Sigaw ni Pinoy Isulong Seoph: Idikit mo! Bandila ng Pilipinas!
August 8th, 2006Isulong na lang ng Isulong, parang paurong naman buhay ko. Heniwei, kwento ko lang na ako, si Seoph Martinez po ang isa sa mga pinaka tamad mag linis ng koste. Hindi naman sa tamad ako… pero… parang ganun na nga, tamad ako. Hahaha. Papano naman kasi, buhay dito sa US, puro kayod, kayod, kayod para maisulong and buhay ng pamilya sa Pilipinas. Ang kotse ko, na second-hand lang, kung nakita ninyo, nakow, 6 months ko ‘ata hindi nilinis. Hanggang, one day isang araw, umulan. Ayus! Ang linis ulit ng kotse. Last week pa yun actually. And dahil malinis na, gusto ko sana lagyan ng Pinoy pride chicken ang kotse ko. And ka-chat ko asawa ko… sabi ko bili ka ng Philippine Flag sticker, ipit mo sa susunod ng issue ng FHM Philippines na ipapadala mo sa akin. Tapos sabi sa akin: “Nye, aanhin mo ang sticker?” “Aba ididikit ko sa kotse ko dito.” sabi ko. Tapos sabi ulit ng asawa ko: “Eh ba’t pag nasa Pinas ka, walang sticker ng Philippine flag kotse mo?” Sagot ko ay: “Wala lang, kasi nasa Pinas ako ‘nun.” Syempre na labas ka ng Pilipinas, proud ka Pinoy ka. Pinoy, pinoy, pinoy, ipakita sa mundo, kung ano ang kaya mo, iba ang Pinoy! Tapos na search ako online ng Philippine flag sticker. Aba, meron mabibili tapos mura lang. Bumili na lang ako online ng Philippine Flag, pagkaraan ng 1 week, ayun, nakadikit na sa kotse ko. Kayo, love ba ninyo ang Pinas? Ipakita na rin ninyo. Kung wala kayo sa Pinas, dito ko nakita, murang sticker… tignan ninyo sa kotse ko. Ganda ano?
Kung kayo ay wala sa Pilipinas, at may kotse kayo na may Philippine flag din, iwan kayo ng comment dito at email ko kayo, para padala ninyo picture ng sasakyan ninyo with the Philippine flag. Post natin dito mga proud Pinoys. Kung wala pa kayong sticker, dito mura lang Philippines Flag sticker.

Pag nag email kayo sa akin ng pictures ninyo, sabihin ninyo kung gusto ninyong banggitin name ninyo. Kung hindi, eh ‘di ‘wag. Pero city and country banggitin ninyo.
Mabuhay ang Pinoy! Isulong Seoph!












August 11th, 2006 at 2:11 pm
Ang yaman mo para may adwords yang isulong mo ah..
August 11th, 2006 at 2:47 pm
Akala mo lang yun. May daily budget naman sa adwords. Pwede mong i-set na mababa lang. Meron din puro mahahabang buntot lang target mo, pero hindi ko pa ginagawa yun. Naka general terms pa din ako.
September 1st, 2006 at 11:41 pm
penge ng budget…hehehe… joke… cute naman ng mga bookmarks mo…