Sino ba si Salenga? o Salen-Ga?

June 7th, 2006

Ako po, noong nasa colegio na, ay nakikitira sa tita kong matapang. Asawa sya ng aking Kuya. Matapang sya sa ibang tao pero mabait naman sa akin, pero oras na may magawa akong mali, patay na ako. Gaya ng nabanggit ko sa tungkol sa akin, ako po si Seoph Martinez, ay nag-aral sa Pamantasan ng De La Salle, ngunit, hindi po kami mayaman, ngunit nagsumikap po ako upang isulong ang kabuhayan ko, at pati na rin ng pamilya ko. Madami po akong kaklaseng pumasok na de-kotse, pag pasok nila, ang bango-bango nila. Ang ayos-ayos ng damit, samantalang ako po, madilim pa lang lalabas na ako ng bahay, pakiramdam ko ay katutulog ko pa lang at nag puyat ako sa mga assignment ko, tapos pagkaraan ng ilang oras lang, gising nanaman muli.

Hindi pa lumalabas ang araw, naghahabol ako ng oras para maagang makapila sa tricycle at papunta sa sakayan papuntang Bayan sa pinaka-puso ng Novaliches, Quezon City. Balita ko maayos na daw ang bayan ngayon hindi gaya dati at ang mga opisyal ng gobyerno ay na isulong nila ang Bayan na maging masmalinis at masmaakit sa mata. Sa bayan, pila pa din, pero kung sabit ka sa jeep, pwedeng hindi ka pumila. At para maiwasan dumating ng late, sumasabi na lang po ako ng jeep na tinatawag na hataw sa biyaheng Novaliches - Blumentritt. Na alam kong meron din ganito sa Marikina - Cubao, Cubao - Divisoria at tawag nila ay mga patok. At karaniwan lang ang tanong ng estudyante na malapit nang ma-late sa kapwa estudyante: “Hataw ba ‘yan?”, “Patok ba ‘yan?” ‘Yung hataw alam ko, yung patok, hindi ko alam noon, at ang alam kong Patok yung kasama ni Tacio, Aling Otik at Kamandag sa komiks ng People’s Journal.

Pag-ako’y nakarating na ng Blumentritt, kung mag LRT ako, dadaan ako sa napaputik na palengke na may bundok ng basura at makikipag siksiksan sa mga tao at pag bukas pa lamang ng pintuan ng LRT na siksikan ng tao galing Monumento, maamoy mo na ang masangsang na amoy ng pawis.

Kung mag jeep po ako muli galing sa Blumentritt at sasakay ng Pasay-Taft, para hindi mahuli sa klase, sasabit muli ako at muli din malalanghap ang maitim ng hangin ng Maynila. May libre pulbos na make-up ako bago makarating sa De La Salle University. At dederetcho na ako agad ng CR. Maghihilamos ako at magpapalit ng tshirt at ang pinagbihisan ko ay ipupunas ko sa mukha ko. At doon mo makikita ang kapal ng lupa na pwede nang pagtaniman ng kamote. Sa tutoo lang, pakiramdam ko parang tae ako samantalang mga kaklase ko, sariwang sariwa pa sila parang bagong ligo. Ako din naman, parang bagong ligo, bagong ligo sa pawis.

At naiisip ko, hay naku, paano ba ako, si Seoph, ano magagawa ni Seoph para isulong ang ating bansa palayo sa paghihirap? Buong biyahe, ‘yan minsan iniisip ko, maski habang nakasabit sa jeep. At palibhasa, lagi akong sabit, aking napapasin lagi ang mga nakasulat sa mga pader, overpass, tulay, underpass, at kung saan-saang poste.

Mayroong Isulong ang ating Bansa! Paalisin si FVR, tuta ng kano. Noon si GMA na, ganun pa din. Parehong mensahe at yun ang opinion nila kung ano dapat gawin para isulong ang bansa natin.

Pero ako, hindi ako mahilig sa pulitika noon, kaya parang hindi ko napapasin iyon. Ngunit, meron nga lang akong ibang napapasin. Sa madaming lugar ng Maynila, nababasa ko ito sa mga underpass, overpass, tulay, pader poste at kung saan-saan, ang nakasulat ay:

Salen-Ga, a Filipino discovered that electron is actually positive.

At nabibilib ako at kalat na kalat ito sa Maynila noong hindi pa mahilig mag pintura ng bago ang Mayor ng Manila. Kung tutuusin mo, kailangan din ng oras and pera para mag vandalize ng paligid. At parepareho nakasulat. Sinabi ko ito sa kaibigan kong pumapasok sa Mapua noon, na si Gonzalo Alan Go, GAGo for short (pwera biro na meron akong kilala na yun ang pangalan), at mula noon, itong GAGo na ito ay pinapasin din ang paligid at s’yang unang nagsabi sa akin na sa may Dimasalang street ay may drawing ng atom. At ganun din sa overpass ng Quiapo sa may Raon. Maaring wala na ito ngayon, pero baka nakakapintura din s’ya ng bago sa ibang lugar.

Maski minsan, wala pa akong nabasa sa magazine, diaryo o nakita sa TV na nakausap ang Salen-Ga na ito.

Kayo may idea po ba kayo sino ito? Napansin din po ninyo ba ito? At saan ang huling pagkaalala mo, saan mo ito nakita?

Petsa ngayon ay 6-6-6? “Mark of the Beast”

June 6th, 2006

Jodan: Sa biblia, nababasa natin ang “666″ na kinikilalang “Mark of the Beast.” Parang “Tatak ng Halimaw,” at ang darating na pesta ay 06-06-06, Ika-6 ng Hunyo, 2006. May mga nagsasabi, dapat mag ingat lalo sa araw na ito at malakas ang kapangyarihan ng kadiliman. And pestang ito ang mag tutulak sa mga kampon ng demonyo na isulong.

Seoph: Talaga lang ha? Helooo? Ok ka lang? Anong konek nung petsa na 666 sa kampon ng demonyo na isulong?

Jodan: Aba ewan ko sa’yo. Basta ako pupunta ako sa simbahan, mahirap din, baka magunaw mundo ano? At paano na buhay ko, ang aking pagaaral para sa sarili ko na isulong Seoph?

Seoph: Akala ko ba pupunta tayo sa stripper club mamaya?

Jodan: Oo pagkagaling ko sa simbahan, para bago magunaw mundo, kaluluwa ko’y sa langit isulong.

Seoph: Taena, tapos pupunta tayo sa club?

Jodan: Oo para shortcut, deretcho na akong langit!

Seoph: nyack!

Patawa lang po iyon. Ito tunay na. Aking kinausap ang mga kakilala ko at tinanong sila kung ano masasabi nila ukol sa petsang “666.”

Mga sagot ni Domie Lopez - Office Manager:

  1. Ang relihiyon mo ba ay nagbabasa ng Biblia? (Seoph - Unang Tanong)
    May mga publication kami pero based sa bible. Tapos may theocratic ministry school kami bible ang pinag aaralan dun.
  2. And petsa ngayon ay 06-06-06, At sa Biblia, ang kinikilalang “Mark of the Beast” ay ang numerong 666. Tingin mo madaming mamalasin ba sa araw na ito? (Seoph - Pangalawang Tanong)
    ‘Di po ako naniniwala sa mga swerte o malas.
  3. Dapat bang magingat ngayon ng masmaigi kaysa sa ibang araw at dapat magdasal ng taimtim? (Seoph - Pangatlong Tanong)
    Araw-araw dapat nag da2sal ng taimtim ang isang tao.
  4. Ang mga paniniwalang ganito, may naitutulong ba sa kabuhay ng Pilipino na isulong? (Seoph - Pangapat na Tanong)
    Wala po.

Mga Sagot ni Irish Dimaano - EDI Developer:

  1. Ang relihiyon mo ba ay nagbabasa ng Biblia? (Seoph - Unang Tanong)
    Opo
  2. And petsa ngayon ay 06-06-06, At sa Biblia, ang kinikilalang “Mark of the Beast” ay ang numerong 666. Tingin mo madaming mamalasin ba sa araw na ito? (Seoph - Pangalawang Tanong)
    Hindi po
  3. Dapat bang magingat ngayon ng masmaigi kaysa sa ibang araw at dapat magdasal ng taimtim? (Seoph - Pangatlong Tanong)
    Hindi rin po
  4. Ang mga paniniwalang ganito, may naitutulong ba sa kabuhay ng Pilipino na isulong? (Seoph - Pangapat na Tanong)
    Wala po.

Mga Sagot ni Irving Dela Cruz - Web Designer / Flash Artist

  1. Ang relihiyon mo ba ay nagbabasa ng Biblia? (Seoph - Unang Tanong)
    Yup
  2. And petsa ngayon ay 06-06-06, At sa Biblia, ang kinikilalang “Mark of the Beast” ay ang numerong 666. Tingin mo madaming mamalasin ba sa araw na ito? (Seoph - Pangalawang Tanong)
    Hmmmmmm… tingin ko parehong araw din ang ngayon sa kahapon… kung minalas ka man hinde dahil sa 666 ngayon.
  3. Dapat bang magingat ngayon ng masmaigi kaysa sa ibang araw at dapat magdasal ng taimtim? (Seoph - Pangatlong Tanong)
    Kung magdadasal ka man, dapat talagang taimtim at tutuo… hinde dapat dahil sa 666 ngayon, ano mang araw dapat mataimtim ang iyong pagdarasal… kung kakausapin mo ang Diyos palaging ganito dapat.
  4. Ang mga paniniwalang ganito, may naitutulong ba sa kabuhay ng Pilipino na isulong? (Seoph - Pangapat na Tanong)
    Sa tingin ko wala, ito ay nagiging hadlang lamang sa pagsulong. Alam nating lahat na may mabuti at masama, magdasal lang tayo at magpasalamat sa Diyos. Kung tutuusin naman eh dumadaan lang tayo dito sa mundo.

Mga Sagot ni Melody Aure - Pillows and Designs by Melody

  1. Ang relihiyon mo ba ay nagbabasa ng Biblia? (Seoph - Unang Tanong)
    I think so…
  2. And petsa ngayon ay 06-06-06, At sa Biblia, ang kinikilalang “Mark of the Beast” ay ang numerong 666. Tingin mo madaming mamalasin ba sa araw na ito? (Seoph - Pangalawang Tanong)
    No
  3. Dapat bang magingat ngayon ng masmaigi kaysa sa ibang araw at dapat magdasal ng taimtim? (Seoph - Pangatlong Tanong)
    Dapat mag-ingat lagi at magpray everyday.
  4. Ang mga paniniwalang ganito, may naitutulong ba sa kabuhay ng Pilipino na isulong? (Seoph - Pangapat na Tanong)
    Wala.

Mga Sagot ni Jenn Maliwanag - Manager Gish

  1. Ang relihiyon mo ba ay nagbabasa ng Biblia? (Seoph - Unang Tanong)
    Yes
  2. And petsa ngayon ay 06-06-06, At sa Biblia, ang kinikilalang “Mark of the Beast” ay ang numerong 666. Tingin mo madaming mamalasin ba sa araw na ito? (Seoph - Pangalawang Tanong)
    No
  3. Dapat bang magingat ngayon ng masmaigi kaysa sa ibang araw at dapat magdasal ng taimtim? (Seoph - Pangatlong Tanong)
    No din.
  4. Ang mga paniniwalang ganito, may naitutulong ba sa kabuhay ng Pilipino na isulong? (Seoph - Pangapat na Tanong)
    Don’t believe in anything, just believe in yourself. Don’t let stupid thing or beliefs get in your way. As long you trust God, you trust yourself you can make things happen.

Mga Sagot ni Sidney Luzentales - Art Director

  1. Ang relihiyon mo ba ay nagbabasa ng Biblia? (Seoph - Unang Tanong)
    Oo.
  2. And petsa ngayon ay 06-06-06, At sa Biblia, ang kinikilalang “Mark of the Beast” ay ang numerong 666. Tingin mo madaming mamalasin ba sa araw na ito? (Seoph - Pangalawang Tanong)
    Swerteng araw ngayon
  3. Dapat bang magingat ngayon ng masmaigi kaysa sa ibang araw at dapat magdasal ng taimtim? (Seoph - Pangatlong Tanong)
    Dapat mag dasal at mag ingat araw-araw…
  4. Ang mga paniniwalang ganito, may naitutulong ba sa kabuhay ng Pilipino na isulong? (Seoph - Pangapat na Tanong)
    Wala

Mga walang konek na usapan:

Seoph: Ano position mo dyan sa company pinagtrtrabahuan mo?

Irish: EDI Developer po

Seoph: Ano ba ang EDI? Etlog Doon sa Ilog?

Irish: hehe.. *LOL*

Seoph: *LOL*

Irish: electronic data interchange po

Seoph: :)

Irish: k tnx

Seoph: *LOL*

Irish: :)

Seoph: Isulong!

Kayo ano sagot ninyo sa mga tanong? Sulat n’yo naman sa comments! :)

  1. Ang relihiyon mo ba ay nagbabasa ng Biblia? (Seoph - Unang Tanong)
  2. And petsa ngayon ay 06-06-06, At sa Biblia, ang kinikilalang “Mark of the Beast” ay ang numerong 666. Tingin mo madaming mamalasin ba sa araw na ito? (Seoph - Pangalawang Tanong)
  3. Dapat bang magingat ngayon ng masmaigi kaysa sa ibang araw at dapat magdasal ng taimtim? (Seoph - Pangatlong Tanong)
  4. Ang mga paniniwalang ganito, may naitutulong ba sa kabuhay ng Pilipino na isulong? (Seoph - Pangapat na Tanong)

Mixed Martial Arts sa Pilipinas

June 5th, 2006

Kung kayo po ay nanonood ng UFC o kaya ang PrideFC, dapat alam din po ninyo and sariling atin. And URCC o ang Universal Reality Combat Championship na tumutulong isulong ang manlalarong Pinoy sa paligsahan ng Mixed Martial Arts na kinikilala ding MMA.

Potential Armbar Kahit medyo matagal na din ang mga ibang paligsahan na parang ganito gaya ng Pancreas, Greco Roman Wrestling, Vale Tudo, Brazilian Jiujutsu, Muay Thai Kickboxing, napasikat ang MMA nang isulong ng UFC ang paligsahan na ito sa sumunod na antas. Ang paghahalo ng iba’t ibang uri ng pamamaraan ng pakikipag laban na konti lang ang mga batas na dapat sundan gaya ng walang tirahan sa may… (paano ko ba sasabihin ito ng maayos sa Filipino?) walang tirahan sa may betlog, at walang tusukan ng mata. Maliban dun sa dalawang batas ng paligsahan na ito, kahit ano na pwedeng gawin. Suntukan, sipaan, sakalan, puluputan, balitaan. At ang nananalo ay maaring sa paraan ng knockout, submission, surrender sa pag hagis ng puting twalya o di kaya pag naubos ang oras, mapupunta sa scrore cards.

At sa Pilipinas, hindi din magpapahuli ang mga Pinoy. Ang mga Pinoy ay magagaling din sa larong ito at pinagpapatuloy na isulong ang paligsahan sa tulong ng URCC ni Alvin Aguilar.

Alvin AguilarNoong akong nasa kolehiyo pa, ako’y naglaro ng Taekwondo at napasama sa Varsity Training Team ng De La Salle University sa ilalim ni National Team Coach na si Stephen Fernandez. At minsan, pagkatapos ng Taekwondo, at nagbibihis po ako sa gym at naka brief lang, kasalukuyang nagbibihis din si Alvin Aguilar. Kinausap ako, at sa aking pinakamagaling na pagsubok sa pagkaalala ng usapan namin, ito ang amin pinagusapan:

Alvin: You into Taekwondo?
Seoph: Yeah
Alvin: Taekwondo will not make you survive in the streets.
Seoph: Yes, I know.
Alvin: What’s your name by the way?
Seoph: I’m Joseph.
Alivin: I’m Alvin.
Seoph: I know. You teach Sarian and tambay ka sa Tau (Tau Gamma)
Alvin: Yeah, you know about us?
Seoph: Yes, I got several friends that stopped Taekwondo and moved over to Sarian and Jeet Kune Do.
Alvin: So most of your friends have tried Sarian, why don’t you try it too?
Seoph: Yeah I like it. I just to busy with a full load and the Sarian class schedules are in conflict with my classes.
Alvin: Ok, if ever you have the time, just visit our class and look for me ok?
Seoph: Sure.

Round GirlsAng tinuturo ni Alvin Aguilar ay Sarian na ang ibig sabihin ay Sariling Pamamaraan. At si Alvin ay isa din sa mga naunang nagensayo ng Brazilian Jiujutsu sa ilalim sa isa sa mga pamilya ng Gracie sa Brazil at dinala ito sa Pilipinas. Sa kanyang pagaral ng makabagong pamamaraan ng pakikipaglaban at sa kanyang walang sawang pagtuturo, nagawang isulong ang larong MMA sa Pilipinas at tinayo ang training center nyang Deftac na itong style na ito ay masbinibigyan diin ang MMA na paraan ng pakikipaglaban. And sa pagpatuloy nyang isulong ang larong ito, binuo nya ang URCC at mula noon, parte na din ng Pilipinas ang MMA at may mga nakaraang paligsahan pang nakipaglaban ang mga manlalaro galing China laban sa mga manlalaro ng Pilipinas.

Ang Pinoy Isulong ay pinagmamalaki ka, Alvin Aguilar sa iyong paghihirap isulong ang MMA sa bansa natin. ~Pinoy Isulong Seoph Martinez

Mga litrato ay galing sa Websayt ng URCC at sa mga kuha ni James Deakin.

Janice, Julie o Juday?

June 4th, 2006

Janice De BelenNaalala ko pa nung ako, si Seoph ay bata pa at pagkatapos ng Star Rangers na aking paboritong panoorin noong edad ko ay nasa panahon noong ako’y elementarya pa lamang sa paaralan, lahat na ng tao sa bahay manonood na ng Flordeluna. Na kahit ako’y bata pa, naalala ko may crush na ako dito kay Janice De Belen. Kahit bata pa ako, ni hindi ko iniintindi ang kwento, kasi hilig ko lang naman panoorin kung hindi Star Rangers, ay Voltes V, Diamos, Mazinger Z, Ballatac, UFO Grendaizer at mga iba pang mga robotech na cartoons. Pero basta makita ko Janice De Belen, ako’y napapatitig at na-kyu-kyutan sa mukha n’ya. Sa kakapanood ko ng Star Ranger at nakikisabay sa Flordeluna, siguro tumanim na din sa isip ninyo na ang dakilang channel noon at ang RPN 9 Via Domsat, Member ng KBP.

Hindi ko gaanong maalala and yumaong si Julie Vega na kasama na ng ating Maykapal na gumanap sa papel na Annaliza, at ang naaalala ko lamang ay pinagtatalunan ng mga tao kung sino masmaganda, masmagaling umarte, massikat at kung anu-ano pa. Pero ang katotohanan daw ay, magkaibigan ang dalawa sa labas ng telebisyon. Hindi ko po ito gaanong naalala at bata pa lamang ako noon. At siguro ang mga tao sa bahay ay mas nasisiyahan sa Flordeluna.

Pero itong dalawang naunang telenobela, na tinatawag na mga original na telenobela at isa ito sa mga nauna ang syang magtulak na isulong and industrya na magkaroon pa ng masmataas ng kahilingan ng mga manood magkaroon na iba’t ibang klaseng telenobela.

At nang isulong ito ng industria ng telebisyon, nakahilig din ang mga Pilipino sa mga telenobela ng mga ibang bansa na nanguna na rito ang mga galing Mexico kung saan sumikat sa Pilipinas si Thalia at si Eduardo Capitello at mga iba pa. Sumunod dito ang mga Chinobela, mga telenobela galing Taiwan na pinangungunahan ng sikat na groupo galing Taiwan na nagngangalang F4. At sumunod din naman ang mga Koreanobela.

Judy Ann SantosGayunpaman, hindi pa din nawala ang mga original na Pinoy Telenobela na kahit gustong-gustong panoorin ng mga Pinoy na manood ang mga banyagang telenobela, it din ang nag tulak na isulong ang kalidad ng telenobela ng Pilipinas. At dito din sumikat si Judy Ann Santos.

Bilang bahagi ng aking pagsisiyasat ukol sa industria na ito, meron lang po akong maiksing listahan ng mga katanungan na kinakailangan kong makakuha ng mangilan-ilan na sasagot sa mga katanungan na ito. Ito po ay para sa isang project ng aking anak si Martha Martinez, na kasalukuyang nagaaral sa Pamantasan ng Pilipinas. Ginawa ko po ito upang matulungan syang mapagtipon-tipon ang mga sagot para sa kanyang proyekto sa paaralan. Kung maaari po laman, paki:

  1. Kwento po ito sa mga ibang Pilipino na kakilala po ninyo. Pindutin nyo lang po laman ang Email sa Kaibigan, para dumami ang respondents. Kung may blog po kayo, sana po pwede ninyong ilagay ang link sa blog ninyo papunta dito sa websayt na ito para dumami lalo ang sasagot sa survey.
  2. Kopyahin ninyo ang mga sumusunod na mga tanong at ilagay sa “comments” sa ibaba at sagutan ang mga tanong. Hindi po kailangan tutoo ang pangalan ilagay po ninyo at hindi rin lalabas ang email ninyo sa publiko. Pero sana po, tutoo ang mga isasagot ninyo sa mga katanungan para maganda ang kalidad ng proyekto na ito at makakatulong na isulong ang mga magaaral sa kanilang mga pagsasanay sa paaralan.
  1. Sa lahat ng telenobela, aling uri ang iyong pinaka gusto? Latinobela, Chinobela, Koreanobela o Telenobela sa sariling atin?
  2. Ayon sa sagot mo sa No.1, ano ang pamagat ng paborito mong telenobela?
  3. Sino ang tanging artista sa telenobelang iyon?
  4. Ayon sa sagot mo sa No. 2, bakit iyon ang pinakagusto mong telenobela? Dahil ba gusto mo ang artista? Nagustuhan mo ang kwento? Wala kang ibang mapanood? Madami kang kaaway sa TV at napipilitan iyon ang panoorin?
  5. Ano ang gusto mo sa isang telenobela? Madrama, nakakatawa, ma-action o ‘di kaya’y may pagka-suspense/thriller?
  6. Ayon sa sagot mo sa No. 3, pag bigla mong nakaharap ang artistang ito, ano ang pangalan na biglang mong masasabi pag tawag mo sa kanya, ang tutoong pangalan n’ya? O ang pangalan nya sa ginagampanan nyang papel?
  7. Iportante ba ang oras sa iyo para mapanood ang mga ito at talagang naglalaan ka ng oras para wala ka maski isang palabas sa teleserye na hindi mapapanood?
  8. Tingin mo, bakit sikat ang mga telenobela sa Pilipinas at sa mga Pinoy na manood sa ibang bansa?
  9. Kung ikaw ay nasa ibang bansa, at nakakanood pa ng telebisyon na may palabas na mga programa sa Pilipinas, ano gamit po ninyo, cable o direct sattelite?
  10. Kung wala ka gaanong masagot at hindi ka nanood ng telenobela mula pa noong pagkabata, bakit hindi ka na nonood?
  11. Ikaw ba ay lalaki o babae?
  12. Tingin ninyo may naitutulong ba ang mga telenobelang ito para isulong ang ating bansa? Kung tingin ninyo wala, bakit at ano ang maaring gawin sa mga palabas na ito para makalulong na isulong ang ating bansa?

Maraming salamat po sa pagtulong na makatipon ng mga sagot sa survey na ito. Si Seoph Martinez po, Isulong ang ating Bansa! Isulong! ~Seoph Martinez

« Previous Entries   Next Entries »