Janice, Julie o Juday?

June 4th, 2006

Janice De BelenNaalala ko pa nung ako, si Seoph ay bata pa at pagkatapos ng Star Rangers na aking paboritong panoorin noong edad ko ay nasa panahon noong ako’y elementarya pa lamang sa paaralan, lahat na ng tao sa bahay manonood na ng Flordeluna. Na kahit ako’y bata pa, naalala ko may crush na ako dito kay Janice De Belen. Kahit bata pa ako, ni hindi ko iniintindi ang kwento, kasi hilig ko lang naman panoorin kung hindi Star Rangers, ay Voltes V, Diamos, Mazinger Z, Ballatac, UFO Grendaizer at mga iba pang mga robotech na cartoons. Pero basta makita ko Janice De Belen, ako’y napapatitig at na-kyu-kyutan sa mukha n’ya. Sa kakapanood ko ng Star Ranger at nakikisabay sa Flordeluna, siguro tumanim na din sa isip ninyo na ang dakilang channel noon at ang RPN 9 Via Domsat, Member ng KBP.

Hindi ko gaanong maalala and yumaong si Julie Vega na kasama na ng ating Maykapal na gumanap sa papel na Annaliza, at ang naaalala ko lamang ay pinagtatalunan ng mga tao kung sino masmaganda, masmagaling umarte, massikat at kung anu-ano pa. Pero ang katotohanan daw ay, magkaibigan ang dalawa sa labas ng telebisyon. Hindi ko po ito gaanong naalala at bata pa lamang ako noon. At siguro ang mga tao sa bahay ay mas nasisiyahan sa Flordeluna.

Pero itong dalawang naunang telenobela, na tinatawag na mga original na telenobela at isa ito sa mga nauna ang syang magtulak na isulong and industrya na magkaroon pa ng masmataas ng kahilingan ng mga manood magkaroon na iba’t ibang klaseng telenobela.

At nang isulong ito ng industria ng telebisyon, nakahilig din ang mga Pilipino sa mga telenobela ng mga ibang bansa na nanguna na rito ang mga galing Mexico kung saan sumikat sa Pilipinas si Thalia at si Eduardo Capitello at mga iba pa. Sumunod dito ang mga Chinobela, mga telenobela galing Taiwan na pinangungunahan ng sikat na groupo galing Taiwan na nagngangalang F4. At sumunod din naman ang mga Koreanobela.

Judy Ann SantosGayunpaman, hindi pa din nawala ang mga original na Pinoy Telenobela na kahit gustong-gustong panoorin ng mga Pinoy na manood ang mga banyagang telenobela, it din ang nag tulak na isulong ang kalidad ng telenobela ng Pilipinas. At dito din sumikat si Judy Ann Santos.

Bilang bahagi ng aking pagsisiyasat ukol sa industria na ito, meron lang po akong maiksing listahan ng mga katanungan na kinakailangan kong makakuha ng mangilan-ilan na sasagot sa mga katanungan na ito. Ito po ay para sa isang project ng aking anak si Martha Martinez, na kasalukuyang nagaaral sa Pamantasan ng Pilipinas. Ginawa ko po ito upang matulungan syang mapagtipon-tipon ang mga sagot para sa kanyang proyekto sa paaralan. Kung maaari po laman, paki:

  1. Kwento po ito sa mga ibang Pilipino na kakilala po ninyo. Pindutin nyo lang po laman ang Email sa Kaibigan, para dumami ang respondents. Kung may blog po kayo, sana po pwede ninyong ilagay ang link sa blog ninyo papunta dito sa websayt na ito para dumami lalo ang sasagot sa survey.
  2. Kopyahin ninyo ang mga sumusunod na mga tanong at ilagay sa “comments” sa ibaba at sagutan ang mga tanong. Hindi po kailangan tutoo ang pangalan ilagay po ninyo at hindi rin lalabas ang email ninyo sa publiko. Pero sana po, tutoo ang mga isasagot ninyo sa mga katanungan para maganda ang kalidad ng proyekto na ito at makakatulong na isulong ang mga magaaral sa kanilang mga pagsasanay sa paaralan.
  1. Sa lahat ng telenobela, aling uri ang iyong pinaka gusto? Latinobela, Chinobela, Koreanobela o Telenobela sa sariling atin?
  2. Ayon sa sagot mo sa No.1, ano ang pamagat ng paborito mong telenobela?
  3. Sino ang tanging artista sa telenobelang iyon?
  4. Ayon sa sagot mo sa No. 2, bakit iyon ang pinakagusto mong telenobela? Dahil ba gusto mo ang artista? Nagustuhan mo ang kwento? Wala kang ibang mapanood? Madami kang kaaway sa TV at napipilitan iyon ang panoorin?
  5. Ano ang gusto mo sa isang telenobela? Madrama, nakakatawa, ma-action o ‘di kaya’y may pagka-suspense/thriller?
  6. Ayon sa sagot mo sa No. 3, pag bigla mong nakaharap ang artistang ito, ano ang pangalan na biglang mong masasabi pag tawag mo sa kanya, ang tutoong pangalan n’ya? O ang pangalan nya sa ginagampanan nyang papel?
  7. Iportante ba ang oras sa iyo para mapanood ang mga ito at talagang naglalaan ka ng oras para wala ka maski isang palabas sa teleserye na hindi mapapanood?
  8. Tingin mo, bakit sikat ang mga telenobela sa Pilipinas at sa mga Pinoy na manood sa ibang bansa?
  9. Kung ikaw ay nasa ibang bansa, at nakakanood pa ng telebisyon na may palabas na mga programa sa Pilipinas, ano gamit po ninyo, cable o direct sattelite?
  10. Kung wala ka gaanong masagot at hindi ka nanood ng telenobela mula pa noong pagkabata, bakit hindi ka na nonood?
  11. Ikaw ba ay lalaki o babae?
  12. Tingin ninyo may naitutulong ba ang mga telenobelang ito para isulong ang ating bansa? Kung tingin ninyo wala, bakit at ano ang maaring gawin sa mga palabas na ito para makalulong na isulong ang ating bansa?

Maraming salamat po sa pagtulong na makatipon ng mga sagot sa survey na ito. Si Seoph Martinez po, Isulong ang ating Bansa! Isulong! ~Seoph Martinez

14 Responses to “Janice, Julie o Juday?”

  1. Anna Says:

    1. Sa lahat ng telenobela, aling uri ang iyong pinaka gusto? Latinobela, Chinobela, Koreanobela o Telenobela sa sariling atin?

    Hello? Ok ka lang? Pwede ba English sagot ko? I liked Chinobela the best. Meteor Garden!

    2. Ayon sa sagot mo sa No.1, ano ang pamagat ng paborito mong telenobela?

    Nasabi ko na, Meteor Garden po.

    3. Sino ang tanging artista sa telenobelang iyon?

    SI DAO MING SI haaaay laglag panty ko.

    4. Ayon sa sagot mo sa No. 2, bakit iyon ang pinakagusto mong telenobela? Dahil ba gusto mo ang artista? Nagustuhan mo ang kwento? Wala kang ibang mapanood? Madami kang kaaway sa TV at napipilitan iyon ang panoorin?

    Gusto ko kwento, love ko ang artista!

    5. Ano ang gusto mo sa isang telenobela? Madrama, nakakatawa, ma-action o ‘di kaya’y may pagka-suspense/thriller?

    Cute na drama at nakakatawa.

    6. Ayon sa sagot mo sa No. 3, pag bigla mong nakaharap ang artistang ito, ano ang pangalan na biglang mong masasabi pag tawag mo sa kanya, ang tutoong pangalan n’ya? O ang pangalan nya sa ginagampanan nyang papel?

    Si Dao Ming Si masasabi ko at hindi si Jerry Yan.

    7. Iportante ba ang oras sa iyo para mapanood ang mga ito at talagang naglalaan ka ng oras para wala ka maski isang palabas sa teleserye na hindi mapapanood?

    Basta gabi at wala na akong pasok, walang makakagulo sa schedule kong manood.

    8. Tingin mo, bakit sikat ang mga telenobela sa Pilipinas at sa mga Pinoy na manood sa ibang bansa?

    Kasi maganda eh.

    9. Kung ikaw ay nasa ibang bansa, at nakakanood pa ng telebisyon na may palabas na mga programa sa Pilipinas, ano gamit po ninyo, cable o direct sattelite?

    Ayyyy, nasa HongKong ako at wala akong TFC. :( Kasi wala pa din akong TV. Aalamin ko pa kung paano.

    10. Kung wala ka gaanong masagot at hindi ka nanood ng telenobela mula pa noong pagkabata, bakit hindi ka na nonood?

    Nanood ako. N/A

    11. Ikaw ba ay lalaki o babae?

    Sexy na babae.

    12. Tingin ninyo may naitutulong ba ang mga telenobelang ito para isulong ang ating bansa? Kung tingin ninyo wala, bakit at ano ang maaring gawin sa mga palabas na ito para makalulong na isulong ang ating bansa?

    Ay basta hangga’t nakakarelate ang mga Pinoy sa palabas, gumagaan ang problema. Puro problema na lang, at least yung telenobela, nawawala ng sandali ang problems na tao ano?

    Salamat. Ikwekwento ko na sya sa friend ko para sagutan din ang survey mo. Ang haba pero masaya naman.

  2. Art Says:

    1. Sa lahat ng telenobela, aling uri ang iyong pinaka gusto? Latinobela, Chinobela, Koreanobela o Telenobela sa sariling atin?

    Sariling atin

    2. Ayon sa sagot mo sa No.1, ano ang pamagat ng paborito mong telenobela?

    Ewan ko, pero basta nandun si Kristine Hermosa

    3. Sino ang tanging artista sa telenobelang iyon?

    Si Kristine Hermosa

    4. Ayon sa sagot mo sa No. 2, bakit iyon ang pinakagusto mong telenobela? Dahil ba gusto mo ang artista? Nagustuhan mo ang kwento? Wala kang ibang mapanood? Madami kang kaaway sa TV at napipilitan iyon ang panoorin?

    Kasi maganda si Kristine Hermosa. May tinatagong kaseksihan.

    5. Ano ang gusto mo sa isang telenobela? Madrama, nakakatawa, ma-action o ‘di kaya’y may pagka-suspense/thriller?

    Kahit ano cguro, basta nandun si Kristine Hermosa. Kung nandun din si Claudine, Anne Curtis at Shaina Magdayao, ok na talaga.

    6. Ayon sa sagot mo sa No. 3, pag bigla mong nakaharap ang artistang ito, ano ang pangalan na biglang mong masasabi pag tawag mo sa kanya, ang tutoong pangalan n’ya? O ang pangalan nya sa ginagampanan nyang papel?

    Tutoong pangalan nya, ni hindi ko alam panganlan nya sa mga palabas.

    7. Iportante ba ang oras sa iyo para mapanood ang mga ito at talagang naglalaan ka ng oras para wala ka maski isang palabas sa teleserye na hindi mapapanood?

    Hindi, kung nagkataon na kauuwo ko lang sa bahay at kumakain ako kaharap ang TV.

    8. Tingin mo, bakit sikat ang mga telenobela sa Pilipinas at sa mga Pinoy na manood sa ibang bansa?

    Kasi mga baduy tayo, at mababaw, at least madali tayong mapasaya kahit walang pera.

    9. Kung ikaw ay nasa ibang bansa, at nakakanood pa ng telebisyon na may palabas na mga programa sa Pilipinas, ano gamit po ninyo, cable o direct sattelite?

    Cable sa amin, TFC, sa kapit bahay ko a apartment naka satellite sa GMA naman sya. Pag si Angel Locsin at Diana Zubiri, lipat ako sa kapit bahay.

    10. Kung wala ka gaanong masagot at hindi ka nanood ng telenobela mula pa noong pagkabata, bakit hindi ka na nonood?

    Nanonood nga ako, kasi madaming maganda at seksi.

    11. Ikaw ba ay lalaki o babae?

    Lalakwe, haha. Lalaki po.

    12. Tingin ninyo may naitutulong ba ang mga telenobelang ito para isulong ang ating bansa? Kung tingin ninyo wala, bakit at ano ang maaring gawin sa mga palabas na ito para makalulong na isulong ang ating bansa?

    Meron, pinapasaya tayo kasi problemado tayo sa bansa.

  3. marcia Says:

    ako din gusto ko sumagot sa survey mo kaso nde ko pa alam paano. sayang naman… pero pwede mo ilink site mo sa anak ko din na si jamie kaso medyo may katagalan na ang last na post ko doon. :)

  4. Lyka Bergen Says:

    Julie Vega pa rin ako…

  5. Jane Uy Says:

    ibang klase ang “flordeluna” noon! nahahawi talaga ang mga tao sa lansangan pagdating ng 6 pm, kasi flordeluna na. at yung mga lumuluwas ng maynila, “flordeluna” agad ang hinahanap. pag-uwi nila sa probinsiya, bida sila kasi alam na nila in advanced kung ano mangyayari!

    powerhouse ang cast! mahirap na ulitin magkasama-sama ang mga super galing na mga beteranong artista (dindo fernando, laurice guillen, tony santos sr), cute na mga bagong batang artista (janice de belen, herbert bautista, and marites ardieta na super ganda at supergaling as batang contravida), pretty tv personalities dabbling in acting (emma yuhico, bambi armabulo), promising na young actor of his generation (michael sandico) and who can forget carmen enriquez/lola agueda na talaga namang nagpataob kay bella flores, zeny zabala at etang discher!!!

    dami ibang artista nag-guest dito: ate vi, rio locsin, pinky de leon, atbp.

    so, in our book, “flordeluna” rules!!!

  6. Seoph Says:

    Ayus Jane! Ako din Flordeluna, kasi type ko si Janice noon. :)

  7. salie Says:

    1. Sa lahat ng telenobela, aling uri ang iyong pinaka gusto? Latinobela, Chinobela, Koreanobela o Telenobela sa sariling atin?
    ***syempre un sariling atin…!

    2. Ayon sa sagot mo sa No.1, ano ang pamagat ng paborito mong telenobela?
    ***sa piling mo

    3. Sino ang tanging artista sa telenobelang iyon?
    ***Piolo Pascual at Judi-ann Santos

    4. Ayon sa sagot mo sa No. 2, bakit iyon ang pinakagusto mong telenobela? Dahil ba gusto mo ang artista? Nagustuhan mo ang kwento? Wala kang ibang mapanood? Madami kang kaaway sa TV at napipilitan iyon ang panoorin?
    ***maganda ang story este istorya(haha..) and gusto ko din un artista at un ang pinapanood namin lahat sa bahay…

    5. Ano ang gusto mo sa isang telenobela? Madrama, nakakatawa, ma-action o ‘di kaya’y may pagka-suspense/thriller?
    ***madrama-naka2tawa…

    6. Ayon sa sagot mo sa No. 3, pag bigla mong nakaharap ang artistang ito, ano ang pangalan na biglang mong masasabi pag tawag mo sa kanya, ang tutoong pangalan n’ya? O ang pangalan nya sa ginagampanan nyang papel?
    ***kung di siguro ganun ka kila2 eh un pangalan nya dun… pero kila2 sila eh… kaya un ung ita2wag ko sa kanila…

    7. Iportante ba ang oras sa iyo para mapanood ang mga ito at talagang naglalaan ka ng oras para wala ka maski isang palabas sa teleserye na hindi mapapanood?
    ***minsan nkklampas din…

    8. Tingin mo, bakit sikat ang mga telenobela sa Pilipinas at sa mga Pinoy na manood sa ibang bansa?
    ***dahil nkk-relate sila at mara2mdaman nila na parang nasa ‘Pinas lang din cla…

    9. Kung ikaw ay nasa ibang bansa, at nakakanood pa ng telebisyon na may palabas na mga programa sa Pilipinas, ano gamit po ninyo, cable o direct sattelite?
    ***no comment… dito ko pinas…

    10. Kung wala ka gaanong masagot at hindi ka nanood ng telenobela mula pa noong pagkabata, bakit hindi ka na nonood?
    ***…

    11. Ikaw ba ay lalaki o babae?
    ***babae po ako…

    12. Tingin ninyo may naitutulong ba ang mga telenobelang ito para isulong ang ating bansa? Kung tingin ninyo wala, bakit at ano ang maaring gawin sa mga palabas na ito para makalulong na isulong ang ating bansa?
    ***…oo naman… malaki… mki2lala tayo sa buong mundo.. pati ang ka2yahan ng mga pinoy na umarte…

  8. richard Says:

    c claudine barretto,magaling na aktres!

  9. richard Says:

    claudine barretto,isang alamat ng telenobela

  10. pricilla Says:

    my favorite actress is sharon cuneta,maricel soriano.janice de belen,julie vega,judy ann santos,bea alonzo.

  11. pricilla Says:

    kc mahuhusay clang artista talaga at tunay gumanap d cla OA gaya ng ibang artista.

  12. pricilla Says:

    as of now is maja salavador sa bagong henerasyon…

  13. monica hall Says:

    I am a die hard fan of the late actress Julie Vega. In my opinion,Julie Vega will forever be in my heart. I would have to say Julie Vega is my choice of the 3 actresses. She will never beat out Janice or any other drama star in the Philippines. All of Julie’s movies should be dubbed in English so non-Tagalog speakers can understand her wonderful movies.Thank you. From, Lake Havasu City,Arizona USA

  14. Cathy Smith Says:

    1. Sa lahat ng telenobela, aling uri ang iyong pinaka gusto? Latinobela, Chinobela, Koreanobela o Telenobela sa sariling atin?
    ~~telenobela sa sariling atin
    2. Ayon sa sagot mo sa No.1, ano ang pamagat ng paborito mong telenobela?
    ~~bakekang..gus2 ko ung story nun
    3. Sino ang tanging artista sa telenobelang iyon?
    ~~Sunshine Dizon
    4. Ayon sa sagot mo sa No. 2, bakit iyon ang pinakagusto mong telenobela? Dahil ba gusto mo ang artista? Nagustuhan mo ang kwento? Wala kang ibang mapanood? Madami kang kaaway sa TV at napipilitan iyon ang panoorin?
    ~~Gusto ko ang kwento nun. Saka mahusay din ang pagganap ni Yasmien Kurdi na mula sa inaapi sa pagiging mapang-api.
    5. Ano ang gusto mo sa isang telenobela? Madrama, nakakatawa, ma-action o ‘di kaya’y may pagka-suspense/thriller?
    ~~madrama na nakakatawa
    6. Ayon sa sagot mo sa No. 3, pag bigla mong nakaharap ang artistang ito, ano ang pangalan na biglang mong masasabi pag tawag mo sa kanya, ang tutoong pangalan n’ya? O ang pangalan nya sa ginagampanan nyang papel?
    ~~tunay na pangalan
    7. Iportante ba ang oras sa iyo para mapanood ang mga ito at talagang naglalaan ka ng oras para wala ka maski isang palabas sa teleserye na hindi mapapanood?
    ~~oo..napaka-importante
    8. Tingin mo, bakit sikat ang mga telenobela sa Pilipinas at sa mga Pinoy na manood sa ibang bansa?
    ~~kasi mayroon itong “unique” na timpla na sumasalamin sa ating pagka-Pilipino
    9. Kung ikaw ay nasa ibang bansa, at nakakanood pa ng telebisyon na may palabas na mga programa sa Pilipinas, ano gamit po ninyo, cable o direct sattelite?
    ~~direct satellite
    10. Kung wala ka gaanong masagot at hindi ka nanood ng telenobela mula pa noong pagkabata, bakit hindi ka na nonood?
    ~~nanonood ako ng telenobela
    11. Ikaw ba ay lalaki o babae?
    ~~babae po
    12. Tingin ninyo may naitutulong ba ang mga telenobelang ito para isulong ang ating bansa? Kung tingin ninyo wala, bakit at ano ang maaring gawin sa mga palabas na ito para makalulong na isulong ang ating bansa?
    ~~sa akin mayroon..kapagka-oras na ng mga telenobela ay nagkakaisa ang mga pamilya sa panonood. at yun ay maganda para pagbukludin ang mga pilipino.

Leave a Reply

 

  • samael