa Office

    Nasaang bansa po kayo?

    Malaysia

    Kung nasa ibang bansa po kayo, tingin po ninyo pwede bang ipagmalaki ang musika natin sa pinaka malapit sayo na kaibigan na hindi Pilipino?

    Oo naman! Galing ng Pinoy ay World class.

    Uso sa America at sa mga ibang bansa na bumili na lang ng mga kanta online gaya ng paggamit ng iTunes. Sa tingin po ninyo, maganda din ba magbenta ng OPM hits online at madaming bibili? O ‘di kaya’y maabuso lamang ito ng ating mamamayan at pag nabili na ng isang tao, ipapakopya na nya sa iba?

    Kahit DVD, CD or download, pare-pareho lang pede ipakopya kung gugustuhin….

  37. psychedelic_3ur2 Says:

    san ba makakahanap ng old school rivermaya songs?

    lalo na yung monoploy… miss ko na un e.

  38. jm Says:

    My favorite songs —–> Bulong , spolaruim , huwag na huwag mong sasabihin , balisong. Pls. add NOBELA tnx…….

  39. William Says:

    1.Anong kanta ang pinakapaborito mong napakinggan muli dito sa pahina na ito?

    **Paborito kong kanta ung With A Smile ng E-Heads,
    the best talga sila!!!

    2.May kanta ka bang gustong pakinggan ngunit wala dito sa listahan?

    **Ung Minsan ng E-Heads, team song kc ng barkada namin un!

    3.Ano ang ginagawa mo nung oras na pinapakinggan mo ito?

    **Nasa trabaho ko, halos 6hrs ko ata soot ung earphone ko habang nagtatrabaho! ok nga eh!!!

    4.Nasaang bansa po kayo?

    **Dito sa Dubai!

    5.Kung nasa ibang bansa po kayo, tingin po ninyo pwede bang ipagmalaki ang musika natin sa pinaka malapit sayo na kaibigan na hindi Pilipino?

    **OO naman! Sa bus nga nung pauwi nako, ung ringtone nung isang lebanese! eh ung Pinoy Ako ng Orange and Lemon. Pang World class talaga tyo!

    6.Uso sa America at sa mga ibang bansa na bumili na lang ng mga kanta online gaya ng paggamit ng iTunes. Sa tingin po ninyo, maganda din ba magbenta ng OPM hits online at madaming bibili? O ‘di kaya’y maabuso lamang ito ng ating mamamayan at pag nabili na ng isang tao, ipapakopya na nya sa iba?

    **Sa panahon kc ngaun, isip ng tao kung paano ki2ta ng pera mahirap man o madali. Lahat pwede at lahat pwede din maabuso. Kc un na nangya2ri sa atin dami pirated cd,dvd.

    **Sa mga ganitong website, saludo ko!!! Pag patuloy nyo yan!!! Mas maganda kung dagdagan mo nalang ng madami pang kanta! Congrats!!!!!

  40. tangerine Says:

    Mahusay! para sa atin , siempre d best ang pinoy music, kasi lenguwahe at kultura natin ang nakapaloob dito…mabuti nga nauso sa atin ang mga sumisibol na mahuhusay na tagpaglikha ng kanta at banda, wala na ang stereotype na kailangan guwapo at maganda ka! mabuti na lang at nag evolved na tayo roon

  41. felrose Says:

    di ba pde idownload ung mga songs??? sana pde pano ba

  42. KADDAFFY Says:

    napakaganda at creative ang my idea ng tagalog site na to’ ang mga kanta ay nakakakilig kasi nanunumbalik un kabataan ko habang nanliligaw palang ng mga chicks..alala ko tuloy my girls from the gud past..

  43. es2ng Says:

    sir,
    galing nmn ng site nyo! d2 s hongkong ipinagmamalaki ko to’…more power po!!!

  44. genelyn lanote Says:

    ang ganda nang column nyo sana pwede na rin bumili dto online katulad sa america. para isulong din natin ang gawang pinoy. at makakatulong p sa bansa natin.

  45. john Says:

    sana merun kau mga kanta ng siakol at the teeth, byaheng impyerno at chicharon, etc…….

  46. dhel Says:

    Thank you very much Seoph Martinez!!

    Ur da best!! ang lufet moh poe!!!

  47. Isulong Seoph Philippines - Da Coconut Nut by San Miguel Master Chorale Says:

    [...] Paboritong Tugtugin [...]

  48. KADDAFFY Says:

    sa nag invite sakin ng site n 2 attn:admin br,u know hu u r, thnk u tol! pampagising sa magdamagang duty ang mga pinoy music d2..sent ko dn tong site sa mga relatives ko sa abroad to ease their homesick, isulong pinoy music! to all guys out there visit this site its really fun & cool!tnx seoph!

  49. Lynn Says:

    ahm,,,,

    meron ba kayo nung pwedeng ilagay sa myspace and friedster? yun lang po…. ANd the music’s very fine hir rin po….. kip up the gud work….

  50. salie Says:

    all mymp songs… pls… sana mgkaron na…

  51. kreikins Says:

    monoploy brod… upload mo…mahirap kc hanapin sa web. kung ok lang sau :)

  52. Clark in Japan Says:

    Seoph,

    galing mo…accidentally ko lang na browse ang website mo…COOL talaga..nakakatangal ng pagod….i remember my highscool days, the time where Pinoy Alternative Bands invaded our music industries…PINOY ALTERNATIVE ichiban desu….

  53. princess Says:

    hello, galing ng site mo! Salamat at may isang katulad mo na may malaking concern sa OPM music. Just a clarification hindi po ba kamikazee is the band/artist and ung song nila is chicksilog? At tska puwede bang maidagdag mo po dito ang bandang Dictalicense, Updharma down at Paramita dahil magagaling din kasi sila sana maisama din mga kanta nila dito! Salamat (“,)

  54. Paco Arespacochaga Says:

    i love the page!!!! rock on!!! check out introvoys’ site!

    http://www.introvoys.net

  55. Seoph Says:

    Paco, pwede ba kayo ma-interview and maybe the whole band na din para sa website?

  56. Nicole Says:

    ai.grbe asteeg tong page mo as in lupet bumablek pagka rakista qo.anywei slmt at naicpn mo tong peyg n to! super asteeg ka..rock on !
    anywei f my ym ka add mo qo as a frnd dba,:P LoLx :) ) nic0wl_o29@yahoo.com thnx kuya kamn or ate :) )

  57. koy Says:

    galing mo seoph..

    nasearch ko lng website mo….

    galing mo tlga….hanga ako sa iyong angking katalinohan…

  58. Seoph Says:

    Salamas Nicole, kuya naman ako. Pero sino ba mastanda sa atin? Baka ate kita?

    Koy, Salamat din.

  59. b**ch Says:

    ala

    nicole!!!! wow!!!

    to all viewer!!! pls…. cnt i know kng taga san kau???????? or wat city

    vhonne!!!!!!!!!!!!!! gud luck na lng

    (Moderator Notes: Sorry, I needed to edit your name, and I consolidated your post into 1 post.)

  60. koy Says:

    ako tga bicol but now im here in dubai..

    GALING PINOY..

  61. koy Says:

    seoph..

    pde b ako patulong sau gmawa sarili ding website at kung san pde free hosting.. thx

  62. BEt Says:

    Ala lng..
    Ang ganda ng mga song…hayyyy nakaka miss talaga ang pinas…Nice website hurayyyyyy galing mo…sana may MP3 format napedeng i download hihihihi

    Cheer,

  63. rockababes Says:

    Bawal mgdawnlowd ng mp3 sa opisina kaya salamat sa websayt mo at nkakapakinig aku ng musika para manatiling gising sa trabaho..

  64. samito Says:

    iwas problema sa IT! para sa ngoopisina! yehey!

  65. BEt Says:

    Ala lng ulit,
    Di pla pedeng mag download ng MP3 format…vikeoke format na lng kaya…hihihi just kidding guys…ok ang galing nga ie, sa ngayun dito na me lagi pumasok …of course sa mga pinoy songs lng me nakikinig hayyyy kahit daming asunggot sa opisina lalo na mga european kc sobrang demanding kala mo magaling na sila ie etomak pla hihihihi…kamote ba hihihi…pero sa pamamagitan ng websayt na tu tanggal ang problema ko. Kahit malayo ako sa kabihasnan kc po dito ngayun sa gitnang dissierto sa Libya ( working as an IT daw) hihihi. Congrat pare ang galing mo….ala bang tagay hihihihi juk juk juk .

    Cheer

    BEt

  66. rockababes Says:

    Sana dagadagan nyu pa po ng mga mp3s lalo na yun mga klasika, e-heads,rivermaya classics,wolfgang..Kasi e2 lang po ang source of music sa opis…

  67. al burce Says:

    galing mo pre…wow talaga ang noypi.kahit nasa america ako maririnig ko pa rin ang kantang pinoy.SALUDO AKO SAYO..

  68. tamad ng ireland Says:

    [Anong kanta ang pinakapaborito mong napakinggan muli dito sa pahina na ito?]

    lahat ng kanta d2 eh ok..prang halo-halo masarap..

    Galing talaga ng talentong Pinoy.
    Mabuhay Ang Mga Pinoy!

  69. samito Says:

    juan sumulong website is the best!!

  70. mickey mouse Says:

    ok nman d2 enjoy makinig…..

  71. Mito Says:

    Sarap makining pag OPM!!! :D

  72. kawaii Says:

    alam nyo po ba yung lyrics ng CHAT ROOM na kanta? meron po ba nun dito na pwede idownload??

  73. jiggy Says:

    May kanta ka bang gustong pakinggan ngunit wala dito sa listahan?

  74. jiggy Says:

    i want to have a copy of Jimmy Bondoc’s song. Walang tao dito

  75. Richard Badlisan g0ma Says:

    pare ibang site talaga ito! dami kong nahukay na mga kantang kala ko di ko na maririnig uli… huhuhuh! kakamiss ung skul life amf~

  76. harvey Says:

    ang galing ng mga kanta mo,puro pinoy na pinoy.piling ko nasa pinas pa din ako.sana pwede din mag download nito!!!!!!
    gudluck and godbless!!!

  77. ryan Says:

    The best 2ng site na to..perfect mag soundtrip.sana yung Kami Napo Muna songs mailagay din.thanks and more power

  78. Yrick Says:

    naks oks dito lang me sa philippines pero gusto ko parin makarinig ng opm songs .. ayos

  79. ryan Says:

    gusto ko tatsulok ni bamboo naman..tnx

  80. Thesa Says:

    Anong kanta ang pinakapaborito mong napakinggan muli dito sa pahina na ito? YUNG MGA LATEST SONGS SA PINAS PARA UPDATED DIN AKO MASKI MALAYO AKO
    May kanta ka bang gustong pakinggan ngunit wala dito sa listahan? GUSTO KO YUNG KAY KYLA AT REGINE. DI KO NACHECK LAHAT KUNG NASA LIST…
    Ano ang ginagawa mo nung oras na pinapakinggan mo ito? NAGHAHANAP NG MGA OPM NA MP3
    Nasaang bansa po kayo? US
    Kung nasa ibang bansa po kayo, tingin po ninyo pwede bang ipagmalaki ang musika natin sa pinaka malapit sayo na kaibigan na hindi Pilipino? OO NAMAN!
    Uso sa America at sa mga ibang bansa na bumili na lang ng mga kanta online gaya ng paggamit ng iTunes. Sa tingin po ninyo, maganda din ba magbenta ng OPM hits online at madaming bibili? O ‘di kaya’y maabuso lamang ito ng ating mamamayan at pag nabili na ng isang tao, ipapakopya na nya sa iba? NORMAL NAMAN SA PINOY ANG MAGPAKOPYA SUS MASKI SA LAHAT NANGONGOPYA NGA EH SA SONGS PA KAYA. PERO ATLEAST YUNG TALAGANG NAGHAHANAP AT WILLING MAGBAYAD EH BIBILI SYO.

    THANKS SA WEBSITE MO HA… MISS KO NA PINAS KAYA I REALLY APPRECIATE IT.

  81. crow dreamer Says:

    wala bang magbalik by callalily

  82. crow dreamer Says:

    pre meron kaba kay callalily?

  83. elle Says:

    ui, someday ng sugar hiccup nmn o.pls.

  84. Seoph Says:

    Meron 2 songs dyan na Suger Hiccup.

  85. shumi Says:

    ang panget naman d2 wala kwenta kc nakaakasawa mga kanta amp

  86. xaoixaoi Says:

    anong panget dito? wala ka kasing alam sa kanta.

  87. king bee Says:

    ok d2, more updates of the songs

  88. king bee Says:

    saludo me d2, more updates of pinoy latest songs pls

  89. joseph e. escober Says:

    astig!!!!

  90. myko Says:

    May kanta ka bang gustong pakinggan ngunit wala dito sa listahan?
    gusto ko po sana ung haplos by shamrock tgal ko ng nghhnap nun eh

  91. myko Says:

    di nman lmlbas reply ko?

  92. monette Says:

    nakakamiss sa atin……….

  93. jho Says:

    ganda!!
    astig!! sana may bago, dagadag nyo naman kamikazee, spongecola and iba pang bagong bandatnx and keep it up!!!

  94. LEE Says:

    plS. UPLOAD to my profile all of erick santos music vedio….if ok lng sau ?

  95. jhames Says:

    wala po ba d2 MALAPIT NA _ SIAKOL pls

  96. jorge Says:

    pre paano i download ang mga kanta mo! the best ung website mo pare more power!!!

  97. Gina Says:

    ..hi good day sayu,,,,,,,,,
    first time ko sa site na 2..
    but i enjoy,,

    pareho pla tayu noh..??fav. ko rin kc,, yung 214…pati ang eheads,,,
    ..pwde ba kunin ang code na mga songs mo?
    lagay ko sana sa friendster ko,,,,,,

    ..thanks you,,,

  98. allivon Says:

    ang galing naman ng site na to cool ang mga music… but mas coll sana kong pwede ma down load ang player pati mga kanta… nice site thanks…

  99. salvador Says:

    ang galing nga pre e….

  100. Jennylyn Says:

    2 the highest level ang drama ng spolarium. Sa 22o lang favorite ko i2.

  101. rhea Says:

    hey..super cool namn ng mga songs nyo…
    grabe….dagdgan nyo pa sana ng more MYMP songs…
    thanx… muwahh..at sa mga listeners and supporters!
    hi to regie…

  102. jheng Says:

    Anong kanta ang pinakapaborito mong napakinggan muli dito sa pahina na ito?
    ***actually lahat poh, promiz!!!***
    May kanta ka bang gustong pakinggan ngunit wala dito sa listahan?
    ***mrami, like ung mga kanta nla xtian bautista, sarah geronimo***
    Ano ang ginagawa mo nung oras na pinapakinggan mo ito?
    ***nood ng GMA ska search ng pinoy songs***
    Nasaang bansa po kayo?
    ***japan***
    Kung nasa ibang bansa po kayo, tingin po ninyo pwede bang ipagmalaki ang musika natin sa pinaka malapit sayo na kaibigan na hindi Pilipino?
    ***oo, pwdeng pwde***

  103. John Says:

    San na po ang mp3 player?

  104. Seoph Says:

    Baka nag down lang music server ko. Dapat ok na ngayon.

  105. xXxOtaPxXx Says:

    # Anong kanta ang pinakapaborito mong napakinggan muli dito sa pahina na ito?
    The Weedd – Long Hair!!! mabuhay ang mga long hair simula nun hangang ngaun

    # May kanta ka bang gustong pakinggan ngunit wala dito sa listahan?
    Meron! The Teeth – Shooting Star

    # Ano ang ginagawa mo nung oras na pinapakinggan mo ito?
    Iniisip ko ung mga Cool s Pinas nung 90′s dati may gameboy k lng n old school astig k n s school nyo!

    # Nasaang bansa po kayo?
    S pinay, to be precise s olongapo

    # Kung nasa ibang bansa po kayo, tingin po ninyo pwede bang ipagmalaki ang musika natin sa pinaka malapit sayo na kaibigan na hindi Pilipino?

    # Uso sa America at sa mga ibang bansa na bumili na lang ng mga kanta online gaya ng paggamit ng iTunes. Sa tingin po ninyo, maganda din ba magbenta ng OPM hits online at madaming bibili? O ‘di kaya’y maabuso lamang ito ng ating mamamayan at pag nabili na ng isang tao, ipapakopya na nya sa iba?
    nde ko alam… ang alam ko lng eh ang musikang pilipino ay para s mga pilipino… at ang pilipinas ay para s mga pilipino nde ito para s mga banyaga…

  106. alvhyn Says:

    gnda ng site mo pare ^^ aliw n aliw kmi d2 sa UAE khit wla kming mbilhan n mga pinoy song d2 ok n ok to pra sa aming mga pinoy d2…sarap mg phinga habng break time sbay kinig ng pinoy song tanks a lot to your site….

  107. ringz Says:

    wla bang pweding pagpilian ng mga songz mo???

    d rin poh ba pweding gumawa ng sariling playlist??

  108. kate Says:

    May kanta ka bang gustong pakinggan ngunit wala dito sa listahan?
    yup sana nextime mga old opm naman po mapakingan nami like sila basil valdez martin nievera masarap pakingan habang nag rerelax

  109. michael john Says:

    Anong kanta ang pinakapaborito mong napakinggan muli dito sa pahina na ito?
    -Syempre mga kanta ni Sarah Geronimo.

    May kanta ka bang gustong pakinggan ngunit wala dito sa listahan?
    -D ko pa alam, d ko pa kasi na check.

    Ano ang ginagawa mo nung oras na pinapakinggan mo ito?
    -Kasam ang minamahal kong maybahay.

    Nasaang bansa po kayo?
    -Ngayon ay nasa Indonesia.

    Kung nasa ibang bansa po kayo, tingin po ninyo pwede bang ipagmalaki ang musika natin sa pinaka malapit sayo na kaibigan na hindi Pilipino?
    -Syempre.

    Uso sa America at sa mga ibang bansa na bumili na lang ng mga kanta online gaya ng paggamit ng iTunes. Sa tingin po ninyo, maganda din ba magbenta ng OPM hits online at madaming bibili? O ‘di kaya’y maabuso lamang ito ng ating mamamayan at pag nabili na ng isang tao, ipapakopya na nya sa iba?
    -Sigurado, ganun na nga ang mangyayari, dahil hindi lahat ng tao ay parehas, hindi maiiwasan na may mga taong naliliwas ang landas.

  110. dreamy Says:

    sa wakas may site na like this… where i can listen to my fave songs… specially d 90′s from opm bands… i love your site!!!!

    anyway… who are you seoph….? r u for real? just got curious after reading your “sino ako”

  111. ric Says:

    paano ba ako makakapag download di ko kasi alam eh. paano pa na ako makakapili na mga kanta. salamat

  112. kylie Says:

    sir..
    pwede po ba makahingi ng copy ng mga songs ng parokya ni edgar na naka mp3 format po… tnx a lot!!!

  113. bycots Says:

    May kanta ka bang gustong pakinggan ngunit wala dito sa listahan? ung album ng shamrock ……………pero ang ganda nang site na to ………….sana padalhan mo me ng copya sa email ko……….tnxs

  114. bycots Says:

    Anong kanta ang pinakapaborito mong napakinggan muli dito sa pahina na ito?
    halos lahat naman ng kanta………heto na nga ung ginagawa namin radyo dito sa work namin…kasi maganda ung mga tugtog………..tnxs

  115. cindy Says:

    na mi-miss ko talaga ang mga kantang pinoy,iba talaga pag nasa ibang bansa ka.ma mi-miss mo ang bansa natin at lalo na ang mga himig kantahan pinoy.sana lahat ng kantang pinoy nandito sa site na to…wish ko lang.

  116. chico Says:

    Uso sa America at sa mga ibang bansa na bumili na lang ng mga kanta online gaya ng paggamit ng iTunes. Sa tingin po ninyo, maganda din ba magbenta ng OPM hits online at madaming bibili? O ‘di kaya’y maabuso lamang ito ng ating mamamayan at pag nabili na ng isang tao, ipapakopya na nya sa iba?

    ok na idea yan,susuportahan ko yan

  117. Ali Santos Says:

    # Anong kanta ang pinakapaborito mong napakinggan muli dito sa pahina na ito?Eraserheads songs
    # May kanta ka bang gustong pakinggan ngunit wala dito sa listahan?Marami pa
    # Ano ang ginagawa mo nung oras na pinapakinggan mo ito?Nag-eemail sa Tita q abroad
    # Nasaang bansa po kayo? Pilipinas
    # Kung nasa ibang bansa po kayo, tingin po ninyo pwede bang ipagmalaki ang musika natin sa pinaka malapit sayo na kaibigan na hindi Pilipino?Pwedeng-pwede
    # Uso sa America at sa mga ibang bansa na bumili na lang ng mga kanta online gaya ng paggamit ng iTunes. Sa tingin po ninyo, maganda din ba magbenta ng OPM hits online at madaming bibili? O ‘di kaya’y maabuso lamang ito ng ating mamamayan at pag nabili na ng isang tao, ipapakopya na nya sa iba?Depende sa bibili at magmamarket nito

  118. bongbong Says:

    napakagandang pakinggan ang musikang pilipino lalonat sa mga bagong kabataan ang galing nilang mag likha nang musika mabuhay pinoy

  119. woody Says:

    pwede po tayo makadownload ng mp3 sa website na ito?

  120. JOROS Says:

    BADUY ANG KANTA

  121. JOROS Says:

    PANGET NAMAN TO KANTA NINYO MAKALUMA

  122. JOROS Says:

    I LOVE YOU GERALDINE

  123. Paolo Says:

    Ok ang site! Sana nga lang pwedeng madownload yung mga songs para mas enjoy! Thanks..

  124. kyra Says:

    Anong kanta ang pinakapaborito mong napakinggan muli dito sa pahina na ito?
    ang huling el bimbo ng eraserheads! hooray!

  125. IskolokoyCafe Says:

    nice site! sabi ko na nga ba maraming pinoy na astig eh… hehehe… ako rin mahilig sa music gaya ng iba kaya nga may collections din ako ng opm music sa site ko. pwede rin kayo magdownload dun kahit ano basta nandun sa playlist. try nyo rin minsan. May link exchange ba d2?

  126. jhoy Says:

    wow ang ganda ng song napabilib ako ang ganda talaga sobra

  127. Antonio Argente Says:

    hindi ako makapaniwala na marinig ang mga magarbo at napakaganda kanta sa pil.masaya**sobra!**mapapakanta ka talaga, from now on naging mahilig na ‘ko sa music

  128. HAZEL Says:

    NYC SONG

  129. ch15rles Says:

    michelle_ayala/ni_yao_de_ai-f4_meteor_garden_tagalog_version

  130. xciela Says:

    bakit nman parang puro positive comments ang meron d2? I am starting to do my research paper at ang topic proposal ko ay ang hegemonya ng musikang banyaga sa ating bansa? anong masasabi niyo. please answer.. mahirap kasi kasi masyadong broad.

  131. xciela Says:

    hmmf ngayon ko lng napasin bakit ang huling comment ay nung july 15 2008 pa.. heheh hind ba ito active. no offense just asking

  132. vanexa24 Says:

    ang ganda ko este ang kanta..grabe,it remenizing my past…grrrrr.

Leave a Reply