Mga Kakaibang Video ng mga Pilipinong Musikero
November 6th, 2006Bakit kakaiba? Kasi mukhang silang tanga. Este, kasi may originality sila! Dahil sa mga video na ganito, dito lumalabas ang tunay talent ng Pinoy. Mga Pinoy ay talentado talaga. TALENTADO! Ituloy AngSulong ng mga talentado!
Ang video na ‘yun ay si DJ Qbert. Isa sa mga pinakasikat na DJ sa buong mundo at sikat s’ya dahil sa kanyang kagalingan kumamot. Kumamot ng plaka. Scratching ang ibig kong sabihin. Laking America na itong si Dj Qbert, pero dala dala n’ya pa din nya ang katalentaduhan ng Pinoy.
Sa katunayan, ang katalentaduhan ay dapat sinimulan habang bata pa. Dapat sinusupportahan ito. Para paglaki ng mga bata. Talentado talaga sila. Ituloy AngSulong ng mga talentadong Filipino sa mundo! May po akong kaibigang pinakita n’ya ito sa kanyang anak na bata pa lamang, ay inaaruga na n’ya ang talento nito.











