American Adobo!
January 26th, 2008Pansin ko, sa pagtira ko dito sa US, lalo na dito sa San Diego, California napakadaming Pinoy. At sa sobrang dami, niyakap na din ng mga dayuhang bansa ang kultura natin. At isa sa mga nagugustuhan ng mga Americano ay ang luto ng sariling atin.Aking napapasin and madalas na gusto nila ay:
- Adobo (Manok o kaya Baboy)
- Pancit
- Lumpia
- Hot Pandesal
- Puto
At ang madalas na inaayawan nila ay ang:
- Balut
- Dinuguan
- Mga lutong may Apalaya

Adobong Manok - Photo from VisualRecipies.com.
Pero kakaiba pa din ang dating ng Number 1 lunch baon of the Universe, ang Adobo. At mga dayuhan, kahit ano pa man ang paniniwala nila na sobrang mamantika, madaming taba, at kung ano ano pang mga nasa isip nilang hindi kanais-nais sa kanilang kalusugan, kapag natikman nila ang Adobo, wala na din silang magagawa sa sobrang sarap nito.
Sa karanasan ko, mga kakilala kong mga Amerikano, ito pa ang kanilang request lagi pag may handaan. Gusto nila ng adobong malasang nalulunod sa mantika.
Sa sobrang sarap nito, pati ang amerikanong si Travis Kraft pinagaralan lutuin ito. At hindi lang yun recipe ng pagluto ng Adobo ang pinagaralan n’ya, pati na din pagluto nito sa Tagalog na instruction.












February 11th, 2008 at 6:53 am
Travis Kraft is awesome.