June 2nd, 2006
Huling Update po ng English-Tagalog Dictionary ng Isulong ni Seoph Martinez:
- Contemplate – kulang ang mga pinggan
- Punctuation – pera para maka-enrol
- Ice Buko – nagtatanong kung ayos na ang buhok
- Tenacious – sapatos na pang tennis
- Calculator – tawagan kita mamaya
- Devastation – sakayan ng bus
- Protestant – Tindahan ng prutas
- Statue – Ikaw ba yan?
- Tissue – Ikaw nga!
- Predicate – Pakawalan mo ang pusa
- Dedicate – Pinatay ang pusa
- Aspect – Pantusok o pandurog ng yelo
- Deduct – Ang pato
- Defeat – Ang paa (ng pato?)
- Detail – Ang buntot (ng pato?)
- Deposit – Gripo (Call DIPLOMA if DEPOSIT is leaking)
- City – Bago mag-utso; A number to follow 6
- Cattle – Doon nakatila ang Hali at Leyna
- Persuading – Unang Kasal
- Depress – Ang nagkasal sa PERSUADING
- Defense – Ginamit ng mga pangsulat sa kontrata sa PERSUADING
- It Depends – Kainin mo ang bakod
- Shampoo – Bago mag-labing-isha (11)
- Delusion – Maluwang (kapag maluwang ang damit, eh DELUSION)
- Delivery – Walang bayad. Kapag working lunch, eh DELIVERY na ang
- Profit – Patunayan mo
- Balance Sheet – What comes out after eating a balance diet
- Backlog – bacon saka egg
- Beehive – magpakatino ka
- CD-ROM – tingnan mo ang kwarto
- Debug – ang ipis
- Defrag – ang palaka
- Defense – ang bakod
- Defer – ang balahibo
- Deflate – ang plato
- Detest – ang eksamin
- Devalue – ‘yon ang susunod sa letrang V
- Devote – ang boto
- Dilemma – brownout!, a!
- Effort – ‘dun nagla-land ang efflane
- Forums – apat na kwarto
- July – nagsinungaling ka ba?
- Liturgy – what comes after litur F
- Thesis – ito ay…
Maraming salamat sa kaibigan kong si Mike para sa joke po na ito. Kung may naiisip pa kayong pwedeng idagdag sa listahan, pakilista lang po sa ibaba nito sa may “comments.” Or kung natawa lang kayo, lagyan ninyo na lang ng smiley ang comments ko po. Kung may kilala kayong Pilipino na gustong pasayahin, mga nagsusumikap sa ibang basta para isulong ang kabuhayan ng mga kamag-anak nila sa Pilipinas, paki padala po ito sa kanila o ‘di kaya “mag-link” na lang kayo sa akin at sana may mapasaya tayong kababayan natin at mapangiti ngayong araw na ito.
Seoph Martinez po, tumutulong magpangiti sa inyo. Isulong ang Pilipino.
~Isulong! Seoph
Posted in Pampakabag... sunod Utot | | Walang Comment »
June 1st, 2006
Malayo man ako sa Pilipinas, at parang malapit pa din. Sa dami ng kababayan dito sa California. Ang Philippine-American Chamber of Commerce, ang Mabuhay Alliance at ang Bayanihan Consulting. At salamat din kay Doktora Vicky na laging nakakaintindi sa situwasyon namin tuwing kailangan namin ng tulong. Salamat din sa mga kapatid ko sa And Dating Daan nung akong nasa Saudi pa, lahat ng kailangan ko, sigurado may kapatid akong mahahanap na kaya ang hinahanap ko. Isulong nating lahat ang kulturang atin, mapaibayong dagat man, Pilipino pa din tayong lahat. Itaguyod ang ating bandila. Salamat muli sa inyong lahat na naging inspirasyon ko nung kinailangan ko.
~Seoph Martinez
Posted in Ka-Blog! Untog | | Walang Comment »
June 1st, 2006
Dito sa US, wala pa akong nakitang wet market na gaya ng palengke ng Pilipinas, lahat ng nakikita ko mga dry market na groceries. Nakakamiss din ang palengke. Ang nanay ko, bantay lagi sa tindahan namin sa palengke. Mahirap din pala, nagpapatayan sa pababaan ng presyo. Tapos yung mga wala gaanong puhunan nagsasara. Tapat ng palengke sa Pinas ay isang hardware store at malaking parang grocery na pagmamay-ari ng pinoy na instik. Nainis nanay ko noon nung naglabas sya ng lamesa at nagbenta din ng gulay na napakababa ng presyo. At nasa gilid ng kalsada sya kaya mga customer namin naagaw lalo na mga mayaman na naka kotse, kasi hindi na kailangan pumasok sa putikan na palengke.
And mga mayaman na iba, walang awang pinapatay ang negosyo namin. Ang yaman na nila at lalo pa silang nagpapayaman. Pero sa awa ng diyos, buhay pa din ang tindahan namin at lumaki na kumpara kung papaano sya makalipas na ng 20 na taon. Sobrang baba na ang tubo namin noong nagbenta din ng gulay yung mayaman na Chinoy, pero nagsumikap lang kami at dinaan sa chikahan, parang customer service na din yun sa mga suki namin. At meron pa din kaming mga loyal na customer na sa amin lang bumibili.
Yung munting tindahan noon, ngayon ay parang grocery na din gaya nung kiniinisan namin na instik na may ari din ng hardware sa tulong na din ng mga pinapadala ko pabalik sa Pinas. Napapasaya ako at naiaahon ko sa kahirapan ang pamilya ko. Nakakatulong isulong and buhay namin sa masmaayos na sitwasyon.
Pero lagi pa din akong napapaluha pag naalala ko ang aking anak na 3 taon gulang pa lamang. Maganda siya’t matalino. Ngunit hindi ko nakakasama. Pagnakakausap ko sa telepono, masaya ako, pero hindi n’ya alam may luhang kasama ‘yun. Kapag sinabi sa akin ng asawa ko, ok lang na mahirap tayo basta sama-sama, dinadama ko din ‘yun malalim. Alam ko ang importansya ng sama-sama, ngunit alam ko… kahit hindi ako mukhang pera, pera pa din ang problema. Konting ipon pa at makakauwi na din ako. Umabot lang ako ng 20 years at makatanggap ng SSS mula dito sa America, masmadali nang mabuhay sa Pilipinas. Gusto ko sanang umuwi kada taon, pero bilang isang simpleng empleyado lamang, magastos din umuwi. Kaya’t kaya tatlong taon ang pag uwi ko sa Pilipinas.
Malungkot na katotohanan, pero nagsusumikat isulong ang kabuhan ng aking pamilya.
~Seoph
Posted in Ka-Blog! Untog | | Walang Comment »
June 1st, 2006
Ang aga naman ninyong bumisita. May muta pa ako sa mata teka lang ha, hilamos muna ako at mag tututbrush lang ako. Hindi ko kasi alam darating kayo. Gusto n’yo, balik na lang kayo ha? Or kung gusto mo, wait ka lang d’yan ha? Quickie lang ako sa banyo. Nood kang TV or kain ka ng kahit ano dyan. ‘Pag balik ko, may kwentot na ako. okey? okey?
Alam ko paguusapan natin ang pagsulong natin ng buhay natin. Ng buhay ng mga Pinoy sa buong mundo. Isulong natin! Tulong-tulong tayo! Pero teka, bad breath pa ako. Mamaya na kwentutan, sige hintay ka lang d’yan. Nood ka muna, ito remote, hawakan mo na, at mag batebot ka na lang muna at wala akong cable TV.
Posted in Ka-Blog! Untog | | Walang Comment »