Isulong Seoph pinagaaralan ang pagkakaiba ng mga US Gov’t Agencies

June 16th, 2006

Para isulong and pamamaraan ng pag iibestiga, dito sa Pinoy Isulong Seoph Martinez ay piagaraan ang magkakaibang paraan ng pag-exam ang agencies ng America para malaman kung sino sa mga agencies ang magaling mag execute ng man-hunt. Ang mga participants ay:

  • NYPD = New York Police Department, USA
  • FBI = Federal Bureau of Investigation, USA
  • CIA = Central Intelligence Agency, USA
  • PNP = Philippine National Police, Philippines (Special International Guest Participant)

Isang puting rabbit ang papakawalan sa isang gubat at bawat isang ahensya na sumali sa pagensayo na ito upang isulong ang paraan ng pag iibestiga, at bawat isa at binigyan ng tatlong (3) buwan mahanap ang white rabbit.

Usang pangkat na nag presinta sa Isulong Seoph ay mula sa, NYPD.

Pumasok sa gubat ang kanilang search and rescue squad, S.W.A.T., at pinalibutan ng mga police ang buong gubat. Ipinasok rin nila sa gubat ang kanilang detectives, at experts sa paghahanap ng nawawala.

Pagkaraan ng 3 months, lumabas ang NYPD sa gubat.

Nag release sila ng press statementna sinabi sa Pinoy Isulong Seoph Martinez,

After 3 months of intensive search for the white rabbit, we regret to inform you that because the rabbit had a head start, it was able to elude our units, and was able to pass through our dragnet. The rabbit has escaped.

Sumunod na pinagaralan ng Pinoy Isulong Seoph and pamamaraan ng FBI.

Pumasok rin sa gubat mga FBI, dala-dala ang mga helicopters, mga sniffing dogs, at sari saring dalubhasa para hanapin ang rabbit at sinubaybayan ng Isulong Seoph.
After 3 months, lumabas ang FBI sa gubat.

Nag release rin sila ng press statement at binalita sa Isulong Seoph,

After 3 months of finding the white rabbit, we had some interesting leads. However, as we were closing in on its location, somebody must have tipped it off, and it was able to elude us by disguising as a deer. The rabbit has escaped.

Sumunod ang CIA.

Pumasok ang CIA, at dahil meron silang special powers to request assistance from the US Military, dinala na rin nila ang US Army para tulungan sila sa paghanap.

After 3 months of firefight, bombing, and special operations, lumabas ang CIA sa gubat.

Sabi nila sa press statement sa Pinoy Isulong Seoph Martinez,

We used everything at our disposal. We didn’t leave any stone unturned. We bombed everything in sight. I’m sure, you will not find any rabbit there anymore. He’s probably scattered all around the forest in tiny little pieces!

Last, but not least, the PNP.

Napatawa ang ibang agencies dahil ang pumasok lang sa gubat na PNP ay lima lang.

Pero laking gulat na lang nila dahil next day lang mismo, lumabas ang PNP, dala dala ay isang grizzly bear, na naka posas, bugbog sarado ang mukha, halos sarado ang isang mata dahil sa bugbog, dugu-an, at sumisigaw, “OO NA! OO NA!!! AKO ANG WHITE RABBIT!!! AKO ANG WHITE RABBIT!!!

Si Spiderman Nanonorotot, Nanggugulo sa Shooting at Nag-Viagra!

June 12th, 2006

Dito lang po ang balitang ito! Isa Pinoy Isulong Seoph Martinez website lang makikita po itong kwento na ito. At wala sa ibang lugar. As in, grabe, pramis dito lang talaga! Aming nabalitaan na mataggal na palang nag sho-shooting nang Spiderman 3. Nauna pa ito sa X-Men 3, at nagkasabay pa shooting nito sa Universal Istudios. Pero sa kadahilanan na hindi daw seryoso itong si Spiderman sa shooting, nanonorotot ng syota ng mga syota, nanggugulo sa ibang shooting laging nagpapatawa at hindi seryoso at gumagamit ng Viagra sa shooting! Sa lahat ng ginagawa n’ya napapatagal and paggawa ng pelikulang ito at hindi nakakatulong para isulong at matapos ang pelikula.

Mga nakalusot na litrato galing sa shooting ng Spiderman 3, hindi po makikita ito sa ibang lugar.

Yehey! Sarap nitooo!” Sigaw ni Spiderman, ewan ko kung yung paglambitin n’ya ang masarap, o ang kasama n’ya ang sinasabi n’yang masarap. Alin kaya dun?

Spiderman Naglalambitin Kasama ang Magandang Dalaga

Patawa talaga itong si Spiderman, wala naman sa script yung sinisigaw n’ya, haha, tongeks, ingatan mo yang syota ko!” sigaw ng binata.

Natatawa kay Spiderman

Sabi ni Spiderman: Grabe, sarap nun ah! Galing dun sa itaas! Ulitin natin! Ang sarap pag nakadikit ka sa braso ko kanina. Talaga? Sinadya ko yun Spiderman. Sagot ng dalaga.

Spiderman tumitingin sa itaas.

Napapasin ko nga sa katawan mo, parang may nagbago sa’yo? Parang may lumaki? Sagot ng dalaga na tumititig kay Spiderman at nagsusukat na nag-i-imagine na hawak ito sa kamay. Napansin mo din? Mamaya, backstage tayo ha? Walang makakalam nito. Tayo lang. Bulong ni Spiderman.

Spiderman Binulungan ang Dalaga

Nagkakaintindihan ‘ata sila nung syota ko ah? Porke’t nilalabasan s’ya ng malapot na sapot, parang type n’ya si Spiderman ah. Naiiritang sinasabi sa sarili ng binata.

Naiirita o Natatae

Ngayon na tayo magpunta sa likod. Sira sapatos ko, may Mr. Quickie doon sa likod. Quickie muna tayo, sandali lang yun. Nagyayang sabi ni Spiderman.

Niyayang mag Quickie

Pare, patulong naman, dinidiskartehan at ni Spiderman babae ko. Wika ng binata.

Nagpatulong sa mga Koneksyon.

Sige, ako bahala, madami akong kilalang pulis, harangan natin s’ya. Kapitan Jokla, paki habol ninyo si Spiderman at akong bahala sa’yo! Utos ng doctor na maimpluwensya.

Dr. Pusit

Halika ka na, sama ka na! Yayang sabi ni Spiderman. Naku hindi pa pwede Spiderman, nandyan boypren ko ano? Inutusan na si Dr. Pusit at mga alagad n’ya sa PNP hulihin ka. Dali takbo ka na! Huhulihin ka nila! Sagot kay Spiderman.

Ayaw sumama kay Spiderman

Naku, nandyan na nga sila, talon na ako sa kabilang building na studio. Hindi nila ako mahahabol at wala silang sapot para tumawid ng mga building. Naisip ni Spiderman.

Spiderman Handang Tumalon

San ka pupunta, hindi ka sasama sa mukhang gagamba na yun! Sabi ng kapitan na alagad ni Dr. Pusit na si Kapitan Jokla.

San ka Pupunta?

Bumagsak si Spiderman sa kabilang studio na kasalukuyan nag sho-shooting ng ibang pelikula.

Loading...

Hindi n’ya alam pagtakbo n’ya palabas, naghihitay ang pinunong pulis si Kapitan Jokla sa may pintuan.

Naharang si Spiderman ni Kapitan Jokla

Pero wala naman akong kasalanan? Sagot ni Spiderman habang nagiisip ng ibang paraan makatakas sa malaking dagul na si Kapitan Jokla ng PNP.

Spiderman nagrarason, gustong makatakas.

Kapitan Jokla, pakawalan mo na ako! Sabay hawak at himas ni Spiderman. Nasarapan ang Kapitan at pinakawalan si Spiderman na muling tumakbo.

Pinasarap ni Spiderman si Kapitan Jokla

Ang hindi alam ni Spiderman, na trap sya sa sarili n’yang sapot nung nalito s’ya sa tatakbuhan n’ya. At napatunayan din na nag Viagra si Spiderman noong araw a iyon.

Spiderman Nahuli

Lahat po ng kwento dito ay kathang isip lamang. Walang katotohanan at patawa lamang. Sana natawa kayo!

Isulong Seoph!

Sabit Etiquette Para sa Kabuhayan ng Pinoy na Isulong

June 11th, 2006

Gaya ng nakwento ko na tungkol sa aking pagbiyahe noong ako’y pumapasok pa sa colegio, madalas akong sabit ng jeepney. At madalas akong sabit sa biyaheng Novaliches, Quezon City papuntang Blumentritt, Manila. Sa mga jeep na hataw, hindi na ako pumipili para makasakay at sumasabit na lamang ako. Sa araw-araw na pagpasok ko, ako si Seoph ay nagsumikap pumasok araw-araw na iniiwasan mahuli sa biyahe para ang kabuhayan ay isulong, at aking nakakabisado na ang mga mabibilis na jeepney. Gaya ng: Showy, Bestboys, Desire, Lawin Boys, Joanne Mixes, Ericsson, Alfasisimo, GoldShine, Bhoyacks and madami pang iba gaya ng pinakasikat na Lost Boys na ang driber ay si Roger Arcega.

Ang mga jeepney na ito’y ubod ng tulin at nananalubong pa sa kabilang hanay ng kalye. Delikado ngunit noong ako’y estudyante pa lamang, hindi ko po iniisip ito at iniisip ko lang at hindi ako maaring mahuli sa pagpasok ko sa paaralan para matulungan balang araw ang aking pamilya isulong (*Seoph ay nagisip* at para din sa aking mga layaw.) ang kabuhayan.

At sa araw-araw na pag biyahe ng ganito, mga napansin ko maliban sa lumaki at lumakas mga braso ko *tnt* (tnt = tawa ng tawa), napasin ko din na may parang Sabit Etiquette na aking binansagan. Pagkasabit mo, sa jeep, kung sino man ang naka upo sa dulo ay mag prepresinta na hawakan ang bag at gamit mo upang ika’y hindi mahirapan sumabit. At naranasan ko din sa sumabit sa mga jeepney na umaabot ng mga pito kadaming tao nakasabit! At kapag ganito, ang mga nakasabit ay kusang umuurong at pinagbibigyan ang mga iba makakapit ng maigi upang lahat ay walang malalaglag. Masasabi ko na magandang bagay ito sa biyaheng Novaliches-Blumentritt upang isulong ang Pinoy kahit sa maliit na paraan lamang.

Ngunit, noong ako’y nagtratrabaho na at naisipang magaral naman sa Meralco Foundation Institute sa may Ortigas, Pasig City. May mga araw na malapit na akong mahuli sa klase, at nakikipag unahan makasakay ng jeep malapit sa may EDSA shrine. Iba naman ang napansin ko dito. Ibang kultura ng mga sumasakay sa jeep na magmula sa Robinson’s Galleria papuntang,… ewan ko saan papunta! *tnt* Basta alam ko dadaan ng Meralco Foundation. *tnt* Basta pag sabit ko, at may nakasabit nang iba, ni hindi man lang umuurong at binibigyan ako ng sapat na lugar upang hindi mahirapan makakapit ng maigi. Sa loob-loob ko lang, sinsabi ko taenang ‘to ah, ayaw man lang umurong! Eh papano na ang Pinoy isulong? *Seoph nag isip muli*

Isulong Seoph

Kwentong Jeepney ng Pinoy Isulong Seoph Martinez

June 9th, 2006

Mga kakaibang katotohanan - Isulong Seoph (Philippines)

Napapansin ba ninyo, pag nakaupo kayo sa pampasaherong upuan sa harapan ng jeep kahelera ng driver, na pag tumingin ka sa kanan na side mirror, halos palagi ay ang makikita mo ay ang katabi mong pasahero sa harapan ng jeep?

Kung hindi ninyo napapasin ito, tignan ninyo sa susunod na pag upo ninyo sa harapan ng jeep and kwento nyo sa akin kung ano napansin ninyo.

Isulong Seoph!

« Previous Entries   Next Entries »