May ari ng Day Care Center may topak! Hinostage sariling studyante
March 28th, 2007Ngayong araw na ito, isang may ari ng isang day care center sa may Tondo Manila ay lumabas kasama ng dalawang guro at tatlongpu na magaaral para day sa isang field trip. Aba may topak pala itong may ari at dinala ang field trip sa City Hall ng Maynila. Sabagay, historical din ang Intramuros, pero ang topak nitong may ari ng paaralan na nagngangalang Jun Ducat, ay may baon sa field trip. Ang baon n’ya ay dalawang granada, isang assault riffle at isang pistol na mga baril.
Ang hinihiling n’ya ay, magandang kinabukasan ng mga studyante, masmabuting pamumuhay at tirahan para makaahon sa hirap at makapasok sa colegio ang mga bata na ang tansta ng mga pulis ay nasa mga anim na taon gulang.

Kodakan, pero pwede, wala munang smile ngayon? (Photo: AFP)
Pagkalipas ng apat na oras sa pag hohostage, may pinalaya din na isang magaaral na nilalagnat at agad sinakay sa ambulansya at dinala sa malapit na ospital.
Yun pala ang nanghohostage, matagal nang may topak! Ito ang kasaysayan ng katopakan n’ya:
- 1989 - Nang hostage ng mga pari. Dalawang pari na gamit mga pekeng granada. Ewan ko kung anong gusto n’yang palabasin noon.
- 1998 - Umakyat sa taas ng torre ayon sa balita. Pero pagkaalala ko, hindi torre ito. Ito yung mga malalaking billboards sa may Guadalupe. Bakit daw s’ya umakyat? Kasi kontra daw sya sa pagtakbo ng pagkakandidato ng isang pulitiko at hindi daw Filipino citizen.
- 2001 - Hindi pumasa bilang kandidato pang congreso. Hindi nabanggit kung bakit, pero kahit hindi banggitin, alam ko na kung bakit. Dapat masmalala sa pagkatopak n’ya ang kailangan para pumasa pero dapat yung tago ang pagkatopak. Yung mga ladlad ang topak, hindi pumapasa sa congreso. At sa ganitong klaseng antas ng katopakan, medyo kilala itong si Jun Ducat ng mga iba’t ibang pulitiko.

Salamat kay Captain Barbel (Photo: Reuters)
Sabi nga ni Manila Mayor Lito Atienza: “I know him as a very, very passionate individual who has his own kind of thinking on the solutions to our problems, But we cannot agree with his ways.” At dahil kilala din ng anak ng anting-anting na si Sen. Bong Revilla, s’ya na ang nakipag usap at pinayagan itong sumakay sa bus. Ayun parang wala naman nangyari, pero at least nagkaroon ng channel ng communication ha. At kay Bong Revilla din pinababa ang nilalagnat na bata. Kasi kung hindi umakyat si Bong Revilla, hindi tinanggap ng manghohostage na si Jun Ducat ang inaabot na landline. Hello? Ok lang sila? Landline? Wala bang cellphone man lang. Gaano kaya kahaba ang phone wire ‘nun. Hindi tinanggap ni Jun Ducat at baka sumabog daw.

Ice Cream galing SM Manila (Photo: Reuters)
Sa kasalukuyang pangyayari… hindi ko na alam kung ano na. Pag may bagong balita, balitaan ko kayo. Pero headline na ito sa madaming lugar sa buong mundo at mga AP, AFP at Reuters reporters na nandun.












March 28th, 2007 at 8:46 am
Astig tong taong to! Dapat iboto sa pagkapangulo! Hehehehe
March 28th, 2007 at 12:07 pm
Walang saysay ang araw ko sumubaybay sa hostage taking… yung maranggal na mga sinabi ni Ducat sa interview sa DZMM… kinain nya rin kinalaunan. “mag-ingat at magsuri raw sa mga politiko na gumagamit lang sa mga tao” Wow, ano kaya ang kwalipikasyon ni G. Bong Revilla at Chavit Singson sa hostage negotiation? Tapos nung pakawalan yung mga bata… siksikan sila sa bus papuntang ospital kasi naki-angkas din sina mayor Lito Atienza (sampu ng buong ticket nya na matingkad sa kanilang kulay pulang damit).
Hanep G. Ducat, lahat ng kinamumuhian mo ay nangyari bago pa man matapos ang araw!
March 28th, 2007 at 5:59 pm
Magaganda ang iyong kuro-kuro Cesar. Baka kaya pinasakay si Sen. Bong Revilla kasi si Captain Barbell s’ya? Si Chavit Singson, naisip n’ya kasi kung saka sakaling may masamang mangyari, at least may enbalsamador doon. Si Mayor Lito Atienza, hmmm baka wala lang s’yang masakyan.
Pero seryoso, wala akong masabi. Siguro kung may ipropromote din ako ako, tawagin ko si Jun Ducat. Magkano kaya professional fee n’ya?