Sino po Ako
November 30th, 1999Magandang araw po sa inyo. Ako si Seoph, nagmamay-ari ng websayt na ito na nagngangalang Isulong. Pangalan ko po ay binibigkas na parang Seyop, basta ‘wag Hayop, kahit madaming taong nagsabi sa akin “animal ka!” at least parang sosy ‘yun kasi ingles yun. Pero and tutoong pangalan ko po ay Joseph Martinez. Pero mahabang kwento paano naging Seoph, pero to make it short (hanef, dat’s english), may mga kaklase po ako nung nasa highschool medyo bulol at tumatalsik pa ang laway. Hindi magagalit sa aking ‘yun kahit mabasa n’ya ito ngayun kasi alam ko prends tal’ga kami ‘nun. Dahil bulol, pati pangalan ko “najujumble” ang letra, gayunpaman, kasama naman s’ya sa barkada namin of 6 people. Lagi s’yang alaskado, pero ok lang. Pinapasaya naman n’ya ang mga normal na tao kasi pinagtatawanan namin s’ya.
Uy pero ‘wag kayo magalit sa akin ha? Baka isipin ninyo ang bad bad ko na naman. Ok lang sa kanya ‘yun, as in. As in talaga, forever preds kami n’un. Pero balik ako sa kwento. So ginawa ng mga barkada ko, pinagjujumble na din namin mga pangalan namin. Ako si Joseph, naging Sejoph, tapos naging “Seyop” nung tumagal. Pero napapangitan ako sa spelling, masyadong malapit sa hayop. So ginawa kong Seoph para iba dating ‘di ba? Mga kilala ko ngang Joy, nagiging Jhoy, May nagiging Mhay, ewan ko ba ang hilig sa “H” pero nakikisabay na din ako sa uso. Alangan naman sila lang? Aba, pwede din ako.
Isa po akong nakatapos ng Batsilyer ng Agham sa Kapnayan sa Pamantasan ng De La Salle ngunit lilinawin ko, hindi po kami mayaman. Naalala ko pa noong isang trimester, hindi po ako nakapasok at naka enroll kasi hindi nabenta mga baboy namin kasi nauso yung sakit ng baboy. Kalimutan ko name, hindi naman “mad cow,” baka “mad pig disease.”
At porket gradweyt ka, hindi ibig sabihin super-galing ka na at pwede ka na makapasok sa kahit anong trabaho. Nahirapan ‘din akong makapasok ng trabaho. At puro bagsak or saktong passing ang mga grade ko. Naka tsamba lang ata ako sa first job ko kasi nung nakita transcript ko, puro uno daw! Ang galing ko daw. Tapos madami din akong dropped subject, pero at least nung kinuha ko ulit ang subject, puro uno daw ulit. Hindi n’ya yata alam baliktad ang mga grade sa DLSU. Hindi ko naman sinabi since pang-88 na application ko na yun.
First time kong naranasan na may tumupad na rin sa usapan. Kasi yung mga ibang company, pagkatapos ng interbyu, sasabihin: “Thanks, we will call you.” Taena sa 88 na pinag applyan ko, 87 hindi naman ako tinawagan! Mga sinungaling talaga! Kakainis mga company na ganun. “We will call you” daw, pinahintay lang ako ng 6 months ng 87 na company.
Nagsawa din ako sa trabaho ko na ‘yun kasi laboratoryo ‘yun, pero grabe, laging nakaharap ako sa high-grade petroleum ether. Ang sama ng amoy, may gas mask naman ako, pero taena, nakakabaog daw yun! Mabilis pa sa alas kwatro, umalis na ako sa company na yun. Isipin mo, isulong ka nakakabaog. Sayang naman itlog ko, scamble agad kalalabasan.
Tapos nagturo ako sa colegio ng kapnayan, pero maliit din kita at sa maniwala kayo sa hindi, kahit tapos ako sa colegio, naghirap pa din ako. Nag aral pa ako ulit sa MFI. Nagaral ako maging Kalikutero ng Aircon at Frigider, para sumama sa kabarkada kong magsa-Saudi. Hindi ko natapos yung isang subject, lagi akong bagsak at bading pa yung nagtuturo, gusto nya lumabas kami minsan. Pero madaming preds ako ng jokla ha? Puro naggugupit sa akin, at hindi ako discrimination. (tama ba ‘yung pagkasabi ko? Parang mali pero hindi ko alam kung saan mali.) So nakuha ko din katibayan ko na graduweyt ako kasi pinagawa ko na lang sa Recto. Ganun din naman, papel lang yun.
Masaya ang kita, pero malungkot din nung tumagal sapagkat malayo sa pamilya. Naka tsamba ako maka punta sa US galing Saudi bilang tourist. Ayus, ang galing, ang daming istaytside! Tapos naghanap ako ng trabaho, at nag TNT sa simula. Buti na lang maganda training ko ng taguan noong bata pa ako. Naka pasok din ako sa Wendy’s at kumita ng $9/hour. Parang malaki pag ginawa mong pesos, pero sa mahal ng mga bilihin din dito, parang pareho din.
Kasalukuyang nasa Wendy’s pa din po ako. Nagsusumikap iahon ang pamilya ko sa Pinas na matagal ko nang hindi nakikita. Medyo nakaipon din ako dito sa tulong ng mga Pinoy Communities na tumutulong isulong ang mga Pilipinong hindi gaanong kumikita dito at nagbibigay sila ng free seminars kung ano mga patakaran sa US and kung paano maka tipid ng pera sa sistema ng buwis dito. Maganda ang kanilay pakay para isulong ang mga Pilipino dito sa may San Francisco, California sa Estados Unidos. At dahil sa grupong ito, dito ko naisip gawin ang websayt na ito. Lahat ng kasiyahan ko sa ibang bansa ay aking isisiwalat sa buong daigdig sa pamamagitan ng Internet. Itong websayt na ito ay ginawa para sa inyo. Para sa bawat Pilipinong nag hihirap, ke nasa Pinas o wala. Para sa lahat ng tumutulong na isulong ang Pilipino at ibuwal ang kahirapan sa Pilipinas.
Hanggang sa muli, and inyong lingkod
Isulong! - Seoph Martinez
Magiging masaya dito, pramise yan! Balik kayo at sulatan ninyo ako ng mga comments. Wag mag-Spam ha? Kasi mas mura Maling.












June 4th, 2006 at 5:48 pm
Ang ganda naman ng kwento mo. Tagalog na tagalog talaga. Hahaha. Excuse me, nahihirapan ako, english muna. Pero I love Philippines pa din ako ha?
I love the songs! Ganda ng website mo. Babalik ako. Promise talaga, as in.
June 6th, 2006 at 5:16 pm
hey.. i heard about you from a friend. decided to check it out and eto tagalog na..nakakabilib ka. ang cute promise at super creative. as they always say, more power!!!
June 7th, 2006 at 3:04 am
[...] Sino Po Ako [...]
June 28th, 2006 at 10:44 pm
ang galing mo naman isa kang henyo mabuhay ka kahit taga lasalle ka joke muah
July 14th, 2006 at 7:44 am
ganda ng website mo pre. tanggal ang antok ko.
good luck na lang sa seo contest.
August 15th, 2006 at 9:24 am
Tol, ok tong ginawa mo ha, wewz! namangha ako… galing mo tol… alam mo nyo bah kng bkit ako nkapasok dito? I think you didnt know. Ito sasabahin ko na, di bali na ayko na mag kwent0 hahaba estorya hehehe…. actually, i found this site when I asking my bots about opm at ito na ang binigay skin. huh akala wlang kwenta, buti nalng na pindot ko ang “sino po ako” at don ko naisip na kakaiba ang pkiramdam pag kapwa pilipino ang napag usapan. kaya hito wala na akong magawa natutula nalng sa harap ng monitor nag-iisip kng anu sasabihin. hahayz kahit mahiran ang buhay pilit pa rin isusulong hangang sa tagumpay ganyan ang pinoy…..
Tol, keep up d gud work. saludo ako sau! *winx*
August 19th, 2006 at 2:40 am
eiiiiiiiiiiiiii…….
hai…..ang ganda naman ng websayt mo… natutuwa ko…bazta masya lang ako…kxe nakapasok ako d2 may bago nanaman akong tambayan…bata pa naman poh ako, pero bagong migrate ang pamilya ko dito sa malaysia…
naaaliw poh ako sa inyo gusto ko ang lahat na nsa websyat mo… more power poh!!!
lalo na poh ung mga article na a nadito…
kung my friendster poh aku add nyo naman ako…
jeylo_016@yahoo.com
same to my email…kung my time poh aku…
sana poh magpasa kau sa akin ng mga email o mensahe….
maraming salamat poh….
September 11th, 2006 at 6:19 am
Sa totoo lang, mabuhay talaga ang Pinoy!
Sana, mai-ahon mo ang pamilya mo at makita mo sila sa lalong madaling panahon. Ako, uuwi at makakapiling ang mga magulang at kapatid ko ngayong bagong taon–kasi medyo mas mura ang flight pagkatapos ng Pasko :D. Ako’y magiging turista sa ating bansa–salamat sa mga isinulat mo at mga larawan sa “Unang Pahina”. At sana ma-promote ka, kasi mukhang mabuti at masipag kang tao.
Cheers!
September 22nd, 2006 at 3:02 pm
waw…aztig lupet k pla…la salle?? aztigin,hehe! gling ng lyf story mu, try
mu pdala kay mel tiangco,heheh!!! jokz!
gling mu at naicp mu gmawa ng gnitong
websyt!!! ang taba ng utak mu!!!
dmi pde mgsoundtrip d2!!!
libre pa,aus toh!!
wla lng!
sna dagdag mu p ung mga soundz mu!!!
sna ibang banda nmn!!! tulad ng:
typecast
valley of chrome
saydie
sunflower daycamp
mayonnaise
kamikazee
queso
kapatid
the wuds
chicosci
urbandub
francis M
session road
imago
hemp republic
live tilapia
bsta sna kht ung mga hindi mxadong
MAIN STREAM n mga banda sna pde
mpakinig d2!!!
salamat!!!
lupet ng site mu!!!
September 22nd, 2006 at 3:07 pm
PS!!! mga pinoy dyn!!!
try nyu tgnan ung wlang kong wentang
page s frndster!!! e2 e-add q!!!
bmlazybone15@yahoo.com
send kau msg. pde rin aq i-add!!
wla lng!!
September 23rd, 2006 at 10:33 pm
tol sori hndi pra sau un tanong ko.galing naman ng kwento mo kakabilib.parang pang MMK…pero ok kasi proud to be pinoy ka…galing!!!!! tol padalan mo naman ako tsokolate…hehehehe….galing talaga nito mabuhay ka!!!!!!
November 14th, 2006 at 12:34 pm
swerte ko na kita ko tonf site na to! home sick na home sick na home sick na ako! buti na lng na kita ko 2 medyo nawala mga problema ko!
sAlAmAt!!
January 11th, 2007 at 6:36 am
boss galing mo..san k ngayon?
GALING PINOY..!!!ORAGON!
January 12th, 2007 at 4:30 am
Salamat Roy, heto, wala na sa Wendys. Noong nakalabas ako sa Wendys sabi ko, “Hay Salamat” tapos na ako sa Wendys at ayaw ko na ng trabaho na ganun. Buti nakakuha ako ng ibang trabaho. Sa McDonald naman.
Pero wala na din ako dun. Ngayon receptionist ako ng isang babaeng dentista. Mas ok na trabaho ko at pag wala gaanong pasyente, heto, ok lang sa boss ko mag browser buong magdamag. So heto, blog lang ako ng blog.
July 5th, 2007 at 6:35 am
Ui pareng seoph! ang galing ng kuwento mo. Makabagbag damdamin, hindi ko napigilang tumulo ang luha ko. touched ako. T_T Siya nga pala kabayang Seoph, ilang taon ka na? Nagbabalak din kasi ako mangibang bansa a t subukan ang aking swerte .
July 5th, 2007 at 6:43 am
Pwede ba kaya umasenso ang isang dalawamput limang taong gulang na tulad ko na wala pa masyadong karanasan sa pagtratrabaho? Medyo huli na kasi nung nagsimula akong magtrabaho. Naaalala ko dalawanmput tatlong taong gulang ako nung unang magka trabaho. Samantalang ang iba eh labinwalong taon gulang pa lang ata nag babanat na ng buto at wala pang dalawampung taong gulang eh mga regular na sa mga kompanyang pinapasukan nila.
October 10th, 2007 at 5:26 am
wala ka man lang picture.
June 20th, 2008 at 3:41 am
Galing, iba talaga ang Pinoy! Isang pagpupugay sa lahing kayumanggi! Ipagpatuloy mo seoph ang isang mabuting hangarin. Dahil sa iyo napaglalapit mo ang bawat pinoy na nagkalat sa mundo. Tandaan ang hirap may kapalit na biyaya. Ang pag-ani ay nasa dakong bukas, antayin lang natin ang susunod na pagbubukangliwayway at malasin ang bagong sinag ng araw sa bansang tinubuan. Ang ating bansa ay aangat din tulad ng malalaking bansa ngayon dahil na rin sa mga Pinoy na kumakalat sa ibat-ibang panig ng mundo. Parang bang mikrobyo o “virus” na gumagawa ng lagim, ng tulong, ng pagbabago sa bawat makapitan nito. Tunay na ang PINOY ay di nila maiilong sa kahit anong larangan. AAngat ang PINOY kahit saan mo dalhing larangan. MABUHAY KA SEOPH, MABUHAY ANG PINOY!
July 22nd, 2008 at 1:59 pm
hanap po ng mga kanta ng teeth
like tampo the time machine album
maraming salamat
August 20th, 2008 at 6:13 am
Seop isa ako sa nagsusulong ng Filipinong kapakanan at nagbubuwal ng kahirapan masaya at magand malaman na meron pla katulad mo, natin na nagtutulak na mabuwal ang kahirapan dto sa atin!
mabuhay ka seop!
Bicita Ka!!! http://www.bfsm.byethost18.com