Sino ba si Salenga? o Salen-Ga?

June 7th, 2006

Ako po, noong nasa colegio na, ay nakikitira sa tita kong matapang. Asawa sya ng aking Kuya. Matapang sya sa ibang tao pero mabait naman sa akin, pero oras na may magawa akong mali, patay na ako. Gaya ng nabanggit ko sa tungkol sa akin, ako po si Seoph Martinez, ay nag-aral sa Pamantasan ng De La Salle, ngunit, hindi po kami mayaman, ngunit nagsumikap po ako upang isulong ang kabuhayan ko, at pati na rin ng pamilya ko. Madami po akong kaklaseng pumasok na de-kotse, pag pasok nila, ang bango-bango nila. Ang ayos-ayos ng damit, samantalang ako po, madilim pa lang lalabas na ako ng bahay, pakiramdam ko ay katutulog ko pa lang at nag puyat ako sa mga assignment ko, tapos pagkaraan ng ilang oras lang, gising nanaman muli.

Hindi pa lumalabas ang araw, naghahabol ako ng oras para maagang makapila sa tricycle at papunta sa sakayan papuntang Bayan sa pinaka-puso ng Novaliches, Quezon City. Balita ko maayos na daw ang bayan ngayon hindi gaya dati at ang mga opisyal ng gobyerno ay na isulong nila ang Bayan na maging masmalinis at masmaakit sa mata. Sa bayan, pila pa din, pero kung sabit ka sa jeep, pwedeng hindi ka pumila. At para maiwasan dumating ng late, sumasabi na lang po ako ng jeep na tinatawag na hataw sa biyaheng Novaliches - Blumentritt. Na alam kong meron din ganito sa Marikina - Cubao, Cubao - Divisoria at tawag nila ay mga patok. At karaniwan lang ang tanong ng estudyante na malapit nang ma-late sa kapwa estudyante: “Hataw ba ‘yan?”, “Patok ba ‘yan?” ‘Yung hataw alam ko, yung patok, hindi ko alam noon, at ang alam kong Patok yung kasama ni Tacio, Aling Otik at Kamandag sa komiks ng People’s Journal.

Pag-ako’y nakarating na ng Blumentritt, kung mag LRT ako, dadaan ako sa napaputik na palengke na may bundok ng basura at makikipag siksiksan sa mga tao at pag bukas pa lamang ng pintuan ng LRT na siksikan ng tao galing Monumento, maamoy mo na ang masangsang na amoy ng pawis.

Kung mag jeep po ako muli galing sa Blumentritt at sasakay ng Pasay-Taft, para hindi mahuli sa klase, sasabit muli ako at muli din malalanghap ang maitim ng hangin ng Maynila. May libre pulbos na make-up ako bago makarating sa De La Salle University. At dederetcho na ako agad ng CR. Maghihilamos ako at magpapalit ng tshirt at ang pinagbihisan ko ay ipupunas ko sa mukha ko. At doon mo makikita ang kapal ng lupa na pwede nang pagtaniman ng kamote. Sa tutoo lang, pakiramdam ko parang tae ako samantalang mga kaklase ko, sariwang sariwa pa sila parang bagong ligo. Ako din naman, parang bagong ligo, bagong ligo sa pawis.

At naiisip ko, hay naku, paano ba ako, si Seoph, ano magagawa ni Seoph para isulong ang ating bansa palayo sa paghihirap? Buong biyahe, ‘yan minsan iniisip ko, maski habang nakasabit sa jeep. At palibhasa, lagi akong sabit, aking napapasin lagi ang mga nakasulat sa mga pader, overpass, tulay, underpass, at kung saan-saang poste.

Mayroong Isulong ang ating Bansa! Paalisin si FVR, tuta ng kano. Noon si GMA na, ganun pa din. Parehong mensahe at yun ang opinion nila kung ano dapat gawin para isulong ang bansa natin.

Pero ako, hindi ako mahilig sa pulitika noon, kaya parang hindi ko napapasin iyon. Ngunit, meron nga lang akong ibang napapasin. Sa madaming lugar ng Maynila, nababasa ko ito sa mga underpass, overpass, tulay, pader poste at kung saan-saan, ang nakasulat ay:

Salen-Ga, a Filipino discovered that electron is actually positive.

At nabibilib ako at kalat na kalat ito sa Maynila noong hindi pa mahilig mag pintura ng bago ang Mayor ng Manila. Kung tutuusin mo, kailangan din ng oras and pera para mag vandalize ng paligid. At parepareho nakasulat. Sinabi ko ito sa kaibigan kong pumapasok sa Mapua noon, na si Gonzalo Alan Go, GAGo for short (pwera biro na meron akong kilala na yun ang pangalan), at mula noon, itong GAGo na ito ay pinapasin din ang paligid at s’yang unang nagsabi sa akin na sa may Dimasalang street ay may drawing ng atom. At ganun din sa overpass ng Quiapo sa may Raon. Maaring wala na ito ngayon, pero baka nakakapintura din s’ya ng bago sa ibang lugar.

Maski minsan, wala pa akong nabasa sa magazine, diaryo o nakita sa TV na nakausap ang Salen-Ga na ito.

Kayo may idea po ba kayo sino ito? Napansin din po ninyo ba ito? At saan ang huling pagkaalala mo, saan mo ito nakita?

63 Responses to “Sino ba si Salenga? o Salen-Ga?”

  1. Mike Says:

    wala akong masabi! galing ng pagkakasulat mo. napakita mo ng malinaw ang totoong dinadaanan ng isang mag-aaral na walang inisip kundi ang makapagtapos ng pag-aaral para isulong ang pagunlad ng kanyang bayan! kudos sayo seoph martinez!!!

    at tungkol kay Salen-ga, salamat sa yo, nalaman ko na rin kung sino sya.

  2. Isulong Seoph - Sabit Etiquette Para sa Kabuhayan ng Pinoy na Isulong-- Pinoy Isulong - Seoph Martinez Says:

    [...] Gaya ng nakwento ko na tungkol sa aking pagbiyahe noong ako’y pumapasok pa sa colegio, madalas akong sabit ng jeepney. At madalas akong sabit sa biyaheng Novaliches, Quezon City papuntang Blumentritt, Manila. Sa mga jeep na hataw, hindi na ako pumipili para makasakay at sumasabit na lamang ako. Sa araw-araw na pagpasok ko, ako si Seoph ay nagsumikap pumasok araw-araw na iniiwasan mahuli sa biyahe para ang kabuhayan ay isulong, at aking nakakabisado na ang mga mabibilis na jeepney. Gaya ng: Showy, Bestboys, Desire, Lawin Boys, Joanne Mixes, Ericsson, Alfasisimo, GoldShine, Bhoyacks and madami pang iba gaya ng pinakasikat na Lost Boys na ang driber ay si Roger Arcega. [...]

  3. Patrick Says:

    Tol, you really wanna know the REAL SALENGA? baka di ka maniwala but I have met him face to face!!!! twice!!!! Infact meron kong cell number nya!!!!! he still bothers me with his latest scientific discoveries until now!!!! pare, if there is one guy who would win the Salen-ga awards, it would be HIM… SALENGA!!! I’m nt kidding at all…Hiswhole name is Angelito Salenga… I would like to know you as a person dude, you seem cool… my number is 0916xxxxxxx. and my landline is 521xxxx. by the way i’m patrick,… and SALENGA’s number is 0919xxxxxxx.. I’m NOT KIDDING AT ALL….. HE IS A GENIUS!!!!

    Isulong Seoph Note: I decided to remove the phone numbers for privacy issues. Although your numbers were noted and saved. I might call you up one of these days. - Seoph Martinez

  4. carlos I Says:

    me nakita ko kanina sa quiapo
    “the world is actually flat ”
    - salen-ga”

    tapos may sketch sa taas ng horizontal line na nakadikit na curve line sa ilalim tapos may 2
    vertical line kung san nag meet yun curve and straight line ..ayus

  5. Edmon Says:

    I really don’t post that much, but this thread has sparked my attention.

    Actually, mga 1995 yata ko pa nasimulan mapansin yung Salenga writings. Medyo odd yung message nga nya compared sa mga politically-motivated or fraternity vandals. Anyhow, I just ignored it. One of my friends were making fun of it ‘SALENgGAgo’. I noticed iisa rin ang font style ng sulat nila.

    I am not sure what motivated these people to come up with these theories, pero im sure iyan rin ung mga nagsusulat ng ‘win nice’ (Lim, Gloria, FVR) na vandalisim along those areas din (Quiapo, Dimasalang, LRT)… due to the font style.

    I even wanted to make a salenga font because of what i saw. hehe.

    Kidding aside, I just don’t get the ideas of this Salenga. I mean first, he came up with the idea that the electron (negatively charged) is actually positive. Now the earth is flat (because of the ideas of partitioning the earth on smaller sections). Both don’t make sense at all.

    Sa tingin ko isang pilosopong tao lang itong si Salenga, nothing more… At may mga napapaniwala syang mga tao to spread his ideas.

    Another thing that disturbs me also, is yung AEIOU DEIYOS na headquarters along central PNR station, near Designer’s Depot sa Quirino. Tanda ko, it was shown na sa Extra Challenge nuon ata yun. It’s a sect that eats flourescent bulbs in one of it’s rituals.

  6. melchi zedek Says:

    80’s pa madami na akong nakikitang salen-ga vandalism ang pagkaalam ko sa may overpass sa may magsaysay blvd sa tapat ng dating NSO sa sta. mesa ( yun ay kung di pa sya napipinturahan ng MMDA)palagay ko yang “salen-ga” phenomenon na yan ay isang reflection op sentiment ng mga taong namanhid na sa mga nangyayari sa ating bansa lalong lalu na sa pamahalaan, parang kesa makigulo samundo ng mga corrupt at ng mga sumusigaw laban dito ay mapapalingon ka na lang sa mga pader at tila naghahanap ng kasagutan at ito ngang salen-ga writings na ito ay maituturing na ding isang uri na ng protesta,,,at pagdeviate sa kalakaran kesa maging bahagi ng isang sakim na pamahalaan o ng kaguluhan ng mga self serving politicians, mapapaisip at mapapabasa ka na lang sa mga pader, pader na simbulo ng tibay at maaasahan…

  7. desertpinoy Says:

    Napansin ko na rin yang Salen-Ga na yan noong nasa kolehiyo pa ako. circa 1990’s Sa Taft ave. din ang school ko kaya madalas kong makita yan mula sa Welcome/Rotonda-Espana-Quiapo hanngang Taft. Minsan nakakaita rin ako sa Rizal Ave…
    Madalas tisa/chalk lang ang ginagamit na panulat pero ang tiyaga din ng gumagawa nun…minsan may version pa syang “Mayor Lim win”,”Cong. Ato Yap win”, o kaya “Erap Win” with those horizontal and curved lines adorning it. Minsan nakasakay kami sa dyip ng pinsan kong amazed din sa mga ganyang graffiti, nakakita kami ng parang taong grasa sa bandang UST na nagsusulat ng ganyang tipo, can’t remember yung exact phrase na sinulat nya and definitely theres the trademark na may “win” din sa dulo. Kami man ay nagitla sa aming nakita at natawa na lamang. Sayang di mabigat ang trapiko noon di namin nasiyasat na maiigi ang aming nasaksihan.

  8. hercules Says:

    Nakita ko si Salenga, twice. Sumakay siya sa bus na sinasakyan ko. Nung una akala ko ay mangangaral lang siya gaya ng iba, o di kaya ay hihingi ng tulong gaya ng mga rallyista at mga nasa piket line. Pero hindi, kakaiba ang isang ito.

    Nung simulan niya ang pagsasalita tungkol sa atoms at electrons natawa ako. Kasi ordinary fare bus yung sinasakyan ko. Karamihan ng kasama ko ay mga factory workers, construction workers, mga namalengke sa Balintawak. Nga pala, sa Munoz siya nakasakay ng dalawang beses. Ang nakakatawa kasi, ano ba pakialam ng mga kasabay ko sa ele-electron na yan?

    Nung pangalawang beses na sumakay siya sa bus na sinasakyan ko ay kasalukuyan ako nag-aaral ng Quantum Mechanics. Gusto ko sana siya sagutin. Pero hehe, ika nga, walang basagan ng trip!!! =)

  9. pinoyhudas Says:

    Talaga namang positive ang electron eh. Nagkamali lang kasi si Benjamin Franklin ng assumption kung alin sa dalawang materials na pinagkiskis nya ang nag gain ng electrons kaya naging baligtad tuloy. Di naman mabago yung mga nakasulat sa mga libro dahil magastos at mahassle. Matagal ko na nabasa yun kaya di ko na masyado maalala at mapaliwanag ng detalyado. Sa librong Solid State Electronics ni Don Cannon, nandun yun. Sa internet siguro meron din. Di ko lang masyadong makampihan si salenga dahil di ko naman alam kung paano paliwanag nya tungkol sa electrons being positively charged. Pero kung tungkol lang sa electrons being positive, and in that aspect lang, totoo sinasabi nya.

  10. Moji Says:

    Positive ang electrons?
    So?Pangalan lamang naman iyon. Kagaya ng sabi ni pinoyhudas, mahassle nga naman ang pagpapalit ng mga rekord na naitala na kahit na sabihing totoo ang claim.

    Flat ang mundo? Pano nangyari yun? Kahit hindi pa ako nakakarating sa space, may mga tao na nakakuha ng larawan ng mundo at walang dudang sphere ito…at kung itre-trace mo, halos lahat ng bagay sa universe ay mayroong unibersal na hugis at iyon ang sphere…Simula sa pinakamalaking araw at bituin hanggang sa pinakamaliit na particle o quarks…hugis sphere parin ang nangyayari. At sa pagbubukas ng “Large Hadron Collider” sa summer 2008 malalaman natin kung bakit ito nangyayari at ma-eestablish na ang “grand unified theory of everything” na sasagot sa mga katanungan ukol sa pisiks,hugis at pagkakabuo ng mga bagay bagay (wikipedia keywords “LHC”,”God Particle”).

  11. omegaman Says:

    mga tol, makasabat lang po sa usapan. nakita ko rin yan mga sulat sa pader nung collegio pako sa at nag-aaral ng ECE sa Uste. swerte yung kapatid ko, nakasabay daw nya sa dyip si salenga at nagpakilala daw sa kanya at sinimulan na nyang dumakdak tungkol sa electrons. sayang ako sana ang nakausap.

    inaral ko ng konti yung kanyang kalokohan, yung positive electrons lang ha hindi yung flat world, mabigat-bigat yun eh.

    ayon sa aking pagsasaliksik, yung idea ng positive electrons ay may katotohanan at ang tawag dun ay “positrons”. nadiskubre ito nung 1928 ni Paul Dirac at kinumpirma ni Carl Anderson nung 1932 at sinimulan nang tawaging “positrons”. ito ay scientifically-accepted at naging basehan ito para madiskubre yung tinatawag na “anti-matter”. ngayon ay ginagamit na ito nang pangkaraniwan sa “Positron Emission Tomography (PET)scanners sa mga ospital tsaka sa accelerator physics laboratories sa maga electron-positron collider experiments.

    sa makatuwid, yung sensya ay tama, para lang mali kasi hindi naman tinuro sa eskwelahan ito at hindi maaarok ng simpleng tao. ang problema ay yung utak ni Salenga ay hindi tuwid dahil hindi sya ang nakadiskubre nito, panahon pa ng lelong nya ito nadiskubre.

    ngayon yung tungkol naman sa flat na mundo, mabigat. LSD ang katapat nyan.

  12. Anonymous Says:

    ako mejo gets ko yung flat ang mundo, mali lang siguro sabi nya, yung illustration nya kase, parang napagaralan ko nung highschool sa geometry,
    na yung , sa isang bilog, ang isang point from the middle of the circle hanggang sa point ng surface nya is flat, pero kung bubuohin mo yung flat point na from same point(middle ng circle) makakabuo ka ng bilog.

    yung sa elecrons are positive, self explanatory yung illustration nya, na negative repels to positive,

  13. Tem Says:

    astig din tong si salenga..nkita namin to sa mendiola kahapon sa paggunita ng people power..my dala syang mga plakards,tapos lalapit para magpaliwanag sa mga tibak..ang sakanya kasi parang media censorship daw ang nanyayari regarding sa mga natuklasan nya..ayaw daw sya pansinin kasi nga naiinggit sa kanya ang mga unang scientist…sya din ang nagsasabi na malamig daw ang silahis ng araw.diko naitanong kung paano.pero ang sabi nya habang lumalayo daw ang mundo sa araw,mas umiinit daw..sabi nya subukan mu daw umakyat sa bundok na mataas mas nararamadamam mu ang lamig nito samantalang mas malapit ito sa araw(ex.Mount Everest)..astig.dba?hehehe..ang isa pa nyang pinapaliwanag ang maling labeling daw ng mundo..dapat sa baba daw yung North pole…ang kwento nya.kapag sinabit mu daw yung magnet sa string nakuturo daw yung “N” sa north pole according daw sa mga tinuturo ngayun…pero ang sakanya bakit daw kapag pinagdikit mu yung dalawang “N” nagrerepel…samantalang kapag gnawa mu daw “S’ yung isa didikit yung “N”…so ang sakanya hndi daw “N” dapat nasa ibabaw ng Globo kundi “S”..madami talaga kwento si salenga..at dati daw sya Professor..graduate daw sya sa TUP…nainggit daw sa kanya ang mga dati nyang studyante na engineeering at kinontra sya sa mga findings nya..yun..share ku lang yung naexperience ko kahapon..kasi pati ako nagkainterest sa background nya!ayus!..sino ba talaga si Salenga?

  14. Tem Says:

    picture ni salenga
    http://www.flickr.com/photos/angrylittleboy/2292900536/

  15. dj Says:

    tama si TEM. ksama ku din sya nun..

  16. dj Says:

    pumunta kayo sa prayer rally sa 29 sa ayala.. siguradong makikilala nyo na si SALENGA>..at ng mapatalsik na din si gloria

  17. angrylittleboy Says:

    Matagal ko na ‘ring nakikita ang mga sulat ni salenga, pero ‘nung feb 25 rally ko lang s’ya nakaharap. Isa pa sa mga teorya n’ya na binanggit n’ya sa akin (na hindi yata n’ya sinusulat sa pader)-

    “Bakla ang North pole”.

    Verbatim.

  18. ItachiXAnko Says:

    Nakilala ko siya banda sa PNU-CTL noong estudyante pa ako, sometime last year at November. He told me that the Electron Theory is DEAD. Sinabi niya rin sa akin na the world is globally round, but locally flat. Siya yung tao na inilalahad ang mga kamalian ng Science Community.

  19. Legen ~wait for it~ DARY Says:

    ItachiXAnko I can’t believe how dumb you are. If you believe that his theory is more accurate/correct than the scientific community then you are one dumb ass gay dude who doesn’t even have a leg to stand on. Uh and what do you mean by globally round and locally flat? The science community isn’t base of just one person, but the greatest scientist in the world and he is not included. Why? because he’s a nut-case.

  20. Seoph Says:

    @Legen ~wait for it~ DARY: I can’t believe how dumb you are believing that ItachiXAnko believes Salen-ga. He did not even mention anything on his personal thoughts. He just described him.

  21. Legen ~wait for it~ DARY Says:

    Well you see there is a reason why I said that and I am 100% confident that he believes the word that Salenga said. I will not mention it for it will ruin my plan.

  22. Seoph Says:

    Hmmm sounds like a personal thing going on between you too. Ok, bahala na kayo. *LOL* Good luck sa inyong dalawa. Makaimbento na nga din ako ng sarili kong theory. Ano kaya?

    “Gravity is not pulling you down to earth. The earth is pushing against you going up.”

    “The sun’s energy is not a process of converting Hydrogen to Helium to Hydrogen. It is a process of converting Helium to Hydrogen to Helium”

    *LOL*

  23. a_lipin Says:

    mga tol, masasabi ko lang kay salen-ga isa cyang matandang baliw na pakalat kalat sa lansangan.hinarang kami minsan sa may wtc sa buendia at sinabi ung discovery nya… nung una ok pa mga text namin…pinapaliwanag nya na ung sun rays ay malamig..so cyempre tinatanung namin kung panu nanyare un..sa madaling salita nakulitan yata sa mga tanung namin or di na nya kayang ipaliwanag…nagalit na sa amin…nagmumura na…na kesyo miltar daw cya? panu naman cya magiging miltar e pandak cya? no offense…wolf in sheep’s clothing pala ang mamang ito..biglang lumitaw ang dark side.kahit hatinggabi tumatawag yan…animo demonyo ang boses…yun lang ang experience ko sa taong yan.

  24. Teacher Gelo Says:

    Legen ~wait for it~ DARY alam mo tama ung sinabi ni Seoph. Dinedescribe lang ni ItachiXAnko ang tungkol sa nalalaman niya kay Salenga. Wala naman sa statement niya na naniniwala siya sa mga sinasabi niya. Be a little more discreet! And if he ever did, huwag mo na siya pakialaman.

  25. Teacher Gelo Says:

    Wow! Dinaan mo ang lahat sa sipag at tiyaga! Man I raise my glass to you!!

  26. ‼Erish Dale Salenga‼ Says:

    mga cra ulo kau!

    kaung mga naninira sa tatay ko!

    balang araw ha2napin ko kau at pa2tayin!

    mga walang hiya kau!

    kau cra ulo,gago’t kalahati!

    ulol kau!

  27. salenga himself Says:

    the salenga theorem on the tangent of a circular arch to a point is >> much greater than a point means that a series of points changes d meaning of a circle into Circle- A SERIES OF VERY SHORT (4POINTS LONG) STRAIGHT LINES WHOSE TWO ENDS MEET. THE GUY WHO SAID IM A BAD PERSON IS A DIRTY DETRACTOR.THE SIGN OF THE BATTERY IS REVERSIBLE COZ IT IS MERE INK. IF MAGELLAN TAUGHT US THE SKY’S COLOR NAME IS “RED” ANSWERING THE QUESTION “WHAT IS D COLOR OF D DENIM PANTS” WT SKY BLUE MEANS YOU ARE OUT OF YOUR MIND. IM SALENGA. VISIBLE LIGHT??? THERE IS NO SUCH THING COZ LIGHT FLOODED OUTER SPACE WC IS A VACUUM CANNOT REFLECT LIGHT. IM GOD’S GODSEND WHO FULFILLED ISAIAH 29:14-16. I HAVE DESTROYED D WIZDOM OF MAN AS GOD COMMANDED. AMEN

  28. Seoph Says:

    Hello Salenga, So far this looks authentic that you are the real Salenga. I saw your email in the comment posted. Could I set up an interview with you? Kahit over the phone and maybe we can feature your ideas in detail. And also give your chance to voice out your views to your detractors.

  29. salenga himself Says:

    THE SALEN-GA THEOREM-THE TANGENT OF A CIRCLE TO A LINE IS >> MUCH GREATER THAN A POINT. THEREFORE A CIRCLE IS A SERIES OF VERY SHORT STRAIGHT LINES WHOSE TWO ENDS MEET. THE GENIUS BEHIND ME IS GOD WHO PROMISED TO DESTROY MANS WIZDOM IN ISAIAH 29:14. EAT YOUR ENVIOUS HEARTS OUT OF YOUR CHEST DIRTY DETRACTORS . AMEN

  30. salenga himself Says:

    the intrinsic coolness of infra red sunlight- i have discovered that SUNLIGHT BECOMES HEAT ONLY UPON CONTACT WITH MATTER BASED ON TWO OBSERVATIONS WHICH I SUBMITTED TO D U.S. LIBRARY OF CONGRESS.
    1.OUTER SPACE IS A VACUUM WHICH DOES NOT ALLOW HEAT TO PASS THROUGH. IF IT DOES,THROW AWAY ALL
    YOUR THERMOS BOTTLES.
    2.THE TEMPERATURE OF OUTER SPACE IS SO COLD IT CREATES SNOW,MOUNTAIN ICE CAPS AND ICEBERGS IN THE NORTH POLE; SO STEEL HARD, IT SUNK THE TITANIC! INFRA RED OR HEAT RAYS AS SCIENTIST CALL IT IS INTRINSICALLY COOL(WITHOUT TEMPERATURE). GLOBAL WARMING ON EARTH IS LOCALLY MADE BY COOL SUNLIGHT! MALAMIG ANG SINAG NG ARAW.

  31. Teacher Gelo Says:

    I guess some people are not open to these new ideas yet. Mahirap ma kasi nasanay na tayo masyado sa kinasanayan natin.

  32. mads Says:

    astig si salenga

  33. anna Says:

    my last name is slenga….. great work

  34. fjordz Says:

    sino pwedeng makatulong sa amin.. baka may nakakaalam po sa inyo ng contact kay angelito salenga.. tahanan niya.. kamaga-anak niya.. o kahit ano na pwedeng magturo sa amin sa kanya.. kailangan po kasi namin siyang makausap..

    pwede niyo po akong itext dito:
    09209824917
    i-email:
    fjordz.allego.hiraya@gmail.com
    o bumisita sa:
    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    maraming maraming salamat po!

  35. zerw1n Says:

    nakasakay namin si salenga sa lrt this morning and got off at carriedo station. he was talking to someone sa cp nya (or pretending to talk to someone) and binibida nya that salenga discovered 5 things. sa tingin ko sya yun and he mouthed everything that was mentioned in this thread. he is a true person after all. too bad di namin sya nahabol. kung may contact kayo sa kanya pls let me know at 09178823114. Thanks!

  36. jim Says:

    I don’t see any different in that theory, the world is locally flat?,yes its true, kung ididivide mo sya sa small portion. but we look at earth as a whole. so bilog pa rin kahit sa bible ang sabi bilog. nakalimutan ko lang ang verse pakitanong na lang kay Bro. Eli.
    The negative sign is actually positive?
    So whats the different, kung baguhin mo ang sign? nabago ba ang takbo ng electron and nucleous? infact may negative and positive voltage.

  37. oldies but goodies Says:

    bakit po nawala yung comment ko? i just want to invite mr. salenga sa electronicslab.ph/forum. marami kasing curious na tao dun about sa discoveries nya.. at maraming intersado sa kanya.. sana kung mabasa nya to, mag-register sya kung may time sya.. tnx!

  38. kenshin21 Says:

    sikat na pala xa, naksabay ko xa kanina sa LRT.. =))

  39. MR_E Says:

    “take the earth by the edges and shake the wicked out of it (Job 38:12-13)

    how could you hold the edge of the earth if it is a sphere? d b kung flat ito, dun k lng mkkhanap ng endge?

  40. Tyrone Says:

    Salenga, parang ganito lang yan, salengpusa, salengketket…

    ang salenga, salenggago at salenggago! :D

  41. nagtataka Says:

    bakit nio ba sinasabihan ng gago si salenga?

    ndi nio naman xa talaga kilala..

  42. Idol ko si salenga Says:

    @mr. SALENGA

    kung positive ang electron? ano ang sign ng proton?

  43. anti-salenga Says:

    basta ang turo sa ‘min, “a straight line is just a curve with infinite radius” kaya para sa ‘kin pabilog pa rin ang hugis ng mundo kahit pira-pirasuhin mo!!!

  44. Moots Says:

    There’s a guy in front of SM Manila, behind Manila City hall who’s holding a sign that says “Salen-Ga, a Filipino discovered that electron is actually positive.” I saw him screaming these words aloud last week. Could that be him? He’s really mysterious and definitely have a lot to say. Hopefully, the mystery will be unfolded soon.

  45. salenga himself Says:

    what jim is insinuating is that common sense discoveries are public domain so thanks to the people who did not believe me. they are my witness that common sense is so rare it has to come from God! the science community had no explanation for the zen like koan posed by the attraction between the north pole of the compass to the terrestrial north pole. i have discovered by inductive logic that the inventor of the 1st map mislabelled the N sign up where the south magnetic pole is!!! a.lipin is a dirty asar inget who should not be in a decent blog site like this. may his kind banish before the endtimes that has begun wt the fall of wall street in the u.s.a. is consumated. amen

  46. salenga himself Says:

    don l cannon did not have priority before me. what i have discovered is that the ink signs of the 1st battery were inverted by the inventor allessandro volta. the positron is negative. particle physics is upside down!!!!!!!!!!

  47. ash Says:

    kilala ko po si salenga,teacher po siya sa isang pampublikong paaralan sa maynila at estudyante po niya ako.kadalasan,iba ang itinuturo niya sa amin,katulad ng flat daw ang mundo,bakla ang north pole,baligtad ang sign ng battery at marami pa pong ibang kabaliwan at alam niyo po values education pa naman ang tinuturo niya!yun lang po.THANKS!

  48. ash Says:

    PUT*** *NA MO SALENGA!!!MAMATAY KA NA!!!GA**!!! BALIW!!!

  49. za Says:

    ahm regarding salenga. im able to encounter him FACE to FACE. kinwento pa nga sya nang prof ko sa chem! una nga akala ko holdaper eh! interesting yung mga sinasabi niya! grabe!

    penge naman akong number niya o! sige na!

  50. JoshDJ Says:

    YAh, saleng-ga. kinorner nya ko dati sa dapitan. May sinasabi xa about magnets and stuff. I wasn’t really listening kasi i was buying something. He was wearing this cardboard thingy over his body with sketches and stuff. Tapos nito lang may sinulat xa sa dapitan din about how the world is flat tska ung about space vacuums. For me, i think he’s nuts. Seriously. Cguro kung may valid scientific explanation about his claims, pwede pa kong maniwala, pero hanggat wala, d pa rin mababago ung tingin ko sa kanya, na nagpapakafeeling-renaissance man lang. Pero, i admire his courage naman, mantakin mo??? khit pagsabihan xa sira, he sticks to what he believes in… kaya pwede na rin

  51. JoshDJ Says:

    o btw mr seoph, could you give me his number, para maprove ko kung may katotohanan nga sinasabi nya. i want to know his side din naman…

  52. Angelito Salenga Says:

    Maayung GAb-I sa inyung tanan.
    Diyan po kayo nagkamali -
    AKO po ang ang totoong ANGELITO SALENGA.

    Ang patunay ko sa claim na ito ay isinlang ako sa ILALIM ng LAGUSNILAD noong itoy binaha ng matinding ulan noong 1969. At dahil sa bahang ito, muntik na kaming nalunod ni Nanay. Buti na lang na sumasakay kami sa isang volks beetle at itoy di nalunod.
    Duon aku ipinangalan ng aking ina bilang Angelito dahil Angel na mukhang mais raw ang tumulong sa akin. Mahal na mahal ko si nanay Berta. mahilig siyang kmain ng mais. Ang last name ku naman na Salenga ay ibig sabihing mandirigma sa salitang Kalingga. Opo, mga Kalingga ang buong angkan ko. Kaya dati, namumugot ang mga ninuno ko ng mga ulo ng kanilang mga kaaway. Pero sa ngayun ipinagbawal na ito ng pamahalaan at PNP natin. At ayaw ko ring gawin kasi Iba na po ang aking relihyon. - Aku ay isang Charismatic Animist. Sinasamba ko po ang rivergod ng pasig river na ipinanglan kong Mariang Mais. Siya’y isang babaeng professora at scientifico na iginahasa at itinapon sa ilog pasig ng mga sundalong hapon nuong ikalawang digmaan. Si Mariang Mais, apo raw sa tungkod ni Mariang Makiling, ay isang diyos ng pagmamahal at dahil dito mahal na mahal ko ciya. Dahil sa kanya, ako ay guminhawa sa buhay at naging isang matipunong professor sa makati.Sana matulungang niya kayung mahalin aku. Wala naman pu akung gingagawang masama. Eh di baket ninyu aku inaapi?Ginagamet niyu pa ang marangal kung pangalan!

    Ang electron ay positive dahil sa pagmamahal ng mais. Kung hindi dahil sa Mais, walang electron sa mundo. Kung hindi dahil sa mais, di makarating ang mga kastilla sa pilipinas. Kung hindi dahil sa mais walang ilaw sa mundo at kalawakan. Ang mais ang totoong liwanag sa buhay ng tao at kalawakan. Samahan ninyu aku sa pagsasamba ng mais. Para sa inyung kaligtasan sumali na kayung lahat sa aking simbahan - ang simbahan ng mais. Makikita ninyo ito sa aking website: jegohc.blogspot.com

    Cge. Matutulog na po aku. Gudnite.

  53. Seoph Says:

    Labo. Mais, Electron. Parang may sayad.

  54. SALENGA HIMSELF Says:

    IF THE WORLD IS 100% ROUND THEN THE STREETS ARE SUPPOSED TO BE ROUND TOO. SO HE HE HE1!!! CAN YOU PROVE TO ME THAT THE STREETS ARE ROUND. HAAAAAHAHAHAHA. THE BLOGGER ABOVE IS NOT ME. HE IS MY STALKER.

  55. SALEN-GA HIMSELF Says:

    THE SALENGA TANGENT THEOREM-THE TANGENT OF A CIRCULAR ARCH TO A STRAIGHT LINE IS MUCH GREATER THAN A SINGLE POINT. IT IS ACTUALLY ~4 TO 5 POINTS. IT IS THE QUARK OR THE HOLY GRAIL OF MATHEMATICS. THE 1ST EUCLIDIAN NON MANDELBROT SET FRACTAL PROVING THA A CIRCLE IS COMPOSED OF VERY SHORT STRAIGHT LINES. EXAMPLE: IN THE BASKETBALL COURT THE CENTER CIRCLE IS INTERSECTED IN THE MIDDLE BY A STRAIGHT LINE DIVIDING IT IN TWO. NOBODY NOTICED THAT THE CROSSING OF THE TWO FORMS A SQUARE,AND A SQUARE HAVE FOUR EQUADISTANT FLAT LINES FOR IT’S PERIMETER. THEREFORE A CIRCLE IS A SERIES OF VERY SHOT STRAIGHT LINES WHOSE TWO ENDS MEET. THE METAPHYSICAL IMPLICATIONS ARE THAT THE STREETS AND THE WATER LEVEL HORIZON OF THE GLOBALLY ROUND EARTH IS SIMULTANEOUSLY LOCALLY FLAT AT THE SAME TIME. AND PLEASE TO MY DETRACTORS, YOU CAN FRET,STOMP YOUR FEET, CRY ALL DAY AND EAT YOUR ENVIOUS HEARTS OUT; BUT DONT IMPERSONATE THAT YOU ARE ME. IT ONLY BRINGS ME UP. BESIDES IT BECOMES YOUR TICKET TO HELL. LIARS WILL GO TO HELL. AAAAAHHHHHAHAHAHAHA. PATHETIC FOOLS!!!

  56. nuj308 Says:

    bakit nga pala dalawa yung tangent lines sa world locally flat?

  57. SALEN-GA HIMSELF Says:

    TO NUJ308: THE DISTANCE BETWEEN THE 2 POINTS IS 5 POINTS APART. THE MATHEMATICAL DEFINITION OF A TANGENT IS RECOGNIZED BY THE MATHEMATICAL COMMUNITY AS ONLY ONE POINT, AND A CLOSE VISUAL OR CAD CAM CONSTUCTION PROVES IT IS ALMOST FIVE POINTS. THOSE WELL VERSED IN FRACTAL MATH WILL FIND OUT, IF THEY REALY ARE FRACTAL GEEKS THAT THE 4.5 POINTS OR SALEN-GA TANGENT THEOREM DISTANCEIS A REPEATING GEOMETRICAL FRACTAL FIGURE GOING DOWN TO INFINITY. IT IS THE CABALLA SOLUTION TO A STARGATE OR WHAT YOU CALL IN COSMOLOGY AS A TIME WARP WORM HOLE. FEMALES LIKE MY FORMER IDOL BRITNEY SPEARS DID NOT HEED THE AGE AND GENDER PROHIBITION IN STUDYING THE CABALLA, THE GEOMETRY OF GOD. THOSE WHO ARE MORALLY TRYING HARD TO BE GOOD,WILL BE BORN AGAIN GODS( PSALM 82:6,7,8; REVELATION 2:26,27,28). GOD SAID NO MAN MAY SEE HIM AND LIVE. SO ELI SORIANO OF THE CHURCH OF GOD AND MY CHURCH ,THE CHURCH OF THE ELITE ARE BOTH RIGHT: CHRIST IS THE 1ST BORN AGAIN GOD WHO IS THE PROTOTYPE OF THE BORN AGAIN GODS WHO WILL BE CITIZENS OF HEAVEN. SO BE GOOD FOR GOODNESS SAKE SO YOU CAN ENTER THE STAR GATE. AMEN.

  58. unknown Says:

    Physicist here. There’s nothing wrong about the belief of Mr. Salenga but he can’t make rational and scientific proof about his claims.

    If something is wrong about the Physics laws then it has to be limited to set boundaries for each principles.

  59. paparu Says:

    you can imagine that this blog was written 3 years + 3 days (or 1,099 days) ago and still somebody (like me) keep posting their comments. ang lakas ng dating ng salen-ga na yan. akala ko ako lang nakapuna nung writings nya marami rin pala.

  60. EspadaNumero Says:

    well said from mr. salen-ga himself. nevertheless the aforementioned theorems of his needs rational and scientific proof. we need his evidence to verify his claims or he will be put to mental hospital for psychological reasons.

  61. Ian Says:

    Nakikita ko yung mga nakasulat na yan, siya pala gumagawa nun…sa LRT…sa TULAY…same fonts…

    Nothing is wrong with what he’s saying. Except for vandalism, nothing is wrong with what he’s doing (unless he points a dagger or gun on you, that’s a threat).

    However, still, any scientists, mathematicians, and any people who like science and math know (even lawyers, criminalists, even Bible preachers) that there should be a convincing evidence on a given statement before you consider this a discovery or “new facts”. If no evidence is provided, this will remain a theory/theories.

    There’s nothing wrong with stating theories, but if a person keeps on insisting without any convincing evidence, then, you can’t blame other people if he’s called crazy.

  62. salenga himself Says:

    truth of the ultimate or metaphysical kind is untransmittable. it is like the taste of a mango,
    you can write a milllion books on mangoes but you can never describe it’s taste. only by actual experience of it; tasting the mango, can you say that you know. truth cannot be transmitted only experienced. study the caballa you might get lucky.

  63. epjey Says:

    magkaibang tao ung nagsusulat ng win at si salenga. taong grasa sa ust ung nagsusulat ng win at nakakarating sha ng bulacan. samantala ung salenga ay nakapolo pa. at nagllrt.

Leave a Reply