May ari ng Day Care Center may topak! Hinostage sariling studyante

March 28th, 2007

Ngayong araw na ito, isang may ari ng isang day care center sa may Tondo Manila ay lumabas kasama ng dalawang guro at tatlongpu na magaaral para day sa isang field trip. Aba may topak pala itong may ari at dinala ang field trip sa City Hall ng Maynila. Sabagay, historical din ang Intramuros, pero ang topak nitong may ari ng paaralan na nagngangalang Jun Ducat, ay may baon sa field trip. Ang baon n’ya ay dalawang granada, isang assault riffle at isang pistol na mga baril.

Ang hinihiling n’ya ay, magandang kinabukasan ng mga studyante, masmabuting pamumuhay at tirahan para makaahon sa hirap at makapasok sa colegio ang mga bata na ang tansta ng mga pulis ay nasa mga anim na taon gulang.

Innocent Students unmindful of the danger of the hostage.
Kodakan, pero pwede, wala munang smile ngayon? (Photo: AFP)

Pagkalipas ng apat na oras sa pag hohostage, may pinalaya din na isang magaaral na nilalagnat at agad sinakay sa ambulansya at dinala sa malapit na ospital.

Yun pala ang nanghohostage, matagal nang may topak! Ito ang kasaysayan ng katopakan n’ya:

  • 1989 - Nang hostage ng mga pari. Dalawang pari na gamit mga pekeng granada. Ewan ko kung anong gusto n’yang palabasin noon.
  • 1998 - Umakyat sa taas ng torre ayon sa balita. Pero pagkaalala ko, hindi torre ito. Ito yung mga malalaking billboards sa may Guadalupe. Bakit daw s’ya umakyat? Kasi kontra daw sya sa pagtakbo ng pagkakandidato ng isang pulitiko at hindi daw Filipino citizen.
  • 2001 - Hindi pumasa bilang kandidato pang congreso. Hindi nabanggit kung bakit, pero kahit hindi banggitin, alam ko na kung bakit. Dapat masmalala sa pagkatopak n’ya ang kailangan para pumasa pero dapat yung tago ang pagkatopak. Yung mga ladlad ang topak, hindi pumapasa sa congreso. At sa ganitong klaseng antas ng katopakan, medyo kilala itong si Jun Ducat ng mga iba’t ibang pulitiko.

Senator Bong Ramon Revilla Jr. carries the child hostage with a fever who was released and taken to the ambulance.
Salamat kay Captain Barbel (Photo: Reuters)

Sabi nga ni Manila Mayor Lito Atienza: “I know him as a very, very passionate individual who has his own kind of thinking on the solutions to our problems, But we cannot agree with his ways.” At dahil kilala din ng anak ng anting-anting na si Sen. Bong Revilla, s’ya na ang nakipag usap at pinayagan itong sumakay sa bus. Ayun parang wala naman nangyari, pero at least nagkaroon ng channel ng communication ha. At kay Bong Revilla din pinababa ang nilalagnat na bata. Kasi kung hindi umakyat si Bong Revilla, hindi tinanggap ng manghohostage na si Jun Ducat ang inaabot na landline. Hello? Ok lang sila? Landline? Wala bang cellphone man lang. Gaano kaya kahaba ang phone wire ‘nun. Hindi tinanggap ni Jun Ducat at baka sumabog daw.

Ice cream sent to the hostage kids to eat.
Ice Cream galing SM Manila (Photo: Reuters)

Sa kasalukuyang pangyayari… hindi ko na alam kung ano na. Pag may bagong balita, balitaan ko kayo. Pero headline na ito sa madaming lugar sa buong mundo at mga AP, AFP at Reuters reporters na nandun.

Mga Pelikulang ‘Wag Itranslate sa Tagalog

March 14th, 2007

Mga movies sa wikang Ingles na hindi dapat itranslate sa Tagalog.

  • Black Hawk Down-Ibong maitim sa ibaba
  • Dead Man’s Chest-Dodo ng patay
  • I Know What You Did Last Summer-Uyy… aminin!
  • Love, Actually-Sa totoo lang, pag-ibig
  • Million Dollar Baby-50 million pisong sanggol (it depends on the exchange rate of the country)
  • The Blair Witch Project-Ang proyekto ng bruhang si blair
  • Mary Poppins-Si mariang may putok
  • Snakes On A Plane-Nag-ahasan sa ere
  • The Postman Always Rings Twice-Ang kartero kapag dumutdot laging dalawang beses
  • Sum Of All Fears-Takot mo, takot ko, takot nating lahat
  • Swordfish-Talakitok
  • Pretty Woman-Ganda ng lola mo
  • Robin Hood, Men In Tights-Si robin hood at ang mga felix bakat
  • Four Weddings And A Funeral-Kahit 4 na beses ka pang magpakasal, mamamatay ka rin
  • The Good, The Bad And The Ugly-Ako, ikaw, kayong lahat
  • Harry Potter And The Sorcerer’s Stone-Adik si harry, tumira ng shabu
  • Click-Isang pindot ka lang
  • Brokeback Mountain-May nawasak sa likod ng bundok ng tralala /bumigay sa bundok
  • The Day Of The Dead-Ayaw tumayo (ng mga patay)
  • Waterworld-Basang-basa
  • There’s Something About Mary-May kwan sa ano ni maria
  • Employee Of The Month-Ang sipsip
  • Resident Evil-Ang biyenan
  • Kill Bill-Kilitiin sa bilbil
  • The Grudge-Lintik lang ang walang ganti
  • Nightmare Before Christmas-Binangungot sa noche buena
  • Never Been Kissed-Pangit kasi
  • Gone In 60 Seconds-1 round, tulog
  • The Fast And The Furious-Ang bitin, galit
  • Too Fast, Too Furious-Kapag sobrang bitin, sobrang galit
  • Dude, Where’s My Car-Dong, anong level ulit tayo nag-park?
  • Beauty And The Beast-Ang asawa ko at ang nanay nya
  • The Lord Of The Rings-Ang alahero

Hindi ko po original na isinulat ito. At kinopya ko lang kay Shobeceo. Ewan ko kung saan n’ya din nakopya. Mga pasa-pasa ‘ata ito sa email.

Pinay Model Alicia Mayer nagsuot ng Lettuce Bikini!

March 11th, 2007

Matagal-tagal ko na rin hindi napapasin si Alicia Mayer bagamat noon ko pa s’ya mapansin noong s’ya pa ay nagngangalang Alicia Bonifacio na isang model ng mga bikini na may mga magagandang litrato na inilalagay nya sa website nya. Matagal ko rin hindi binibisita ang website n’ya, pero alam kong nagpalit na sya ng screenname at Alicia Mayer na kasi wala akong pinapalipas na issue ng FHM Philippines, na kahit nasa ibang bansa na ako, laging may bagong padala si misis ng latest issue. ang swerte ko talaga sa aking asawa kaya’t mahal na mahal ko talaga. Napansin ko lang sa Technorati, pakalat kalat pangalan ni Alicia Mayer, kaya pala. Nagsuot sya ng bikini na lettuce, sana petchay na lang para mas pinoy ba. Ganda nya pa din!

Ang sarap talaga ng gulay! Madami pang masarap, etse, madami pang magagandang picture ni Alicia Mayer na naka gulay dito.. Madami pang ibang photo ni Alicia Mayer na naka bikini. At akala ko noon ang tutoong panganlan ni Alicia Mayer ay Alicia Bonifacio talaga, yung luma nyang screen name, ‘yun pala hindi, nalaman ko na Catherine Gutierrez pala real name ni Alicia Mayer! Matagal na akong fan ni Alicia Mayer, dami ko palang hindi alam tungkol sa kanya. If she supports PETA, aba, i support her, pero parang mahirap yata hindi kumain ng karne. Omnivore talaga ako, binabalance ko na lang ang karne at gulay.