Bakit Pares ang Pares?

June 25th, 2006

Noong ako, si Seoph Martinez nasa kolehiyo pa at nagaaral ng mabuti para maisulong ang kabuhayan, ako si Seoph Martinez ay mahilig din mag party. At sa kadahilanang mahirap lang kami ngunit mga kaeskwela ko po ay mga ubod ng yaman, nasisiyahan akong dumayo sa lahat ng mga party ng kaarawan ng mga kaklase ko. Noong isang beses na ginabi na kami ng uwi, at wala naman akong tsikot, at medyo delikado nang mamasahe ng madaling araw, nakitulog na lang ako sa bahay ng kaklase kong si Rolly na may malaking panederia na negosyo ang kanyang mga magulang. Territoryo n’ya ang sampaloc at sa mga lugar na malapit sa Mabuhay (Welcome) Rotonda sa Lungson Quezon.

Maayos naman ang tulog namin at malapit nang mag tanghalian noong kami ay magising. Sabi ni Rolly, tara, baba tayo, may handa akong alumusal. Limang palapag ang bahay nila. Makikita mo na ang panederia nila ay talagang nakatulong sa kabuhayan nilang isulong. Seoph, anong almusal gusto mo? tanong ni Rolly. Sagot ko ay, kahit ano, o tara sabi n’ya, hanggang umabot kami sa koste n’ya, at tinanong ko, alaka ko kakain tayo? Oo Seoph, sagot ni Rolly, nasa kabila ang kusina, nagluto ako dun.

Akala ko kung anong malaki pang bahay pupuntahan namin, at ‘yun pala, nag drive s’ya palabas papunta sa kalye ng Espana at medyo malapit sa opisina ng Meralco doon, pinakain kami sa: “The Original Pares.” At kahit meron silang tapsilog, longsilog at tocilog, ang kinain ko ay pares. Ano ba ang pares? tanong ko kay Rolly. Basta magugustuhan mo yan Seoph sagot ni Rolly. At tama nga sya, aking nagustuhan nga ang pares. Sabi sa akin ni Rolly, doon daw ang original Pares at yung malapit sa kalye trabajo ay gaya-gaya lang daw.

Noong matapos na ako sa kolehiyo, unti unti nang dumami ang mga kainan na ganito. Nagkaroon ng Pares sa may Commonwealth Avenue sa Quezon city na pinagigitnaan ng Diliman Preparatory School at ng Ever Gotesco Commonwealth na hindi nag tagal nang dumami ang mga negosyo at nang isulong ang iba pang kainan. Lumabas din ang kumalaban sa Pares na Ocho Pares. Naalala ko pa nung kumain kami dito ng madaling araw noong paauwi kami galing sa concert ng The Dawn na Muling Pagbabalik.

May mga araw din na ginagabi ako noon sa Teacher’s Village at Sikatuna at may Pares din malapit doon na kinakainan ko din. At noong akong nagging guro sa isang pamantasan sa Manila, minsan sa Buendia ako nasakay ng bus na deretchong Bagong Silang upang akong makatulog ng mahimbing at hindi na pasakay-sakay, at bago ako sumakay ng bus, kumakain ako sa Joe Kuan sa may Buendia (Gil Puyat) na malapit sa intersection ng EDSA na meron din hinahain na Pares.

Yung pares, parang beef brisket na pinapatong sa ibabaw ng kanin. Parang beef toppings lang naman ang kinakain ko. Pero nagtataka ako hanggang ngayon, bakit pares ang tawag? Bakit nga ba?

2 Responses to “Bakit Pares ang Pares?”

  1. isulong seoph Says:

    Ang totoong simula ng pares eh nuong mga 1980s pa sa Jonas. Restaurant ito sa may Retiro/Mayon beside Mercury drug.

    Nag-gayahan na lang lahat. Actually and alam kong sumunod is Rudys na nagoffer din ng pares. Walking distance lang yan sa Jonas.

    Natatandaan ko kasi nung elementary/high-school kami sa Lourdes eh may pares na dun.

    According to the owner na ininterview sa TV, nagsimula da yung “pares” nung isang araw, may suki silang madalas kumain ng “beef” with “fried rice” so dahil madalas na yun ang order nya, alam na ng tindera yung order nya. Kaya minsan, imbis na sabihin nya beef and fried rice (sinangag), sabi nya “yung pares”. Kasi parating kapares ng “beef” na yun is sinangag.

    Kaya eventually, naging pares na tawag.

  2. marcia Says:

    nyahahahaha… ginagabi ka pala sa may T. Village at Sikatuna ha! Alam ko kung san ka galing nun! :)) Anyway, tama si isulong simple lang kung bakit “pares” tawag sa kinakain mo dahil “pares” or pair sila. Masarap kainin na magkasama. Parang tayo masarap pag magkasama. Bwahahahahaha

Leave a Reply