Wowowee Scam, Huli na ba Ako?

August 30th, 2007

Grabe kelan ba nangyari ito kakatapos lang ng Quezon City Day ah tapos nung Lunes National Heroes day naman dalawang lunes magkasunod na walang pasok isama na din mga araw na may bagyo. Hinde ba dapat well rested mga pinoy at maaliwalas isip? Pero teka bakit may ganito? Ang hirap talaga pag malayo ka sa bansa mo. Ganun pa man habol ako kasi Pinoy ako at may Say ako ano man ang nagyayari sa bansa ko. Big deal ba ang nangyari sa wowowee? Bumabandera sa You Tube ang mga katagang Wowowee Scam o kaya nama’y Dayaan sa Wowowee Kitang kita. Goodness, buong mundo napanood na yata mga video nito… parang nakakahiya. Hmmm, ito lang masasabi ko sa mata ng mga ayaw sa Wowowee at nauungusan na sila sa popularity syempre big deal ito…. Hinde super duper big deal kasi nakasilip sila ng butas para pababain kung hinde man pabagsakin ang kalabang show. Ngunit, subalit, datapwa’t sa mga followers ng Wowowee bale wala ito ‘ika nga ni Ms. Cory Vidanes, ABS CBN Head for TV Production isang glitch lamang ito sa bagong-bagong segment game show na kanilang nilikha sa Wowowee. At kung anu man ang nangyari ito’y isa lamang pagkakamaling hinde nila naiwasan. Kelangan ba ng senado na makiaalam dito? Hinde ko rin alam… pero dahil natawag ang pangyayari na SCAM parang mga dagang nagmamadali ang mga taga senado na saluhin ito at gawing national issue. Aba, bakit hinde publicity ito ano. Eat Bulaga ng GMA Channel 7 ba naman at Wowowee ABS CBN Channel 2 ang involved daming followers yata nila. Syempre que maka pro or anti ka sa dalawang show na ito, it would always help na malaman mo na may nagbabantay sa kapakanan mo. Pero kung tutuusin mo bakit kelangan ng senado sumawsaw dito eh mas marami pang dapat silang unahin na problema sa bansa natin. Nde ba pwedeng they leave this thing to the MTRCB? Dili kaya sa mga nag aaway na host? Isang upuan lang yan at kwentuhan baka may magkakapatawaran na. Nde ba si Willy Revillame naman nagsabi idol nya si Joey… at si Joey de Leon naman tinawag s’yang kaibigan… Ano ba naman yan nalilito na tuloy ako. Kelangan ko pang ulit ulitin ang mga video para maintindihan san nanggagaling ang complaint. Eh lumalabas wala naman palang nag ko-complain kundi nag comment lang si Joey de Leon ng Eat Bulaga ng Channel 7 na kasabayan ng pag ere ng Wowowee… at ito naming si Pappy nag react, kaya ayun naging national issue na. Magpapaapekto ba ako nito? Hahahaha ngayon tuloy gusto ko na magpakabit ng TFC tutal available naman sa area namin ang DirecTV para talagang nde ako nahuhuli sa balitang pinas na nde ko matukoy kung political news ba or entertainment news hahaha. Dami na rin kasing politiko na artista duon. Hay naku sulong pinoy… isulong ang bansa nating lumalakad ng paurong!

2 Responses to “Wowowee Scam, Huli na ba Ako?”

  1. jude Says:

    wag naman kayong ganyan onting pagkakamali lng ang nangyari ganyan kayo… hayss imbes na matuwa nlng kung maunlad ang tao o kaya suportahan nlng ay sinisiraan nyo… yan hirap sa atin eh onting pagkakamali lng pinoproblema na parang national issue na nga ito eh pati jeepney driver pinagkukuwntohan… wag crab metality pde?

  2. mea Says:

    Waaaahhhh bakit ganun? nakakainis para naiisahan tayo ah. Tama ba naman yun.

Leave a Reply