Sabit Etiquette Para sa Kabuhayan ng Pinoy na Isulong
June 11th, 2006Gaya ng nakwento ko na tungkol sa aking pagbiyahe noong ako’y pumapasok pa sa colegio, madalas akong sabit ng jeepney. At madalas akong sabit sa biyaheng Novaliches, Quezon City papuntang Blumentritt, Manila. Sa mga jeep na hataw, hindi na ako pumipili para makasakay at sumasabit na lamang ako. Sa araw-araw na pagpasok ko, ako si Seoph ay nagsumikap pumasok araw-araw na iniiwasan mahuli sa biyahe para ang kabuhayan ay isulong, at aking nakakabisado na ang mga mabibilis na jeepney. Gaya ng: Showy, Bestboys, Desire, Lawin Boys, Joanne Mixes, Ericsson, Alfasisimo, GoldShine, Bhoyacks and madami pang iba gaya ng pinakasikat na Lost Boys na ang driber ay si Roger Arcega.
Ang mga jeepney na ito’y ubod ng tulin at nananalubong pa sa kabilang hanay ng kalye. Delikado ngunit noong ako’y estudyante pa lamang, hindi ko po iniisip ito at iniisip ko lang at hindi ako maaring mahuli sa pagpasok ko sa paaralan para matulungan balang araw ang aking pamilya isulong (*Seoph ay nagisip* at para din sa aking mga layaw.) ang kabuhayan.
At sa araw-araw na pag biyahe ng ganito, mga napansin ko maliban sa lumaki at lumakas mga braso ko *tnt* (tnt = tawa ng tawa), napasin ko din na may parang Sabit Etiquette na aking binansagan. Pagkasabit mo, sa jeep, kung sino man ang naka upo sa dulo ay mag prepresinta na hawakan ang bag at gamit mo upang ika’y hindi mahirapan sumabit. At naranasan ko din sa sumabit sa mga jeepney na umaabot ng mga pito kadaming tao nakasabit! At kapag ganito, ang mga nakasabit ay kusang umuurong at pinagbibigyan ang mga iba makakapit ng maigi upang lahat ay walang malalaglag. Masasabi ko na magandang bagay ito sa biyaheng Novaliches-Blumentritt upang isulong ang Pinoy kahit sa maliit na paraan lamang.
Ngunit, noong ako’y nagtratrabaho na at naisipang magaral naman sa Meralco Foundation Institute sa may Ortigas, Pasig City. May mga araw na malapit na akong mahuli sa klase, at nakikipag unahan makasakay ng jeep malapit sa may EDSA shrine. Iba naman ang napansin ko dito. Ibang kultura ng mga sumasakay sa jeep na magmula sa Robinson’s Galleria papuntang,… ewan ko saan papunta! *tnt* Basta alam ko dadaan ng Meralco Foundation. *tnt* Basta pag sabit ko, at may nakasabit nang iba, ni hindi man lang umuurong at binibigyan ako ng sapat na lugar upang hindi mahirapan makakapit ng maigi. Sa loob-loob ko lang, sinsabi ko taenang ‘to ah, ayaw man lang umurong! Eh papano na ang Pinoy isulong? *Seoph nag isip muli*
Isulong Seoph











