Mga nakaw na sandali na magkayakap sa dilim
January 28th, 2007Kung ikaw ay fan ng APO Hiking Society, malamang, alam mo ang kanta nila na Yakap sa Dilim. Maganda itong muling balikan at binuhay muli ng bandang Orange and Lemons. Panoorin ang video nila na nilikha ng magagaling na music video makers.
Universal Records – August 7, 2006
Director: Marie Jamora
Director of Photography: Odyssey Flores
Production Design: Trinka Lat
Styling: Christina Dy
Production Manager: Lai Crisostomo
Assistant Director: Zig Marasigan
Make-up: Rozie Delgado
Editing and Color Grading: Marie Jamora
Graffer and AC: Benjie and Wally
Extra: Blue Rep, Ateneo De Manila University
Yakap Sa Dilim
Music by Apo Hiking Society, Sung by Orange and Lemons
Sandal mo sana ang ulo mo sa unan
Katawan mo ay aking kukumutan
Mga problema’y iyong malilimutan
Habang tayo’y magkayakap sa dilim
Huwag mong pigilin kung nais mapaluha
Pakiramdam mo sana’y guminhawa
Kung gusto mo ay magsigarilyo muna
Bago tayo magkayakap sa dilim
[refrain]
Heto na ang pinaka-hihintay natin
Heto na tayo magkayakap sa dilim
O kay sarap ng mga nakaw na sandali
Habang tayo’y magkayakap sa dilim
[instrumental]
[repeat refrain]
Halika na at sumiping ka sa kama
Lasapin natin ang ating pagsasama
Sa ‘ting pag-ibig tayo ay umaasa
Habang tayo’y magkayakap sa dilim











