Isulong Seoph Report: Si Superman Nagalit Kay Captain Barbell

July 10th, 2006

Nung muling ipinalabas ang Superman at naging patok sa takilya, naisipan nyang dumayo sa Pilipinas para makita ang kalagayan ng mga manonood at nabalitaan n’yang madami s’yang fans sa Pilipinas at para tulungan isulong ang pag kita ng pelikula n’ya, lumipad ito papuntang Pilipinas. Ako po si Seoph Martinez ay naka kuha ng scoop na s’ya ay padating. Pero para maiwasan ang stampede ng mga fans, hindi ko kinuwento ang scoop na ito. Sinabihan ko lang yung katulong namin na tsimosa at sabi ko ‘wag na ‘wag mong sasabihin kahit kanino na padating si Superman sa Pilipinas. At national secret yun. At sabi naman n’ya, hindi n’ya sasabihin kahit kanino kundi si inday sa kabilang bahay at mapagkakatiwalaan naman daw ‘yun na hindi ipagkakalat.

Ngayon, nagpunta na ako sa Centennial Airport kung saan dapat ang arrival ni Superman. Hindi ko naman alam ang flight number, pati kung anong airlines. Tapos ako’y biglang nagulat sa katabi ko, biglang sumigaw. Look up in the sky! It’s a bird? At napatingin ako sa sumigaw. Naglalakihan ang butas ng ilong na nakashades, at nakasulat sa t-shirt nya, Chito. Tapos tumingin ako sa itaas. At sabi nitong Chito… Bird nga!

Ano kaya ang flight ni Superman? Nag PAL kaya sya? Plane Always Late? Paano na Isulong Seoph report ko? Tapos, biglang nagtayuan mga tao! May tinuturo sa langit! Sabi ko, mukhang nandyan na! Pero parang ibang kulay, bago na s’ya costume ni Superman? May lumilipad na naka dilaw!? Si Captain Barbell pala! Gusto n’ya din salubungin si Superman at s’ya daw are number 1 fan ni Superman.

Nang biglang may nakipag-away kay Captain Barbell! Si Superman! Sabi ko, ayos, buhay na ang Isulong Seoph scoop report ko! Pumuwesto na ako sa harap ng camera at sinabi…”Good Morning, this is Seoph Martinez reporting live for ABS-GMA channel 69 - Isulong Seoph Reports…” tapos ifofocus pa lang ng camera sa langit ng bigla silang naglanding sa likod ko lang. At sabi ko sa sarili ko, exacto ito para sa Isulong Seoph reports. Nafocus ko ang camera agad sa dalang super hero. At sabi ni Superman… Who are you? Why are you copying me? I not kopy yu Supperman, sagot ni Captain Barbell. What? You are copying my costume! sabi ng galit na Superman. Bat I hab a is deferent costom? sagot ni Captain Barbell. But you also have a red brief like me! No I don’t, nagsagutan ang dalawa. Liar! I have X-ray vision! I can see you also have a red brief! Sabi ng galit na galit na Superman at sinakal n’ya si Captain Barbell.

Hindi na po natapos ang Isulong Seoph report at pinaalis na kami, pati press noong dumating ang NBI. Ito po ang huling nakunan namin na eksena.

Superman vs Captain Barbell

*Hindi po si Seoph Martinez ang naglikha nitong drawing. Ito ay una ko pong nakita sa website ni Mike Lopez.

Banko Sentral ng Pilipinas Nag Labas ng Bagong Limang Piso

July 7th, 2006

Kalalabas laman po, ibinalita ng tagapangasiwa ng Banko Sentral ng Pilipinas na mayroon pong bagong limang piso na inilabas kamakilan lamang. Ito ay ginawa bilang pagpuri sa makabagong bayani ng dekada ngayon.

Ang Bagong Limang Piso. (The New 5 Pesos)

Central Bank of the Philippines Releases New Five Pesos

This has just came out, the charman of the Central Bank of the Philippines has released a new five peso bill just recently. This was done in honor of the modern heroes of the current decade.

Mga Salawikain (Proverbs) Para Pinoy Isulong by Seoph

June 28th, 2006

Ang mga salawikain ay mga dakilang salita na ating minsan minamana sa ating mga ninuno na nagbibigay sa atin ng karunungan na syang nagiging gabay sa ating araw-araw na pamumuhay. Ito ang mga tinipon kong mga salawikain ayon kay Seoph. Na ‘ika sa larong Simon says, itong mga salawikain ko ay tinawag kong Seoph says. Mga salawikain na ito’y para isulong ang Pinoy!

  • Seoph says: Ang taong nagigipit…sa bumbay kumakapit. Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Birds of the same feather make a good feather duster. Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Pag may usok…may nag-iihaw Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Ang taong naglalakad nang matulin… may utang. Pinoy Isulong!
  • Seoph says: No guts, no glory… no ID, no entry Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Ang buhay ay parang bato, it’s hard Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Walang matigas na tinapay sa gutom na tao Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Kapag may tiyaga, may nilaga. Kapag may taga, may tahi. Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Huli man daw at magaling, undertime pa rin. Pinoy Isulong!
  • Seoph says: To err is human, to errs is humans. Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Matalino man ang matsing, matsing pa rin. Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Better late than later… Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahaykubo, sa paligid puno ng linga. Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Ang sakit ng kalingkingan, kailangan ng alaxan. Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa. Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na! Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Better late than pregnant Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Behind the clouds are the other clouds Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Do unto others… then run!!! Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Magbiro ka na sa lasing, Magbiro ka na sa bagong gising, ‘wag lang sa lasing na bagong gising. Pinoy Isulong!
  • Seoph says: if at first you don’t succeed, read the instructions Pinoy Isulong!
  • Seoph says: No man is an island because time is gold Pinoy Isulong!
  • Seoph says: An apple a day.. is too expensive. Pinoy Isulong!
  • Seoph says: An apple a day, makes seven apples a week. Pinoy Isulong!
  • Seoph says: An apple a day cannot be an orange a day. Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.. muta lang yan. Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Kapag ang puno mabunga…mataba ang lupa! Pinoy Isulong!
  • Seoph says: When it rains…it floods Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Pagkahaba haba man ng prusisyon .. mauubusan din ng kandila Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw minsan nasa….vulcanizing shop. Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Batu-bato sa langit, ang tamaan… sapul . Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Try and try until you succeed… or else try another Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Ako ang nagsaing… iba ang kumain. diet ako eh. Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik . Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Kapag maiksi na ang kumot, bumili ka na ng bago. Pinoy Isulong!
  • Seoph says: Pag may tyaga.. goodluck. Pinoy Isulong!

Isulong Seoph pinagaaralan ang pagkakaiba ng mga US Gov’t Agencies

June 16th, 2006

Para isulong and pamamaraan ng pag iibestiga, dito sa Pinoy Isulong Seoph Martinez ay piagaraan ang magkakaibang paraan ng pag-exam ang agencies ng America para malaman kung sino sa mga agencies ang magaling mag execute ng man-hunt. Ang mga participants ay:

  • NYPD = New York Police Department, USA
  • FBI = Federal Bureau of Investigation, USA
  • CIA = Central Intelligence Agency, USA
  • PNP = Philippine National Police, Philippines (Special International Guest Participant)

Isang puting rabbit ang papakawalan sa isang gubat at bawat isang ahensya na sumali sa pagensayo na ito upang isulong ang paraan ng pag iibestiga, at bawat isa at binigyan ng tatlong (3) buwan mahanap ang white rabbit.

Usang pangkat na nag presinta sa Isulong Seoph ay mula sa, NYPD.

Pumasok sa gubat ang kanilang search and rescue squad, S.W.A.T., at pinalibutan ng mga police ang buong gubat. Ipinasok rin nila sa gubat ang kanilang detectives, at experts sa paghahanap ng nawawala.

Pagkaraan ng 3 months, lumabas ang NYPD sa gubat.

Nag release sila ng press statementna sinabi sa Pinoy Isulong Seoph Martinez,

After 3 months of intensive search for the white rabbit, we regret to inform you that because the rabbit had a head start, it was able to elude our units, and was able to pass through our dragnet. The rabbit has escaped.

Sumunod na pinagaralan ng Pinoy Isulong Seoph and pamamaraan ng FBI.

Pumasok rin sa gubat mga FBI, dala-dala ang mga helicopters, mga sniffing dogs, at sari saring dalubhasa para hanapin ang rabbit at sinubaybayan ng Isulong Seoph.
After 3 months, lumabas ang FBI sa gubat.

Nag release rin sila ng press statement at binalita sa Isulong Seoph,

After 3 months of finding the white rabbit, we had some interesting leads. However, as we were closing in on its location, somebody must have tipped it off, and it was able to elude us by disguising as a deer. The rabbit has escaped.

Sumunod ang CIA.

Pumasok ang CIA, at dahil meron silang special powers to request assistance from the US Military, dinala na rin nila ang US Army para tulungan sila sa paghanap.

After 3 months of firefight, bombing, and special operations, lumabas ang CIA sa gubat.

Sabi nila sa press statement sa Pinoy Isulong Seoph Martinez,

We used everything at our disposal. We didn’t leave any stone unturned. We bombed everything in sight. I’m sure, you will not find any rabbit there anymore. He’s probably scattered all around the forest in tiny little pieces!

Last, but not least, the PNP.

Napatawa ang ibang agencies dahil ang pumasok lang sa gubat na PNP ay lima lang.

Pero laking gulat na lang nila dahil next day lang mismo, lumabas ang PNP, dala dala ay isang grizzly bear, na naka posas, bugbog sarado ang mukha, halos sarado ang isang mata dahil sa bugbog, dugu-an, at sumisigaw, “OO NA! OO NA!!! AKO ANG WHITE RABBIT!!! AKO ANG WHITE RABBIT!!!

« Previous Entries   Next Entries »