Karaniwang Tao, Saan Ka Tatakbo?
December 6th, 2006Nakita ko lang po ito online, kanta po ito ni Joey Ayala, Karaniwang Tao, na may pinagsama-samang mga litrato na nagpapaalala sa atin ng ganda ng Pilipinas na gawa ni shihman2001. At kung tayo, mga karaniwang tao ay hindi ito pinahalagaan, maaring mawala at mapukaw magpakailaman ang bighani ng atin bayan.
Ituloy AngSulong ng ating kalikasan, na tayo mga karaniwang tao ay makakagawa ng kabutihan sa kapaligiran sa ating simpleng pamamaraan. Pinoy Isulong! ni Seoph Martinez.
Karaniwang Tao
by Joey Ayala
Ako po’y karaniwang tao lamang
Kayod-kabayo, ‘yan ang alam
Karaniwang hanapbuhay
Karaniwan ang problema
Pagkain, damit at tirahan
‘di ko kabisado ‘yang siyensiya
Ako’y nalilito sa maraming salita
Alam ko lang na itong planeta’y
Walang kapalit at dapat ingatan
Kapag nasira, sino ang kawawa?
Chorus
Karaniwang tao, saan ka tatakbo
Kapag nawasak iisang mundo?
Karaniwang tao, anong magagawa
Upang bantayan ang kalikasan?
Karaniwang bagay ay ‘di pansin
Kapag naipon ay nagiging suliranin
Kaunting basura ngayo’y bundok
Kotseng gabok ay umuusok
Sabong panlaba’y pumapatay sa ilog
May lason na galing sa industriya
Ibinubuga ng mga pabrika
Ngunit ‘di lamang higante
Ang nagkakalat ng dumi
May kinalaman din ang tulad natin
[repeat chorus twice]
Karaniwang tao [4x]
[repeat chorus]
Karaniwang tao
[repeat till fade]











