Famous Lines

December 15th, 2006

Pinapaikot mo lang ako. Nagsasawa na ako. Mabuti pang patayin mo na lang ako.
- Electric Fan

Hindi lahat ng walang salawal ay bastos!
- Winnie D’ Pooh

Alam mo ba wala akong ibang hinangad kundi ang mapalapit sa’yo. Pero patuloy ang pag-iwas mo.
- Ipis

Hala! Sige magpakasawa ka! Alam ko namang katawan ko lang ang habol mo.
- Hipon

Ayoko na! Pag nagmamahal ako lagi na lang maraming tao ang nagagalit! Wala ba akong karapatang magmahal?!?
- Gasolina

Hindi lahat ng green ay masustansya.
- Plema

Hindi ko hinahangad na ipagmalaki mo na ako’y sa’yo. Ayoko ko lang naman na sa harap ng maraming tao ganun mo na lang ako itanggi.
- Utot

Sawang sawa na ako palagi nalang akong pinagpapasa- pasahan, pagod na pagod na ako.
- Bola

You never know what you have till you lose it. And once you lose it, you can never get it back.
- Snatcher

Ginawa ko naman lahat para sumaya ka. Mahirap ba talagang makontento sa isa? Bakit palipat-lipat ka?
- TV

Hindi lahat ng maasim may vitamin C.
- Kili kili

Pilitin mo man na alisin ako sa buhay mo, babalik at babalik ako!
- Libag

‘Wag mo na akong bilugin.
- Kulangot

Leave a Reply