White House, kaya bang pasukin ng Filipino Americans?
September 3rd, 2007Sa mundo ng internet nakakakuha ka ng mga pasalin salin na email. Forwarded mails ang tawag doon. At isang email ang nakatawag pansin sa akin hindi dahil sa galing ito sa isang mahal sa buhay ngunit dahil sa nilalaman nito. Ako ay napaisip at napatawa. Maaring sa iba hindi ito nakakatawa pero tunay na mga gawi at kasanayan na kalimita’y makikita, mapapansin at masisilayan sa isang pinoy na katulad ko. Kung sakali man may mabalintunaan sa kahibangang aking inilathala dito. Ito po ay isheni-share ko lang at walang halo itong pang uyam… ika nga ng mga puti ‘just for fun‘.
Sadya nga bang mahirap pasukin ang White House ng isang amerikanong may dugong pinoy? Alamin ang sampung rason bakit nde pwede maging presidente ng America ang dugong pinoy na amerikano.
Top 10 Reasons Why There Couldn’t Be a Filipino-American US President
10. The White House is not big enough for in-laws and extended relatives.
9. There are not enough parking spaces at the White House for 2 Honda Civics, 2 Toyota Land Cruisers, 3 Toyota Corollas, a Mercedes Benz, a BMW (Big Mean Wife), and an MPV (My Pinoy Van).
8. Dignitaries generally are intimidated by eating with their fingers at State dinners.
7. There are too many dining rooms in the White House - where will they put the picture of the Last Supper?
6. The White House walls are not big enough to hold a pair of giant wooden spoon and fork.
5. Secret Service staff won’t respond to “psst…psst.”
4. Secret Service staff will not be comfortable driving the presidential car with a Holy Rosary hanging on the rear view mirror or the statue of the Santo Nino on the dashboard.
3. No budget allocation to purchase a karaoke machine for everyroom in the White House.
2. State dinners do not allow “TakeHome”.
AND THE NUMBER 1 REASON WHY THERE COULDN’T BE A FILIPINO-AMERICAN US PRESIDENT IS…
1. Air Force One does not allow overweight Balikbayan boxes!
Sa ganang akin din mukhang nakalimutan nila na banggitin na mapupuno ang wall ng office of the president ng mga diplomang naka frame ng mga kamag anak na grumadwet sa kolehiyo. Hindi ba kadalasan ay isinasabit yun ng mga pinoy sa lugar na kung saan madalas itong pasukin ng bisita. Kaya mapapansin mo sa pinoy house setting nasa sala nakasabit ang mga diploma. Kayo may mga pure pinoy ways ba kayong nakikitang dapat natin maidagdag sa listahan? Malamang nde lamang itong sampu ang dahilan hahahaha.











