Mga nakaw na sandali na magkayakap sa dilim

January 28th, 2007

Kung ikaw ay fan ng APO Hiking Society, malamang, alam mo ang kanta nila na Yakap sa Dilim. Maganda itong muling balikan at binuhay muli ng bandang Orange and Lemons. Panoorin ang video nila na nilikha ng magagaling na music video makers.

Universal Records – August 7, 2006
Director: Marie Jamora
Director of Photography: Odyssey Flores
Production Design: Trinka Lat
Styling: Christina Dy
Production Manager: Lai Crisostomo
Assistant Director: Zig Marasigan
Make-up: Rozie Delgado
Editing and Color Grading: Marie Jamora
Graffer and AC: Benjie and Wally
Extra: Blue Rep, Ateneo De Manila University

Yakap Sa Dilim

Music by Apo Hiking Society, Sung by Orange and Lemons

Sandal mo sana ang ulo mo sa unan
Katawan mo ay aking kukumutan
Mga problema’y iyong malilimutan
Habang tayo’y magkayakap sa dilim

Huwag mong pigilin kung nais mapaluha
Pakiramdam mo sana’y guminhawa
Kung gusto mo ay magsigarilyo muna
Bago tayo magkayakap sa dilim

[refrain]
Heto na ang pinaka-hihintay natin
Heto na tayo magkayakap sa dilim
O kay sarap ng mga nakaw na sandali
Habang tayo’y magkayakap sa dilim

[instrumental]

[repeat refrain]

Halika na at sumiping ka sa kama
Lasapin natin ang ating pagsasama
Sa ‘ting pag-ibig tayo ay umaasa
Habang tayo’y magkayakap sa dilim

Ituloy AngSulong ng Musikerong Pinoy

January 21st, 2007

Isa nanamang kababayang natin maipagmamalaki. Si Rex Hermogino, na nanalo sa Yahoo Video Talent Show. Isang musikerong gumagawa ng sarili nyang mga kanta at s’ya lahat ang tumutugtog sa lahat ng instrumento at gamit ang computer para pagsamasamahin ito pag tugtog at kanta nya. Ginagawa n’ya lang ang kanyang hilig sa musika sa libreng oras n’ya at siya ay nagtratrabaho bilang graphic artist at San Diego at sa isa ring freight company.

Ituloy AngSulong ni Rex Hermogino. Pinoy Isulong!

Pinoy Skaters – Maipagmamalaki sa Buong Mundo

January 9th, 2007

Aba, akala ba ninyo sa ibang bansa lang may mga dekalidad na manlalaro ng skateboarding? Meron din tayo n’yan sa Pilipinas. Ito ang mga iba’t ibang Pinoy skaters ng Holocaust. Magagaling at maipagmamalaki!

Panoorin ninyo ang sample video ng Holocaust na makikita ang kagalingan ng mga sumusunod:

Mike Torio, Raymong Wong, Bernard Viernes, Jason Santiago, Jun Ramos, Jason Kid, Jerry Baliguat, Marvin Corpus, Richard Panopio, Jerome Ocampo, Ansey Flores, Pedro Santos, Lloyd Briones, Raymond Lorenzana, Jack Nonato, Mon Chua, RJ Albano, Jun Castor, Ritchie Arenas, Marvin Bolisay, Niko Jonco, JR Tagad, Erlan Roxas, Ramir Denzo, Bryan Virtucio, Barbee Viernes, Boyet Del Mundo, Louie Lumadilla

Isulong ang mga Pinoy Skaters! Ituloy AngSulong ng Skateboarding sa Pilipinas!

Si Claudine nagmura ng “PI” sa TV!

January 8th, 2007

Hindi naman sinasadya, pero sa palabas na ASAP Mania sa ABS CBN channel 2, ang bagong Box Office Queen na si Claudine Barretto ay bahagyang natalisod noong 11:55am ng Abril 13, 2003. At ito ay napamura ng PI sa Nationwide Television. Gayunpaman, kahit ano pa tingin ninyo sa kanya, hot at masarap pa din sya sa akin. Panoorin ninyo ang video clip dito.

Ituloy AngSulong ng Pagmumura sa TV! Hahahahaha. Joke lang. Halimbawa lang yun ng hindi dapat gawin.

« Previous Entries