Text mo ko ha?
April 22nd, 2007Naalala ko pa ang unang cellphone ko… 1997 pa ‘ata ‘yun. Hindi pa ako nag cellphone agad, at naka-Easycall pager pa ako. Medyo late ako kasi sabi ko, gastos lang ‘yan, hindi ko kailangan ng cellphone. Dahil may munting negosyo ako sa Pilipinas, mga cliente ko, unti-unti nang nagkakaroon ng cellphone. And tanong lagi nila, ano cellphone mo? And ako naman, lagi kong sagot, wala sir eh, wala ma’am eh. Sa landline na lang or page mo ko. Pero unti-unti ko na din naiisip na kailangan ko nga ng cellphone. Siguro dahil kuripot na Ilocano ako, kuripot ultimo sa sarili at nagtitipid, hindi pa din ako bumibili hanggang sa nag sale sa may SM Megamall ang Globe. 1997 pa yun, and kinuha ko ang pinakamurang cellphone na meron dun. Naalala ko Motorola s’ya. Sa sobrang mura, pag may nag text number lang nakikita ko, ni hindi ko nakikita ang pangalan ng nagsend kahit nasa phone book ng phone.
Ayun sobrang tipid ko noon. Pati sa pag text matipid ako. Ayaw ko magtext kung hindi talaga kailangan. Pero ngayon, text naman ako ng text. And receive ng receive din naman ako ng text. Ewan ko, masmaganda at mag text, pag galit ka sa tao, pwede pa din parang hindi ka galit. Kung hindi mo namimiss syota mo, pero kunwari namimiss mo para good shot ka, text mo s’ya ng mga funny text messages. Kung ayaw mong pumasok sa trabaho at masama daw kunwari pakiramdam mo, mag text ka na lang, para hindi halata sa boses na wala kang ubo at sipon. Isipin mo ngayon… minsan naghahanap pa ako ng text message na pwedeng i-text sa mga friends ko daw kunwari. Friends ko lang daw kunwari pero kumakapit lang ako sa kanila. Pero para ma-maintain ko ang bonding ba, pa text-text ako once in a while.
Minsan nauubusan ako ng masasabi… buti na lang may website gaya ng TextMates. Grabe, sangkatutak ang text messages makikita mo sa website na yun. Isipin mo nasa 2000+ text messages na nandun na pwede mo ipadala sa friends mo! Let’s say padala ka sa friends mo ng text message once a day. Meron ka nang 5 year supply of text messages sa website na ‘yun. *LOL* Ewan ko ba kung ano nasa isip ng gumawa ng website na yun pero ok s’ya. Ginagamit ko sa Chikka ko, para sa mga chicks. Ayun, natutuwa naman sila. Pogi points din yun ang laging nagtetext, naalala mo daw araw-araw kunwari. Minsan akala nila ako pa talaga nakaisip ng mga inspirational text messages, kinopya ko lang pala sa website. *LOL*











